Coner's POV Muli na naman akong napatitig sa mukha ni Kyle na walang sawa sa pagsilay sa kalangitan. Nakasanayan niya na rin sigurong gawin ang mga ganitong bagay. Sabagay, nakatutuwa ngang tingnan ang kalangitan na punong-puno ng mga magagandang bituin at ng maliwanag na buwan. Masarap din titigan kung paano bumaba ang araw hanggang sa mawala na ito nang tuluyan. Narito kaming muli sa rooftop dahil gusto naming damahin ang sariwa at malamig na simoy ng hangin na walang patid sa pag-ihip. Gusto naming solohin ang presensya ng isa't isa. Gusto kong makasama siya kahit na sa mga nahuhuling sandali na lang. Papalubog na ang araw at unti-unti na ring lumalabas ang ganda ng buwan, ang liwanag nito na nagsisilbing ilaw kapag wala na ang sinag ng araw. Hindi ko maiwasang isipin ang unang bes

