DENNIS POV.
Matapos kong maihatid si Sam sa bahay nila. Agad akong pumunta sa lugar kung saan magdidate sana kami ni Lorraine babe ko. But sad to say, eight o'clock sharp ang usapan at ang akala kong maghihintay siya o may maaabutan man Lang sana akong Lorraine sa mismong tagpuan namin ay wala na. Maaaring nagpunta siya at naghintay ng mga ilang oras pero Hindi ko na siya naabutan pa.
Hindi na ako nag aksaya pang hanapin ang presensya niya sa nasabing lugar. Sumakay ulit ako sa sasakyan ko at pinaharurot ito patungo sa mansion nila Lorraine. Pagdating ko dun nadatnan kung nagtatapon ng basura yung maid nila.
Tinawag ko ito at agad na nagtanong. "Nandiyan po ba si Lorraine?" - seryosong tanong ko sa maid nila. "Wala." - agad namang sagot nito sabay iling. "Ganun po ba? Sige po. Salamat na lang po. Mauna po muna ako." - magalang na wika ko, sabay paalam. Naglakad na ako patungo sa kung saan nakaparada ang kotse ko at muling pinaandar ito pauwi sa mansion namin.
Pagdating ko sa mansion, agad akong pumasok sa kwarto ko at pagod na nahiga sa kama ko. Gulong gulo na ako, hindi ko na alam ano ba ang dapat kung gawin. Masyado na akong hulog na hulog sa presensya ni Sam na to the point na siya na pala ang mahal ko. Nabulag lang ako sa pagmamahal ko kay Lorraine na ang buong akala ko siya pa rin pero ang totoo hindi na pala siya ang mahal ko kundi si Sam na. Hindi ko rin mawari paanong nawala ang pagmamahal ko sa kaniya ganung ang tagal tagal na naming mag gf at mag bf pero wala nagbago pa rin yung nararamdaman ko.
Pero posible bang hindi sana magbabago ang pagmamahal ko sa kaniya kong walang Sam na dumating sa buhay namin?
At posible nga bang mas napagtuonan ko ng pansin si Sam at mas maaga kong nalaman na siya pala ang tinitibok ng puso ko sa simula pa lang, yun ay kung walang Lorraine sa buhay namin.
Ewan. Di ko na alam.
Pero isa lang ang sigurado ako ngayon.
Mahal ko si Sam. Gusto ko siyang kasama at nakikita araw - araw. At gusto ko, ako ang dahilan ng mga ngiti, tawa at tagumpay niya sa buhay. I so damn loved her to the point that I want to talk to Lorraine and confess to her what I really felt between her and Sam.
And even though I don't want to hurt her. We can't still deny the fact that there will always be one who'll going to hurt and be hurt. And if I will take this long, same feeling, same pain will still gain. So, as soon as possible I want to talk to her tomorrow about me and Sam para hindi na siya umasa at mas lalo pang masaktan. Mahal ko siya, yun nga lang hindi na bilang girlfriend ko kundi bilang isang matalik na kaibigan na lang. The truth is hindi naman siya nagkulang. Halos ibigay at sundin niya nga ako eh. Wala siyang ibang ginawa kundi pasayahin at mahalin ako. Pero ganun talaga siguro dumating lang ako sa buhay niya para magbigay aral, inspirasyon, sakit, at pagmamahal. Yun nga lang hindi sapat ang pagmamahal na naibigay at naiparamdam ko sa kaniya kasi nagawa ko pang maghanap at magmahal ng iba. Though, napakaswerte ko na kay Lorraine.
Kinabukasan. . .
Kringg. . .
Kringg...
Kringg...
Tunog ng walang hiyang alarm clock ko. Agad kong kinapa ito, at nang mahawakan ay padabog na pinatay. Inis at asar akong bumalik sa pagkakatulog ko. Pero hindi pa man ako gaanong nakakaidlip nagring muli ang alarm clock ko. Kaya galit kong kinuha ito at malakas na inihagis sa kung saan.
Since nawala na din ang antok ko, mabilis akong bumangon. Inaayos ang pinaghigaan ko at nagtungo sa banyo para maligo at magsipilyo na rin ako.
