Noah's Pov: Part 1 Nagpaalam ako sa aking ama na sa Pilipinas ko na lang itutuloy ang aking pag-aaral. Tutal naman ay marami din magandang university doon. Na agad din naman sinang-ayunan niya. Nang umuwi ako ay agad kong inasikaso ang aking pag-eenrol. "Kuya, hanggang dito na lang kita mahahatid. May klase pa kasi ako," Agad na paalam sa akin ng kapatid kong si Eleanor. Tumango lang ako at nagsimula ulit maglakad. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay may bumangga na sa akin na maputing babae. "Aww!" impit niyang hiyaw. Yumuko siya upang pulutin ang mga librong nabitawan at mga papel na nagkalat nang hindi man lang tumingin sa akim kahit isang beses. "Sorry, nagmamadali kasi ako!" Sambit nito na hindi man lang sumusulyap sa akin. At agad akong nilampasan. Siguro ay may kailanga

