CHAPTER THREE

1953 Words
SAM POV. Katulad nga ng sabi ko ako na mismo gagawa ng paraan para ako naman ang piliin at mahalin niya. Ayoko ng magkunwaring ayos lang ang lahat pero ang totoo sobrang nasasaktan at nahihirapan ba ako. Simula pa man ako na ang unang nakilala ni Dennis at siya naman ang kauna - unahang lalaki na nakilala ko. Aaminin ko noon pa man, hinahangaan ko na siya. Pero biglang dumating sa buhay namin si Lorraine. Si Lorraine na ginusto, minahal at piniling makasama ni Dennis kaysa sa akin. At alam ko hindi na dapat ako nagdidikit o lumalapit sa kaniya. Pero anong magagawa ng puso at utak kong siya lang ang gustong makita at makasama. Tangina sobrang gulong - gulo na ako. Sa halip na mag - isip, mabilis na lang akong naligo, nagbihis ng plain white t-shirt ko at black jeans at nagflat shoes. Inaayos kolamg sandali Yung magulo kong buhok. Pagkatapos ay ready to go na ako. Katulad ng hula ko nandun na nga si Dennis at mabilis naman akong lumapit sa kaniya. Nakanganga at nakatulala siyang nakatinggin sa akin. I just snap my fingers on the front of her face and dun ko lang muling nakuha ang atensyon niya. Mabilis niya na man ipinulupot at hinigpitan ang kapit sa baywang ko. Habang hindi ko maiwasang hindi ngumiti at kiligin sa ginawa niya. Para kaming couple kung titignan. Pero agad na napawi ang ngiti sa mapupula kong labi mg maalala kong Hindi nga pala siya sa akin at boyfriend siya ng kaibigan ko. "Just smile. You're too gorgeous and I can't take my eyes off of you but we need to go now." - malalim na sabi nito habang seryosong nakatinggin sa akin. Nahihiyang nag iwas agad ako ng tinggin at napayuko na lang. Agad niya namang inangat ang mukha kong nakatungo, at dahil naramdaman ko ang mainit na pagdampi ng palad niya sa baba ko agad naman akong napatingala at ngayon nakatitig na ako sa maamo, gwapo at kumikinang niyang mga mata. Sabay sabi, "Don't hide your face, as I said you're too gorgeous for you to get shy." - malamlam na mga mata ang ipinukol niya saakin sabay ngisi. " And you're too damn sexy. And I just confirmed it now hahaha" - tumatawang sabi nito na nagpapula sa pisngi ko. Walang hiyang Dennis. Papatayin niya ba ako sa kilig? Kung ganun ayos na ayos lang sa akin. "Halika na nga kung ano - anong pinagsasabi mo." - at hinawakan, pinagsalikop ko ang kamay namin at sabay na nagtungo sa loob ng mall para mamili. Masyado ng kinikilig ang mga paru - paro sa tiyan ko kailangan muna nilang huminga at kumalma kundi baka maaga din silang mamatay. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkuha ng mga ingredients, seasoning, drinks at kung ano ano pang wala na sa ref ko. At inilagay ito sa cart na tinutulak tulak ni Dennis. Biglang napadako ang tinggin ko sa kaniya at sa halip na mabilis alisin ang tinggin ko sa kaniya mas lalo pa akong nakipagtitigan na muling nagpangisi sa kaniya. "I know you like me that much but don't make it too obvious." - walang emosyong sabi nito. Agad akong nag - iwas ng tinggin at itinuon na lang ang atensyon sa pamimili nang matapos na ako. At nang makapunta na kami sa bookstore may plano kasi akong bilhing aklat ngayon. Ang awtor ng aklat na gusto kong bilhin ay si William Shakespeare. I'm an avid fan of all his works Kaya kapag may bago siyang published o released na mga aklat ay hindi na ako nagdadalawang isip na bilhin yun. Worth it namang basahin kasi sobrang galing niyang magsulat. "Sam?" - mahinang tawag ni Dennis sa akin. Hindi ko muna siya pinansin. Manigas ka! Tsk, hindi tayo bati. "SAM, SAMANTHA JHAIDE SCOTT???? TANGINA HINDI MO BA TALAGA AKO LILINGUNIN IIWANAN KITA DITO!"