“Aalis kayong dalawa o ipapakaladkad ko kayo sa mga pulis palabas ng pamamahay ko?” banta ni Jen kay Tongtong at Kena na ayaw pa rin umalis ng bahay niya. “Jen, mag-asawa tayo. Pag usapan natin ng mabuti ito,” giit ni Tongtong at tangka pang lalapitan si Jen pero mabilis na naiwas ng babae ang kanyang katawan. “Huwag mo akong hahawakan, Tongtong. Kung ayaw mong magsalita ako ng hindi na maganda ay huwag na huwag mo akong hahawakan!” banta ulit ni Jen dahil talagang nandidiri na kay Tongtong. “Jen, ganun na lang ba yon? Dahil lang sa paninira ay ganyan ka na sa akin? Mas papaniwalaan mo ang sabi ng iba kaysa sa akin na asawa mo? Na mahal ka at mahal mo?” ani pa ni Tongtong. “Hindi ako basta naniniwala sa sabi-sabi. Kaya nag hired talaga akon ng imbestigador para halukayin ang pagkat