Inayos ko lang sandali yung basa at gulo kong buhok at lumabas na nga ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para sana mag - almusal kaya lang masyado na akong late kaya kumuha lang ako ng isang pirasong pandesal na may palamang strawberry jam. At humalik sa pisngi ni Mommy at nagpaalam na kay Daddy na aalis na ako at may pasok pa ako. Medyo late na ako. Susunduin ko pa sina Sam at Lorraine. Sabay - sabay kasi kaming pumapasok.
At kasalukuyan kong tinatahak ang daan patungo sa mansion nila Lorraine nang maalala kong hindi pa pala yun umuuwi. Hindi na ako magtataka kung bakit. Malamang nagtampo lang ang isang yun sa akin kasi akala niya hindi ako pumunta dun sa meeting place namin. Pero ang hindi niya alam nahuli lang ako ng punta. I know papasok yun ngayon. Kaya si Sam na lang ang sinundo at isinabay ko sa pagpasok sa school.
Minutes later...
Sa School.
Sabay kaming naglakad sa hallway tungo sa silid - aralan namin. Hindi nakawala sa pandinig namin ang bulong - bulungan ng mga schoolmates namin. Agad namang napabaling ang tinggin ni Sam sa mga ito. Marahil ay hindi niya na matiis ang pagiging pakialamera at mapanghusga ng mga ito. Kaya naman handa na sana siyang sigawan ang mga ito nang biglang nagring ang bell. Hudyat na magsisimula na ang unang klase namin. Agad kong hinawakan ang kamay niya sabay bulong. "Let's go. We're already late." - at sabay kaming tumakbo papunta sa classroom namin. Good thing, hindi pa nagsisimula ang klase wala pa kasi si Prof. Agad namang napagawi ang tinggin ko sa upuan ni Lorraine, wala pa siya?
Tsk, huwag niyang sabihin na hindi siya papasok ngayon dahil lang sa nangyaring hindi ko pagsipot sa kaniya sa lakad namin? I know how it hurts but that's so immature na dahil lang dun ay hindi na siya papasok. Pero agad din naputol ang malalim kung pag - iisip tungkol sa kaniya ng may isang babaeng walang respeto ang bigla na lang umupo sa katabi kong upuan na ang nakaupo ay si Lorraine.
Ngunit laking gulat ko nang mapadako ang tinggin ko sa kaniya. Lunes na lunes nakajeans, nakablouse at rubber shoes lang siya ngayon? Wow, first time in history. At nakamake - up pa siya ngayon, hindi lang yan kasi sobrang kapal pa ng make - up niya. Napatinggin siya sa akin at agad na napangisi.
Pagkatapos nun ay nakinig na siya sa discussion ng prof namin.
Medyo nakaramdam ako ng paghihinayang. Did she cry? Or is it ok to her that I hurt her? Parang wala siyang pakialam. Nagawa niyang pumasok, nagawa niyang ngumisi sa akin, nagawa niyang magpaganda, nagawa niyang makinig sa discussion ng prof namin na kadalasan ay hindi niya naman ginagawa kasi puro pakikipag - usap lang sa amin ang ginagawa niya though nakakasagot at nangunguna pa rin siya sa klase. Pero ngayon nakakapanibago na nakikinig siya at nang nagpaquiz na si Prof. Diyana siya lang ang nag - isang nakakuha ng perfect score sa aming lahat.
Kringggg.... Muling tumunog ang bell. Hudyat na tapos na Ang klase namin. "Class dismissed." - huling sambit ng guro namin bago tuluyang nilisan ang aming classroom. Sabay - sabay namang nagsisigaw ang mga kaklase ko maliban sakin, kay Lorraine, Sam at sa iba pang friends ni Lorraine na sina Jaypee, Ate Eliene, Christine, Nathalia, at Rhica Jane.
Agad akong nagtungo sa pwesto ni Lorraine. Nginitian niya lang ako, at agad na bumalingg ang atensyon kay Sam. Walang emosyong tinitigan niya si Sam at maya - maya lang ay napangisi siya sabay walang lingon likod na nilagpasan at patuloy na naglakad.
Medyo nakampante ako sa ginawa niyang yun. Natatakot Kasi ako sa pwede at kaya niyang gawin. Lalo pa at alam kong nakita niyang naghahalikan kami ng kaibigan niyang si Sam. Baka mag eskandalo lang siya dito. Pero laking pasasalamat ko ng umalis siya kaagad.
Tinawag ko siyang muli, at maging ang mga kaibigan niya ay tinawag din siya pero hindi niya na kami nagawa pang pansinin. Hinabol ko siya ngunut hindi ko na siya nakita at nahabol pa. Plano ko na kasing magtapat sa kaniya, ayoko ng ganitong set - up. Gusto ko kapag nakikipagrelasyon ako walang sekreto, walang lukuhan at walang pagkukunwari o pagpapanggap.
I want to confess.
I want to confront her.
I want to be true to what I really felt.
I want her to let go of me.
And I want to say to her the words. . .
"I'm sorry. "
But how? If she's avoiding me? Kailangan kong malaman kung saan siya nagpunta. Bumalik ako sa classroom, naabutan ko yung mga kaibigan ni Lorraine na masamang nakatinggin sa akin, maging kay Sam. "I knew something is up. So, the question here is. . . Why? How? And when?" - rinig mo sa boses niya ang pagkainis dahil sa aming dalawa. Pero wala akong panahon para magpaliwanag ng side ko sa kaniya. At isa pa hindi siya ang gusto kong makausap - kundi si Lorraine.
Agad kong hinawakan ang braso ni Sam. At kinaladkad na siya papunta sa parking lot at mabilis na pinasakay sa kotse ko. Hinatid ko lang siya sa bahay nila at agad din akong umuwi a mansion. Sakto namang naabutan ko sa hardin si Alyanna at nagdidilig ng halaman nang biglang magring ang selpon niya.
Medyo nagulat pa siya sa taong tumawag sa kaniya pero agad din niya itong sinagot. Nakakonperens at loud speaker ang tawag kaya rinig na rinig ko ang pinag - uusapan nila. Tatlo silang nasa magkabilaang linya. Pero ang naririnig ko lang na nagsasalita ay. . .
Si Lorraine? At talagang lasing pa siya ah?
At saang bar naman niya naisipang uminom?
Natigil ang pag - iisip ko ng marinig ko ang katagang "isama ninyo na din po yung gwapo kong personal driver, si Mike. I need your help po. Right away!" - maawtoridad na sabi nito sa kabilang linya. "Nandito po ako ngayon sa HQ ko. Make sure na walang makakasunod sa inyo kahit na sino. Salamat, bye!" - at pinatay niya na agad ang tawag.
Biglang nag - init ang ulo ko sa narinig ko at agad na pinalsak ang silencer sa kotse ko. At agad na sinundan ang taxi na sinakyan ni Alyanna. Kung hindi ako nagkakamali ito yung way papunta sa mansion nina Lorraine. Nanatili lang akong nakasunod sa kulay itim na taxi at tama nga ang hinala ko - Sa Mansion ng mga Madrigal ang punta niya.
Bumaba na siya at agad nagbayad. May tumigil na luxury car sa mismong kinatatayuan ni Alyanna ngayon. Nagmasid lang ako, nang maramdaman kong palabas na ang nasabing kotse agad kong tinago ang sasakyan ko sa madilim na bahagi ng kalsada at nang medyo malayo na sila saka ako nagdesisyong sundan sila.
At muli akong nagtaka dahil ang daan na tinatahak namin ngayon ay papunta sa. . .
School.
Pero hindi sa mismong main entrance pumasok ang luxury car na yun kundi sa likod ng school namin. Patuloy ko lamang itong sinusundan hanggang sa tumigil na nga ito sa medyo tagong lugar na napapaligiran ng mga matatayog na mga puno at walang ni kahit na sino mang tao ang makakaalam tungkol sa lugar na ito. Bumaba na ang tatlong sakay ng nasabing luxury car na sina Alyanna, Mike at Manang Berta.
Habang ako naman ay maingat na bumaba sa kotse ko at sinundan silang muli.
Muli ay tumigil sila sa paglalakad sa tapat ng headquarter na sinasabi ni Lorraine at mabilis nila itong pinasok. May password ito pero nakakapagtaka lang na alam ni Alyanna ang tungkol dito. Hindi na bago sa akin ang masabing magkaibigan nga sila pero hindi naman siguro sila ganun kalapit sa isa't isa para malaman ang tinatago at pinaka - iniingatan na sekreto ng bawat isa.
