Someone's POV.
Kay tagal ko siyang hinanap pero ang sakit lang na sa ganitong sitwasyon ko siya mahahanap. May boyfriend na siya at kitang kita ko sa mga ngiti at mata niya ang galak at tuwa sa tuwing kasama niya ang present boyfriend niyang yun.
Hindi dahil sa nagseselos ako kaya ako nagagalit pero tangina pinahanap ko siya kasi handa na akong magtapat pero malalaman ko na lang na may mahal na pala siyang iba at ang masaklap ay may ibang karelasyon ang bf niya. Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil ipagkatiwala si Khate sa lalaking hindi ko alam kung minahal nga ba siya nun o wala lang siya sa lalaki. Sobrang kapal talaga ng mukha ng babaero na yun. Hindi na nagbago.
"Pasok." - inis man ay nagawa ko pa ring maging kalmado at mahinahon sa sekretarya kong si Micah.
"Sir, nandito na po ang private investigator na hinired ninyo." - magalang at seryosong sambit nito. Maganda, sexy, matalino at masipag si Micah pero hindi magawang tumibok ng puso ko sa kaniya.
May hinihintay na kasi ang puso ko at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong naghihintay.
"Papasukin mo." - sagot ko. Agad namang pumasok ang pribadong imbestigador na inutusan ko para hanapin si Lorraine.
"May update na po ako sa babaeng ito." - sabay lapag nung sample pictures at information ni Khate na ibinigay ko sa kaniya.
"Just speak." - excited na tugon ko dito. "She's now studying at M. A. wherein she owns that big school. It's a gift that she received from her parents last year during her special day. She's an architecture student section I. And she's also a Dean Lister and according to the gossips that I heard she'll be leaving Philippines soon for important reason and I know you already knew what's her reason for leaving so I will not say it na lang baka masaktan pa kita eh. It was too obvious that you loved that girl." - pagbibigay alam niya na tinanguan ko lang sabay kuha nung folder at iniabot ko na sa kaniya ang puting sobre na naglalaman ng sweldo niya. Matapos matanggap ang sweldo ay magalang na nagpaalam lang ito at agad na lumisan.
Tinawag kong muli ang sekretarya ko. "Enroll me at Madrigal University, ASAP!" - excited at nakangiting wika ko sa sekretarya ko.
Ngumiti rin naman siya at agad na tumugon, lumisan upang gawin ang iniutos ko. "Yes, Sir."
"Just wait, my kitty khate! I know how you missed me and now that I'm already here, I'll make sure that you'll be going to be mine." - hindi ko pa rin nakakalimutan ang pangako natin sa isa't isa before I decided to leave Philippines. . . Well it wasn't my decision actually, it's them who forced me to leave. Na-shock na lang akong may passport na ako at paalis na kami ng bansa. Hindi man lang ako nakapagpaalam and I'm so sorry for that.
Miss na miss ko na ang kauna-unahang babae na nagpatibok ng puso ko. Ngayong sinaktan siya ng nag iisang lalaki na minahal niya sisiguraduhin ko na hinding-hindi na muli pang makakalapit ang lalaki na yun sa kaniya at gagawin ko ang lahat para makalimutan niya ang walang kwentang lalaki na yun.
'Just wait and I will make you fall for me again.' - walang boses na naisambit ko sa kawalan.
[END OF SOMEONE'S POV]
MARK'S POV.
Kasalukuyan kong inaayos ang school supplies ko ngayon. Nang muling sumagi sa isipan ko ang mga naisumbat ko sa ex boyfriend ni Lorraine. Seryoso ako sa lahat ng sinabi ko sa kaniya. Hindi porket mahal niya pa ang kapatid ko ay muli pa siyang makakabalik sa piling nito. Hahadlangan ko ang pag - iibigan nila kung kinakailangan. Minsan ng nasaktan ang kapatid Kong si Lorraine at hindi na ako papayag na mangyari pa yung muli.
He decided to chose that damn Sam over my younger sister. Eh di magsama silang dalawa. Hindi niya deserve na maging kasintahan ang kapatid ko kung ganun lang din naman siya kaduwag para hindi maipagtanggol at maipaglaban ang nararamdaman niya sa kapatid ko.
Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at mabilis na lumabas ng mansion, tinahak ang daan patungo sa kompanyang pag - aari ko. Nang nasa tapat na ako ng kompanya ay agad na akong pumasok at naabutan kong naglalakad si Alyanna sa pasilyo kaya agad ko itong tinawag at nginitian. "Alyanna." - sigaw na tawag ko sa kaniya at mabilis akong nilingon sabay sabing, "Sir Mark. Namiss kita." - nakangiting sabi niya at agad na kumaripas ng takbo papunta sa gawi ko at mahigpit akong niyakap, niyakap ko din siya pabalik. "Namiss din kita Yanna ko..." - masayang sambit ko at halos pabulong na lang na sinabi ang huling salita. Matapang ako, pagdating sa mga taong umaapi sa mga kapatid ko. Pero kapag si Alyanna na ang pinag - uusapan. Bigla na lang akong nakakaramdam ng hiya at pagkatorpe.
Hindi ko magawang umamin dahil natatakot ako sa posibilidad na baka ma-reject at ma-friendzone niya lamang ako.
Agad naman akong napabitaw sa mahigpit kong pagkakayakap sa kaniya nang may marinig akong tumikhim. "Sorry for interrupting your sweet moment guys, but this is urgent." - seryosong sabi ng sekretarya kong si Leah at sabay sabi ng katagang nagpatigil sa akin. "Your Mom and Dad are now dead." - salitang nagpatigil ng mundo at ng mga ngiti ko. Nabaling naman ang tinggin ko kay Alyanna, nasa mga mata niya ang lungkot, awa, at ang kagustuhang yakapin ako. "Nasaan ang parents ko ngayon?" - hindi mababakasan ng kahit na anong uri ng emosyon na tanong ko.
"And how did it happened?" - pahabol ko pang tanong. "Sadly, Sir Mark, they intentionally shot and killed by a familiar gun and bullet." - mabilis na sagot naman nito. "And?" - wala pa ring emosyong tanong ko. "And we found out that the person who was responsible for your parents death was. . .
(???????????)
"And where can I find their bodies now?" - medyo kalmado ko ng tanong. "Someone's brought them in a private hospital, asap but sad to say they didn't make it. Mismong sa ambulansiya pa lang ay binawian na agad sila ng buhay." - paliwanag pa nito. Hindi ko maiwang magngitngit sa galit dahil sa sinabi nito. Bakit ngayon pa? Paano ko ito sasabihin sa mga kapatid ko lalo na kay Lorraine na ngayon ay may matindi pang pinagdadaanan. Pero hindi kasi yun ang pinupunto ko. Parents namin sila, palagi silang abala sa pagtatrabaho, pagpapalago ng pera't kayamanan nila. Walang oras, ni kahit ilan man lang na sandali na nakasama namin sila kaya sobrang sakit sa part ko na mabalitaang wala na sila.
"Thanks for the info. Leah." - agad ko siyang nginitian, sinenyasan na maaari na siyang umalis at bumaling ang tinggin sa kamay ni Alyanna, hinawakan ito at mabilis na nagwikang, "You're going with me." - at kinaladkad siya papuntang parking lot. Sinakay sa kotse at mabilis itong pinaharurot papunta sa nasabing lugar.
[ END OF MARK'S POV ]
ALYANNA POV.
Alyanna Marie Lee Hernandez is my name. 19 years old. Nagtatrabaho bilang personal maid ni Dennis at personal assistant ni Mark. Alam ko medyo magulo ang trabaho ko, sabay mo pang nag - aaral pa ako. I'm just only a personal maid of Dennis, when they all found out that I knew Lorraine and we're best friend. Mark started to talk to me, he asked me if it is alright if I'll be his personal assistant. I can't say No to him. So, I just nodded my head.
During Monday, Wednesday, Friday I worked as a personal maid of GarciaFamily.
While, Tuesday, Thursday and Friday I worked as a personal assistant of Mark David Madrigal. Also during Saturday. I just grabbed this opportunity, for me to be with him. Mahirap mang paniwalaan pero gusto ko ang boss kong si Mark. Hindi dahil gwapo siya o mayaman. Yun ay dahil mabuti ang kalooban niya, may malasakit sa iba, mahal na mahal niya ang magulang at mga kapatid niya, masipag at responsable siyang anak at kapatid. And aside from that, he's also my dream guy.
Kasalukuyan nga pala akong nasa pasilyo ng kompanya ngayon ni Sir Mark nang may pamilyar na boses ang tumawag sa napakaganda kong pangalan. "Alyanna." - tawag nito sa akin. Agad naman akong lumingon at nakita ko si Sir Mark. "Sir Mark, Namiss kita." - nakangiting sabi ko, sabay kumaripas ng takbo papunta sa gawi niya at mahigpit siyang niyakap. Niyakap niya rin ako pabalik, sabay sabing. . .
"Namiss din kita, Yanna ko." - halata sa boses niya na masaya siya. May parang narinig pa akong sinabi niya pero hindi ko na lang yun pinansin at mas lalo ko pa siyang niyakap.
