Kyle's POV Matapos naming umiyak ni Coner ay sabay kaming tumawa. Bakas pa rin sa boses niya ang labis na kalungkutan ngunit hindi ko ito mahinuha. Bakit ganito? Bakit parang nakararamdam ako na kahit anong oras ay maaari niya akong iwanan? Bakit parang iiwan niya na ako? Napabuntong hininga na lamang ako dahil ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano at isa pa, nasa tabi ko lang si Coner at malabong iwanan niya ako. Alam kong hindi niya gagawin ang bagay na iyon dahil alam niyang magiging dahilan ito para madurog akong muli. Alam niyang masasaktan ako nang sobra kapag ginawa niya 'yon. Pero, hindi ko maiwasang kabahan, paano nga kung gawin niya 'yon? Paano nga kung maisipan niyang iwanan ako? Paano na lang ako kung wala siya? "You're so very special," malambing na sambit ko sa kaniya. Sa

