batang babae, maganda, maputi at matangkad. Bigla siyang may ibinigay sa akin. Panyo - nagtataka man ay tinanggap ko na rin ang bigay niya. Bigla siyang nagsalita "Bakit ka po umiiyak, miss?" - tila nag - aalalang tanong ng batang babae sa akin. Dun ko lang napagtanto na umiyak na pala ako. Gamit ang panyong binigay niya sa akin, pinunasan ko yung mata kong lumuluha. At agad na bumaling ang atensyon ko sa kaniya, sabay sagot ng "Wala ito. May bigla lang akong naalala. Namimiss ko na kasi yung childhood friend ko. Madalas, kapag nagkikita kami katulad ninyo din kaming masasayang naglalaro. Yun nga lang iniwan niya na ako. Hindi ko na alam saan ba siya nagpunta." - malungkot na sagot ko na ikinangiti naman nung batang babae. Napangiti na lang din ako. Napakasiyahin niyang bata nakakahawa ang magaganda at malalapad niyang ngiti.
"Ano po ba ang pangalan ninyo, Miss? Pwedeng ako na lang po muna ang maging childhood friend ninyo pansamatala." - magiliw at masayang wika ng batang babae sa akin.
"Lorraine. Lorraine Khate Madrigal ang pangalan ko. Eh, ikaw ano bang pangalan mo? Baka hinahanap ka na ng yaya at magulang mo." - sagot at agad din namang tanong ko sa kaniya. "Trixschia po. At wala po ang parents ko dito nasa ibang bansa nagtatrabaho. Yaya ko lang ang kasalukuyang kasama ko ngayon. " - malungkot na sambit niya naman na nagpakonsensya sa akin. Agad akong nag - isip ng paraan para mapawi ang lungkot at pagkalumbay na nararamdaman niya ngayon.
Ting! Alam ko na! Ice cream! - sigaw ng isip ko. Talino ko talaga.
Nilagay ko sa bulsa ang panyong ibinigay niya at agad Kong hinawakan ang kamay niya. Iginaya ko siya sa bilihan ng ice cream. "Pili ka ng paborito mong flavor. My treat, kahit pa ilan Yan!" - masiglang sabi ko sa kaniya na agad namang ikinangiti at ikinangisi niya. Kyut naman ng batang toh.
Matapos ang ilang sandali na pakikipag - usap sa batang babae na si Trixschia. Napagdesisyunan na naming bumalik sa park at sandali akong nakipaglaro sa iba pa niyang kaibigan. Bigla kong naalala si Dennis. At kinakabahan akong napatingin sa suot kong relo.
Pasado alas otso na. Kailangan ko ng pumunta sa meeting place namin ni Dennis. Pero bago yun, kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag. At mabilis na dinial ang number ni Dennis.
But what the hell? Nireject niya yung tawag ko? First time yun ah. Sinubukan ko ulit but this time cannot be reached na and I guess in-off niya na ang cellphone niya.
The hell that damn boy. Pinag-aalala niya ako at pinapakaba.
Muli ko siyang tinawagan, hindi lang basta isang beses kundi mga sampung beses na pero ganun pa rin.
Sinubukan ko siyang itext pero wala man lang akong natanggap na reply from him. Nagsisimula na akong magpanic at magduda. Nasaan na ba kasi yung damuhong yun?
"Bakit hindi niya sinasagot yung mga tawag ko sa kaniya? At bakit ang tagal niyang magreply?" - tanong ko sa sarili ko. Mababaliw na talaga ako sa lalaking yun. Hindi man lang magawang magtext, magreply o tumawag sa akin.
Puntahan ko na nga lang kaya dun sa tagpuan namin.
Nagpaalam muna ako sa mga bata at agad na kumaripas ng takbo papunta sa. . .
Korean restaurant.
But sad to say wala akong DENNIS na naabutang naghihintay o nagpunta man lang dun. O baka hindi na siya pupunta? Ewan naguguluhan na ako. Pero kahit ganun naghintay pa rin ako ng mga ilang
Segundo.....
Minuto......
Oras.......
Pero walang presensya ni Dennis ang naabutan, nadatnan at dumating. Iyak lang ako ng iyak to the point na baka nakalimutan niya ang usapan namin o talagang wala lang sa plano niya ang siputin ako? Pinagmukha niya lang akong kaawa - awa at tanga na naghintay sa wala.
