"Hindi mo ba talaga ako iiwan?" pag-uulit niyang muli sa kaniyang tanong kaya naman inulit ko ring muli ang aking sagot. "Hindi nga." Ngumiti ako nang bahagya para hindi niya isipin na nagsisinungaling akong talaga. Alam kong nakahahalata na siya sa akin — alam kong alam niya nang hindi ako nagsasabi ng totoo pero pinipilit niya pa rin ang sarili na maniwala sa isang kasinungalingan. Mas okay na rin siguro ang ganito kaysa naman masaktan siya ng dahil sa katotohanan. Hindi ko alam pero mas okay siguro kapag dahan-dahan lang ang sakit kaysa naman biglain ko siya. Baka mas lalong hindi niya makayanan. "Nagugutom na ako, gusto na kitang kain—" Napahinto siya sa pagsasalita nang pumasok sa isipan niya ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Lumaki ang kaniyang mga mata at halos t