- malakas na sigaw niya na nagpabaling ng tinggin ng mga busyng nagsh- shopping sa aming dalawa. "SIGE IWANAN MO AKO! SA GANYANG BAGAY KA LANG NAMAN MAGALING EH! BAKIT BA PALAGING SI LORRAINE NA LANG? AKO ANG NAUNA! AKO ANG PALAGING NANDYAN SA TABI MO! AKO ANG PILIT NA NAGPAPASAYA SAYO AT KAHIT GIRLFRIEND MO NA SI LORRAINE NANDITO PA RIN AKO SA TABI MO HINDI KA INIWAN PERO TANGINA HANGGANG KAIBIGAN LANG TALAGA SIGURO AKO PARA SAYO. MAHAL KITA MAHIRAP BANG INTINDIHIN YUN? SABAGAY PAANO MO NGA BA MALALAMAN ANG NARARAMDAMAN KO KUNG SA IISANG BABAE LANG NAKATUON ANG ATENSYON MO. NANDITO AKO , DENNIS KAHIT NAMAN SANA NGAYON LANG AKO NAMAN. PUTA HINDI KO MAIWASANG MAPAMURA! BAKIT KAIBIGAN KO PA AT HINDI NA LANG AKO?" - galit din namang tugon ko sa kaniya na ipinagtaka niya ngunit agad din namang napalitan ang emosyong nakaguhit sa kaniyang gwapong mukha. Bakit ganun kahit nasasaktan na ako mahal na mahal na mahal ko pa rin siya? Yun nga lang hindi niya ako mamahalin kailan man. Hindi ko na namalayang nakalapit na pala siyang muli sa no kinatatayuan ko. At mahigpit na hinawakan ang kamay ko at pinunasan ang luha ko. Sabay bulong ng katagang muling nagbigay ng pag - asa sa akin na pwedeng maging kami. And this time, he will going to chose and fight me. "Tahan na babe. We'll talk later. For now let's pay this stuffs first. At pinagtitinginan na tayo ng mga tsismoso at tsismosang nagsh- shopping dito." - agad napabaling ang pansin ko sa mga taong nandito sa mall at sinamaan sila ng tinggin. "Go back to work. And mind your own business!" - dahil sa takot na baka madamay pa sila sa away namin. Agad namang bumaling ang atensyon nila sa kaninang gawain na pinagkakaabalahan nila. Pinay and pinoy be like. Tsk, hilig mag eavesdrop sa usapang hindi naman sila kasali. Sa halip na makipagtalo, sumunod na lang ako sa sinabi ni Dennis at naglakad na nga para habulin siya. Nagbayad na kami ng mga pinamili namin. And instead na ako ang magbayad he insisted na siya na lang daw. Kasi alam ninyo na lalaki daw siya. Ah so, kapag pala babae wala ng karapatang magbayad ng bills? Minamaliit niya naman yata ako! Hindi pa rin kami bati. Naiinis ako sa kaniya. After 7490625183 years tapos na. Kaya yun we decided na huwag na lang magpunta sa National Bookstore at ipagpabukas na lang ang plano kong bumili ng aklat. Hinatid niya muna ako sa bahay at tinulungan sa pag aayos at paglalagay ng pinamili namin sa tama at eksaktong lalagyan nito. And after that he asked me to go out with him. At dahil gusto ko pa siyang makasama, agad naman na akong pumayag. Magpapachoosy pa ba ako. Kahit naman gaano ako nagagalit at nagtatampo sa kaniya ngayon mahal ko pa rin siya. At hindi ko na itatanggi na hindi ko siya kayang tiisin. Kay ayun sumama na lang ako. Mabilis niya akong pinasakay ulit sa kotse niya at mabilis na pinaharurot ito papunta sa. . . Hindi ko alam! Hindi naman na kasi ako nag abala pang magtanong kung saan kami pupunta. Basta namalayan ko na lang na nandito na pala kami sa mansion nila. Nagtataka man ay bumaba na rin ako. Agad kong nakita si Lorraine na papunta sa gawi namin. Kaya agad kong hinawakan ang kamay ni Dennis, at kunwaring nakikipagbiruan, nakikipagtawanan sa kaniya at sa hindi malamang dahilan ay agad ko siyang hinalikan, na walang pag - aalinlangang tinugon ni Dennis. Medyo nagulat pa ako at nang napagtanto Ang pagtugon na ginawa niya napangisi din naman agad ako at pinagpatuloy ko lang ang ginagawa kong paghalik sa malambot niyang labi na mas lalo pang lumalim at nagtagal. Unti - unti kong inilapit sa matipuno niyang katawan ang katawan ko hanggang sa napahawak na nga siya sa balakang at likod ko. Bigla akong nakadama ng guilty kaya hindi inaasahang naitulak ko