Damn him!
He's really a jerk!
He's really an asshole para ganituhin ako!
* * * * *
Doorbell.
"Oh, Lorraine. Gabi na ah bakit ka pa nandito?" - nagtatakang tanong ni Alyanna - bestfriend ko. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang katulong o maid ng pamilya ni Dennis. Matanda lang siya ng dalawang taon sa akin. Agad naman akong sumagot. "Hinahanap ko lang si Dennis. Nandyan ba siya?" - mahinahong sagot ko. "Yun na nga eh. Nagpaalam siyang aalis pero hindi naman ibinilin kong saan siya pupunta. I thought magkasama kayo?" - hindi maiwasang tanong niya ulit. Tumango - tango na lang ako at agad na tumalikod para sana humakbang na paalis ngunit nagulat ako sa nasaksihan ko. Si Dennis at. . .
Si Samantha. Magkasama. Masayang nagtatawanan. Magkahawak kamay. At bigla na lamang hinalikan ng kaibigan ko ang boyfriend ko, na kaagad din namang tinugon ni Dennis without hesitation on his mind. Napakapit pa siya sa likod ni Sam. Halos lumalim na ang halikan nilang dalawa.
At sobrang sakit para sa akin ang nakikita ko, pero bakit ganun? Hindi magawang pumatak ng luha ko para sa kaniya? Hindi ko magawang sabunutan at awayin o sumbatan man lang silang dalawa? Sa halip, kinuha ko ang dslr na camera ko sa sling bag at mabilis silang pinicturan at vinedyohan ng palihim. At nang masatisfy na ako, agad akong naglakad tungo sa palikuran nila at doon nagdesisyong lumabas. Nakakahiya naman sa kanila kung iisturbuhin ko sila.
Nadaanan ko pa si Alyanna pero di ko na siya pinagtuunan pa ng pansin. Pero nagulat ako sa ibinulong niya sa akin. Bago pa man ako tuluyang mawala sa presensya niya at makalabas ng bahay nila.
'Be happy. No matter how pain you felt right now. Learn to forget and forgive.' - tama man ang huling salitang narinig ko from her. Di maiiwasang masakit pa rin sa part ko ang nangyari. And instead, na umiyak ako napangisi ako sa naglalarong plano sa isipan ko.
Tsk. You two dare to hurt me??
Well, you two mess with a wrong person! And I make sure of that! Dahil hindi man ako gaano nasaktan, natapakan ninyo pa rin ang lintik kong pride. And I'll make sure we'll get even.
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at tahimik na umuwi sa mansion namin.
Dumiretso ako sa kwarto ko at pasalampak na inilagay ang sling bag ko sa couch na nandito sa kwarto. At parang pagod na humiga sa kama ko. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Hanggang sa. . .
"Lorraine!!!" - malakas na sigaw ng mga kapatid ko. Agad naman akong bumalikwas ng bangon. Pinagbuksan ko sila ng pinto at nakita ko ang nag - aalala nilang mga tinggin sa akin.
Tumungo naman ako, naramdaman ko ang pag upo ni Kuya Daniel sa kanang bahagi ng kama, samantalang si Kuya Paulo naman ay sa kaliwang bahagi habang sina Kuya Mark at Ate Eliene ay nanatiling nakatayo na alam kong seryoso ang tinggin sa akin.
"Speak." - walang emosyong sambit ni Kuya Mark, na nagpatingala sa akin at sa hindi ko malamang dahilan ay napahikbi ako ng sobrang lakas na naging sanhi para yakapin nila akong apat na tinugon ko din naman ng napakahigpit na yakap. Medyo napangiti naman ako. Dahil kahit gaano sila kabusy nagagawa pa rin nila akong asikasuhin at bigyan ng oras nila. Hindi sila nagkulang ng pagmamahal at pagmamalasakit sa akin bilang kapatid ko.
"So, what really happened? I knew something is up. But I want - we want to know what really happened last night? What happened between you, Dennis and Sam that night?" - sunod sunod na tanong ni Kuya Paulo. Nanatili akong tahimik at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama ko. Hinawakan ang kamay nilang apat at pinalabas sa kwarto ko.