Pero sa halip na mag isip kung paano nangyari yun sinundan ko lang ulit sila. At dahil pumasok sila sa loob, walang pag - aalinlangang pumasok na rin ako ngunit maingat at walang kaingay - ingay na muli silang sinundan.
Nilibot na namin ang buong headquarter, maliban sa isang pintuan na may pagka misteryoso. At dahil sa pagdadalawang isip na buksan ang nasabing kwarto ako na ang nagbukas. Malakas ko itong tinadyakan na agad din namang nabuksan.
Pumasok na kaming apat sa loob, alam ko medyo nagulat pa si Alyanna. Pero sa halip na magtanong kung bakit at paano ako nakapunta dito ay nanatili na lang siyang tahimik. Agad naman akong nagsalita. "I'm Dennis, her boyfriend. And I'm here to fetch and take her home." - sabi ko na nagpatango lang kay Manang. At ikinaigting ng panga nitong si Mike. And I'm not surprised sa inaakto niya ngayon, she likes my girlfriend. Tsk, as if namang papatulan siya ni Lorraine - isang hamak na driver lang siya.
Bumaling ang atensyon ko, kabuuan ng lugar. At masasabi kong mini bar niya pala ito. Nagkalat ang mga bote ng alak na wala ng laman, maging upos ng sigarilyo ay nagkalat din. Agad namang nakita ni Mike si Lorraine na nakaupong nakayuko sa stall, malapit sa parang may bar counter at agad itong nilapitan.
Handa na sana siyang buhatin ito, ngunit mabilis akong nagwika na nagpatigil sa dapat niyang gagawin.
"Sige na Mike ako na bahala sa girlfriend ko. Linisin ninyo na lang itong Headquarter niya at pagkatapos ay umuwi na rin kayo. Ako na maghahatid sa kaniya sa kanila." - pahabol na sabi ko. At ako na mismo ang bumuhat sa kaniya in a bridal style at mabilis tumakbo palabas sa hq na yun at isinakay ko siya sa kotse ko. Tinignan ko lang ang mukha niya, nanatili siyang nakapikit ngunit Kung hindi ako nagkakamali ay pinakikiramdaman niya lamang ang galaw at mga posible kong sasabihin sa kaniya. Pero walang ibang lumabas na kataga mula sa bibig ko kundi. . .
"I'm sorry, Lorraine. But I guess we're over! I loved her. I really loved your bestfriend Sam. And I'm so sorry for that. I knew you already saw us kissing but that's my only way for me to give up what we have. But I'm afraid to confess and confront to you what I really felt. So, I'm really sorry, Lorraine. I love you too, but no not just a girlfriend but only my friend." - walang emosyong sabi ko. Hindi ko man gustong nakikita na nasasaktan ang babang ito na minsan ko na ring minahal ay hindi ko na mababawi Ang mga nasabi ko. Kasi bukod sa nasabi ko, totoo din naman ang lahat ng yun. Kaya Hindi man niya maiwasang hindi masaktan sa mga narinig niya. Dahil sa unti - unting luha na tumutulo sa mata niya at hindi niya na din mapigilang hindi humikbi ay pinunasan ko na lang ng palad ko ang luhang walang tigil sa pagpatak mula sa maamo niyang mata,na ngayon ay puno ng sakit, hapdi, galit Ang makikita at nararamdaman. Ngunit hindi ako nagpatinag sa nakikita kong emosyong nakikita ko at walang pag - aalinlangang sinabi ang katagang. . .
"Hahatid lang kita sa inyo at pagkatapos nito maghiwalay na tayo. Pinapalaya na kita, sana ako rin. I'm not happy with you anymore." - sabay halik ko sa noo niya na mas lalong nagpaluha sa kaniya na sinabayan ko ng mabilis na pagmamaneho papunta sa mansion nila para iuwi siya.
Ilang sandali ang lumipas ay narating na nga namin ang mansion nila.
Automatic na bumukas ang gate para papasukin ang sasakyan ko sa loob. Inihinto ko muna sa gilid yung kotse ko pansamatala at tinignan si Lorraine na mahimbing pa ring natutulog. Maganda ka, mabait ka, mayaman ka, sexy ka, matalino ka, at higit sa lahat mapagmahal at responsable kang anak, kapatid, kaklase at girlfriend. And I am so dumb para ipagpalit ka. Pero anong magagawa ko, hanggang dito na lang talaga siguro tayo. Kinalas ko Ang seatbelt na nakakabit pa sa katawan niya at walang hirap siyang binuhat bridal style. Kumatok ako sa pinaka pinto ng mansion nila, at ang nagbukas ng pinto ay ang nakakatanda nitong kapatid na si Mark. Walang emosyong tinignan lang ako nito, sabay turo at sabi. .