Agad naman siyang napabitaw sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin nang may marinig siyang tumikhim. "Sorry for interrupting your sweet moment guys, but this is urgent." - seryosong sabi ng sekretarya niyang si Leah at sabay sabi ng katagang nagpatigil sa kaniya, maging sa akin. Na shock po kasi ako. I never thought this would happened, masipag, matiyaga, mabait at responsableng magulang sina Mr. and Mrs. Madrigal kaya nakakapagtakang nangyari Ang bagay na yun sa kanila. "Your Mom and Dad are now dead." - salitang nagpatigil sa mundo at sa mga ngiti ng pinakamamahal kong Si Mark. Nabaling naman ang tinggin niya sa akin, alam ko nababasa niya sa mga mata at mukha ko ang lungkot, awa, at ang kagustuhan kong yakapin siya. Pero sa halip na pansinin ang emosyong nakaguhit sa mukha ko. Muli niyang ibinaling ang atensyon kay Leah at muling nagtanong. "Nasaan ang parents ko ngayon?" - hindi mababakasan ng kahit na anong uri ng emosyon na tanong niya sa sekretarya niya na medyo nanginginig na din sa takot, at pag - aalala.
"And how did it happened?" - pahabol pang tanong ni Sir Mark. "Sadly, Sir Mark, your parents accidentally shot by a familiar bullet and gun." - mabilis na sagot naman ni Leah na medyo pigil pa rin ang kaba, takot at pag - aalinlangang sabihin ang lahat. Yet she doesn't have any choice to hide it from our boss. Makapangyarihan, mayaman at walang kahit na anumang problema at sekreto ang matatago sa kanila. Bukod sa may maimpluwensiya silang pamilya, malalaman at malalaman pa rin niya/ nila ang totoo dahil sa mapapanood naman nila ito sa telebisyon sa oras ng balita.
And?" - wala pa ring emosyong tanong niya. "And we found out that the person who was responsible for your parent's death was. . .
(???????????) - mas lalo akong nagulat and this time napanganga na nga ako. What the hell? Ganyan ba talaga sila, maglaro? Makipagkompetensiya? At higit sa lahat lumaban?
Hindi patas.
Patalikod kong tumira.
I still didn't see the point of why this bad people intend to killed an innocent people just for a damn position, popularity and wealth. Para saan? Para ano? Alam ko kung gaano katindi ang galit nila sa pamilya Madrigal, pero ni hindi ko lubos na maisip na magagawa nila ang pumatay ng kapwa para makalamang at makamit ang gusto nilang kasikatan at karangyaan. Kung hindi pa man sila kuntento, they can still work for it. Pero bakit kailangan humantong sa p*****n? Bakit kailangang may mamatay at parents pa talaga ng lalaking mahal ko at kaibigan ko. I felt sad and sorry for both of them. But what else can I do, aside from cheering them up? Wala na, haysst... Sumasakit na yung utak ko kakaisip.
"And where can I find their bodies now?" - medyo kalmado ng tanong ni Mark. "Someone's brought them in a private hospital, asap but sad to say they didn't make it. Mismong sa ambulansiya pa lang ay binawian na agad sila ng buhay." - paliwanag pa ng sekretarya niya. Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit dahil sa sinabi nito at Alam Kong pareho kaming nararamdaman ngayon ni Sir Mark. And I really pity him. Hahawakan ko na sana ang kamay niya at kakaladkarin papuntang parking lot para puntahan ang nasabing lugar nang maunahan niya akong gawin ang mga nasa isip ko pa lang. Pero siya nagawa niya agad ng sobrang bilis at kasalukuyan na nga kaming nasa parking lot, sinakay niya agad ako sa kotse niya at pinaharurot ng sobrang bilis ang kotse papunta sa pinangyarihan ng pagpatay para makibalita, o magtanong ng iba pang impormasyon. Matapos ay matulin naming binaybay ang address ng hospital na pinagdalhan sa parents niya.
[END OF ALYANNA'S POV]
THIRD PERSON'S POV.
"Be ready. Dahil hindi lang yan ang kaya kong gawin sa pamilyar ninyo. Patikim pa lang ang lahat ng dinadanas ninyo ngayon. Lahat ng handlang sa kaligayahan ng anak ko at maging sa kompanya namin ay walang awa kong papatayin." - nanggigil sa galit na sabi ko sabay parang demonyo na tumawa.
"At walang sino man ang makakapigil sa mga plano ko." - seryoso at nakangising sabi ko. Ngunit sapat na para ako lang ang makarinig.
And that's it for now.
[END OF THIRD PERSON'S POV]