Sorry but this is me kapag nasasaktan. Gustong makapag isa para makapag - isip ng maayos. "I'm ok!" - malamig na sabi ko. "At kung ano man ang nalaman ninyo yun na yun. Di ko na kailangang ulitin pa sa inyo. Kaya ko ang sarili ko. So, all of you go back to your work now and don't mind me." - may pagkairitang sambit ko pagkatapos ay tinalikuran at sinarado ko na ang pinto.
As I said, I hate drama. Like duh, di ko ugali ang magdrama. So yun nga pero kahit anong gawin kong pagpipigil mahinang mahina pa rin ako. Kasi hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako and this time ramdam na ramdam ko ang sakit, hapdi, pagkadismaya, at galit sa dalwang traydor na nagparamdam sa akin ng ganito. Maling mali ang nakilala ko sila at hinayaang maging parte ng buhay ko.
Hinayaan ko lang na umagos ang luha ko. Nang maramdaman kong okay na ako. Mabilis akong nagtungo sa banyo at ginawa ang nararapat kong gawin. Nagshower ako at sa bawat patak ng tubig sa balat ko hindi pa matanggal tanggal sa puso ang nararamdaman ko ngayon. Binilisan ko na lang ang paliligo ko at nagbihis ng black jeans na tinernuhan ko ng plain black blouse at white rubber shoes. At itinali ko ang buhok ko into messy bun. At nag apply ng heavy make up.
Nagtungo ako sa study table ko at kinuha ang backpack ko at ang tatlong aklat ko. Kinuha ko din ang black leather jacket ko at isinukbit ito sa balikat ko. Then, I finally grab the key of my car. And I went outside to go at the garage and I decided to used my Lamborghini car, and I started the engine and I drived fastly as I can. Papunta ako sa school ngayon.
Anong gagawin ko school? Obviously, mag - aaral po ako. Tama na ang isang araw na nag absent ako para Lang mapaghandaan ang date namin ni Dennis na napurnada lang naman. Mas lalo ko pang binilisan ang pagpaharurot sa kotse ko. And after how many years, nakarating na nga ako. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa parking lot malayo sa iba pang nakaparadang kotse. At dahan - dahang bumaba at mabilis na tinungo ang silid - aralan ko.
Hindi na ako nag abala pang tignan yung mga bubuyog na nagbubulungan though sobrang lakas ng mga boses nila. Dumiretso na ako sa silid - aralan at walang respeto o paggalang na pumasok at umupo sa designated chair ko. Tsk, Wala ako sa mood pumasok ngayon pero tangina para sa grades at maganda kong kinabukasan hindi ko isusugal Ang kahibangan at kaiiyak ko sa isang lalaki lang na pinaglalaruan at matagal na pala akong niloloko at ginagawang tanga. Someday, makakaganti din ako pero hindi pa ngayon. Pero unti - unti kong ipaparanas sa kaniya ang sakit.
At itinuon ko na nga ang pansin sa pakikinig sa professor namin. Maya - maya lang, nagpaquiz si Prof. Diyana and I'm so thankful na nakapag review ako sa mansion bago pa man pumasok at nakinig din talaga ako ng mabuti. Kaya Ang kinalabasan perfect score pa rin ako.
Kringggg..... At yan ay hudyat na tapos na ang klase namin.
Narinig ko pa ang huling sambit ng guro namin. "Class dismissed." - sabay - sabay na nagsisigaw ang mga kaklase ko maliban sakin, kay Dennis, Sam at sa iba ko pang friends na sila Jaypee, Ate Eliene, Christine, Nathalia, at Rhica Jane.
Agad na nagtungo sa pwesto ko si Dennis. Nginitian ko lang siya, at agad na napabaling ang mata ko sa kinatatayuan ni Sam. Why naman ambait bait niya ngayon? Feeling guilty at kunwaring hindi makalapit? Tsk. Bat kasi hinalikan niya pa boyfriend ko may gusto ba siya sa bf ko o sadyang malandi lang talaga siya. Nag iinit yung ulo ko sa isiping ginagago lang nila akong dalawa.