siya. Dahilan para magtaka at magulat siya. Tumingin akong muli sa papaalis ng si Lorraine. I really felt sorry for her. But damn I really loved this guy in front of me. And when he started kissing me too, muling nabuhay ang puso kong paulit - ulit mang nasaktan at nagdusa hindi maipagkakailang umaasa pa rin hanggang ngayon. Paulit - ulit ba? Ganun talaga. Anong magagawa ko, mahal ko ang lalaking ito eh. "I'm sorry. Hindi sana kita hinalikan, girlfriend mo ang bestfriend ko at alam ko namang siya ang mahal mo. Pero aligid ng aligid pa rin ako sayo. Sorry Dennis." - seryosong paghingi ko ng tawad sa kaniya. Ngunit nanatili lang siyang tahimik. Pero nagulat ako sa susunod na ginawa niya. Parang si Flash siyang lumapit sa akin at muli akong hinalikan. Sabay wika ng katagang. . . "I so damn loved you, Sammie. Just be mine and I will be yours too." - puno ng pagmamahal na sambit niya sa gitna ng halikan naming dalawa na tinugon ko lang ng isang malungkot na ngiti. Finally, he chose me this time! But why I'm feeling so guilty and not still contented right now? And I felt that, this feeling I'm feeling for him will never be right? Dahil ba sa dahilang una man akong nakilala hindi pa rin ako ang unang minahal? Ewan masyadong magulo, nakakalito at nakakalungkot ang pangyayaring ito. This was the scenario I want to happened. But why this s**t seem so wrong that I can't be happy? At ni kahit kailan man ay hindi ako magiging masaya. Unti - unting tumulo ang luha sa mata ko. Pero bakit kahit nakakaramdam ako ng awa, guilty, lungkot at maging pagkainis sa sarili ko, nagawa ko pa rin tumugon sa mga nakakalusaw niyang halik sa akin. Lumipas ang ilang sandali natapos din ang paghahalikan namin. Parehong naghahabol sa paghingang nagtitigan kami sa isa't isa sabay napahagikhik. "Hahatid na kita sa inyo. Huwag mong masyadong alalahanin ang mga nangyari ngayon baka mahimatay ka dahil sa kilig. I love you, Baby Sammie ko." - nakangising pahayag pa niya sabay kindat at kinabig muli ako palapit sa kaniya at mabilis na hinalikan ang pisngi ko. Pero isang mapait na ngiti lang ang iginawad ko sa kaniya. Agad din naman yun nagpabago sa masigla at masayang ekspresyon ng nararamdaman niya ngayon. Sorry, hindi ko lang magawang magsaya at matuwa habang may isang napakahalaga at napakaimportanteng tao ang nasasaktan dahil sa pagiging makasarili ko, at yun ay si Lorraine. Lorraine Khate Madrigal - my best friend na tinanggap at minahal ako as her younger sister but I'm so malandi lang talaga siguro para sulutin at agawin ko si Dennis sa kaniya. And I know what will happen next after this scenario. . . She will do everything just to let us two traitors suffer. At kinakabahan ako sa isiping baka. . . Patayin niya kaming dalawa. But I hope na sana hindi. Lorraine loves revenge so much. She loves revenge to the point that she's willing to make your life a living hell. Just to get even and for her to make you feel the pain she felt right now. Natatakot ako. Bat ngayon ko lang nalaman at naalala yun. Nagsisisi akong inagaw ko si Dennis sa kaniya pero hindi ako nagsisisi na minahal ko si Dennis. Siguro tama man ang nararamdaman naming dalawa sa ngayon maling panahon ang napili namin para ipagsigawan sa mundo na kami talaga ang para sa isa't isa. "Don't think too much. Just leave everything to me and I'll handle it wisely. Trust me babe." - pag aasure na sabi niya sa akin sabay halik sa aking noo. At nang makasigurado saka lang ako muling pumasok sa kotse at nagpahatid na sa bahay namin. Napakahaba ng gabing ito, masyadong pagod na rin ako I want to rest now. [ END OF SAM'S POV ]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD