Nang maputol ang zipline ni Rina ay abot-abot ang aking kaba. Lalo na nung hindi ko siya makita na umahon kaagad. Magaling lumangoy si Rina kaya nagtataka ako na hindi agad siya umahon. Dali-dali akong nag-dive sa tubig at hinanap ko siya agad sa ilalim. Hindi ganoong kalinaw ang tubig kaya nahirapan ako na hanapin siya. Habang nasa ilalim ng tubig ay takot na takot ako. Takot akong mawala ang aking asawa. Nang mahanap ang asawa ko ay wala na siyang malay at nakasabit parin ang harness sa kan'yang katawan. Dali-dali ko yung tinanggal at mabilis siyang naiahon sa tubig. Umiiyak na ako ng hindi ko maramdaman ang kan'yang pulso. Isa akong doktor at alam kong dapat kalmado lamang dapat ako para mailigtas ko ang aking asawa. Ngunit sadyang mahirap paglabanan ang kaba at takot na isiping maw