Nilagpasan ko silang lahat at nauna ng lumabas ng classroom namin. At walang lingon likod na pinansin ang mga kunwaring kaibigan ko kuno na tawag ng tawag at sigaw ng sigaw sa pangalan ko, pero Ang totoo mga plastik lang din naman. Nagtungo ako sa secret place or should I say. . . sa headquarter ko at dun malayang ibinuhos lahat ng galit at hinanakit na gustong gusto ng sumabog kanina pa. Mabuti na lang at nakapagpigil pa ako.
Walang sawang pinagsusuntok ko ang punching bag, nag archery na rin ako, naglong and short range shot para lang mailabas ang pinaghalong emosyon dito sa puso ko. Matapos ang walang sawang pagwawala at paglabas ng sama ng loob. Nagtungo ako sa mini bar na meron dito sa headquarter ko at uminom ng napakaraming alak. Halos maubos ko na nga yung stuck kong alak dito pero wala akong pakialam.
Ngunit agad din naman akong tumigil nang marinig ko ang ringtone ng selpon ko. Hudyat na mayroong tumatawag. Walang pag - aalinlangang sinagot ko yung tawag. "W- what?" - nauutal na tanong ko sa caller dahil medyo lasing na din ako. "Wait. Bat naman ganyan ang boses mo? Are you drunk?" - sigaw ni walang hiyang Dennis sa kabilang linya. "Tangina mo po! Napakagago mo. Magsama kayong dalawa ni Sam. Napakasama at napakawalang kwenta mong kasintahan at napakalandi niyang si Sam na kunwaring mabait pero napakasulutera at napakakati ng v****a. Tangina ninyo without respect, mga hayop!!!" - sumbat na sigaw ko naman sa kaniya. Sabay in-end call. Gago sila! Maharot sila! Tsk. Napakahayop ng mga putang inang malanding nilalang na sana namatay at hindi na lang nabuhay sa mundo.
Nagdial akong muli, but this time number nina Alyanna at Yaya Mila ang tinawagan ko. I- kinonperens ko na rin at linoud speak para rinig namin ang sasabihin ng bawat isa.
"Alyanna, Yaya Mila. Pwede ninyo ba akong sunduin dito at isama ninyo na din po yung gwapo kong personal driver si Mike. I need your help po. Right away!" - maawtoridad na sabi ko. "Nandito po ako ngayon sa HQ ko. Make sure na walang makakasunod sa inyo kahit na sino. Salamat, bye!" - at pinatay ko na ang tawag.
Ilang sandali pa akong naghintay hanggang sa hindi na nakayanan ng mata at ulo ko nakaidlip ako. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin patungo sa kung saan pero bago yun narinig ko pa ang sinabi ng napakapamilyar na boses.
"Sige na Mike ako na bahala sa girlfriend ko. Linisin ninyo na lang itong Headquarter niya at umuwi na rin kayo pagkatapos. Ako na maghahatid sa kaniya sa kanila." - pahabol na sabi ni Dennis at naramdaman ko ang mabilis niyang pagtakbo habang buhat - buhat niya ako ng bridal style at agad isinakay sa kotse niya. Nanatili akong nakapikit ngunit pinakikiramdaman ang galaw at mga posible niyang sasabihin. Pero wala akong narinig na kahit ano maliban sa. . .
"I'm sorry, Lorraine. But I guess we're over! I loved her. I really loved your bestfriend Sam. And I'm so sorry for that. I knew you already saw us kissing but that's my only way for me to give up what we have. But I'm afraid to confess and confront to you what I really felt. So, I'm really sorry, Lorraine. I love you too, but no not just a girlfriend but only my friend." - hindi ko maiwasang hindi masaktan sa mga narinig ko Kaya naman unti - unting tumulo ang luha sa mata ko. At hindi ko na din napigilang hindi humikbi na naging dahilan para punasan ng mainit niyang palad ang luhang unti - unting pumapatak. At walang pag - aalinlangang sinabi ang katagang. . .
"Hahatid lang kita sa inyo at pagkatapos nito maghiwalay na tayo. Pinapalaya na kita, sana ako rin. I'm not happy with you anymore." - sabay halik sa noo ko na mas lalong nagpaluha sa akin. Kasabay ang mabilis na pagmamaneho niya.
[END OF LORRAINE'S POV]