"Paki - hatid na lang siya itaas, nasa bandang kaliwa ang kwarto niya, kulay berde kasunod ng kulay puting kwarto ko." - agad ko namang sinunod ang sabi nito. Tinungo ko ang sinasabi ni Kuya Mark na kwarto kuno ni Lorraine. Maya - maya lang ay natagpuan ko na ito. Binuksan ko ang pinto maging ang ilaw ng kwarto, inilagay ko muna ang dala niyang bag sa couch at maingat na siyang inihiga sa kulay berde niyang kama. Kinumutan ko muna siya, at malaya siyang pinagmasdan. Ang amo - amo talaga niya kahit kailan, to the point na hindi mo aakalain na isang napakamalditang katangian pala ang nagtatago sa katauhan niya. "I'm so sorry for hurting you. But someday you'll going to know why I need to do this to you." - hindi mapigilang bulong na sabi ko at niyakap ang natutulog niyang katawan at hinalikan ang noo at labi niya. "Mahal na mahal pa rin kita. But as of now I have an important business to deal with." - at tuluyan na nga akong umiyak. Natigil lang ang pag - iyak ko dahil may biglang kumatok sa pintuan.
Gamit ang panyong dala ko agad kong pinunasan ang pisngi at mata ko. Inayos ko din ang tindig at sarili ko, saka ko binuksan ang pintuan. "Uuwi na po ako. Paalam po." - magalang na sabi ko. Diretso paalam. Hinawakan nito ng mahigpit ang braso ko. "Alam ko kung gaano mo pa kamahal ang kapatid ko. Marahil ay mayroon kang malalim na dahilan pero hindi yun dahilan para iwanan at saktan mo ang kapatid ko. Mahal na mahal ka niya Dennis, to the point na handa na siyang isuko sayo ang lahat ng mayroon siya. And because of that damn deal with Sam's parents? You chose to hurt Lorraine instead of making her smile, laugh and make love to her sana? Kung yun ang ginawa mo baka natuwa pa ako sayo. Pero maharot at malandi Kang lalaki. Hindi ka nakuntento sa kapatid ko. Why? Why Dennis? Is her love doesn't mean and important to you that much ba ah? Tangina mo, Dennis! Napakagago mo! Ngayong niloko, sinaktan at iniwan mo siya. Hindi ka na makakabalik pa sa buhay niya kahit kailan." - walang emosyong sumbat nito sa akin habang dinuduro duro ako. Agad na nagpabaling ang tinggin ko sa kaniya. "Wala kang alam kaya manahimik ka." - gusto ko man siyang suntukin ay hindi ko nagawa sa halip magalang at maayos pa rin akong nagpaalam sa kaniya. Kuya pa rin siya ng ex - girlfriend ko. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa isiping iyon. Pero huli na ang lahat, pinili ko na si Sam at nasaktan ko na si Lorraine. Sabihin o isipin ko mang Hindi ko na nga talaga mahal si Lorraine ay magsisinungaling lang ako.
"Mahal kita, Lorraine. At mananatiling ikaw lang ang mahal ko. Pero hindi sapat ang tapang na mayroon ako sa ngayon para piliin at ipaglaban ka. Sorry." - at tuluyan na akong lumisan sa mansiong iyon.
Kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng pagmamaneho tungo sa mansion namin nang bigla na lamang akong. . .
Umiyak at nakonsensya?
Pero bakit nga ba ako umiiyak at nakokonsensya?
Just like what I said "I still love her and I just I have an important business to deal with." - sabi ng isip ko.
Napabuntong hininga ako at ipinagpatuloy Ang mabilis na pagdrive but this time. Hindi na sa mansion namin ang punta ko kundi sa sarili kong condo.
Mapait akong ngumiti at. . . sabay bulong.
"I hope you will still accept me, Lorraine my babe. I still love you and I will always do. But I need to do this for me to save you and your family."
[ END OF DENNIS' POV ]