Chapter 62

1522 Words

"Saglit lang, itabi mo muna." Tinabi ko ang sasakyan ng aking minamaneho nang tapikin ako ni Rina. Sabi niya ay saglit lamang. Dali-dali itong lumabas ng sasakyan, bitbit ang pagkaing galing sa isang fastfood na sana ay pasalubong namin sa dalawang anak namin. Alam ko na kung anong dahilan ng pagbaba ni Rina kaya hindi ko na siya tinanong pa. Nang makita ni Rina ang isang matanda ay hindi siya nagdalawang isip na bumaba ng sasakyan at ibinigay ang pagkaing dala. Hindi na ako magtataka kung bigla-bigla na lang siya bumaba at ibigay ang dalang pagkain na iyon sa makikita niyang pulubi. Nasanay na rin ako sa kan'ya. Alam kong ugali niya na iyon at alam kong gusto niyang makatulong sa matatandang ganito. Ang rason niya ay paano daw kung hindi man sa sinasadya ay magkaroon ng sakit ng pagka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD