“Vek, wala akong masabi. Sobrang naaawa ako sayo sa lahat ng mga kasawian na dinulot sayo ni Tongtong pero gusto ko rin malaman mo na hangang-hanga ako dahil sa kabila ng lahat ay napakabuti mo pa ring tao,” saad ni Jen kay Vekvek ng magpaalam na ang babae na aalis na sa kanyang bahay bilang hardinera. Hinawakan pa ni Jen ang mga kamay ni VekVek at saka naluha. “Naiiyak ako dahil naaawa rin ako sa walang muwang mong anak na nadamay sa kasakiman at makasarili ni Tongtong,” ani pa ni Jen na mas naawa ng malaman na nakunan pala si Vekvek ng panahong nasa casa ito at pinarurusahan araw-araw sa kasalanang ibinintang sa kanya na ang tunay na may gawa ay si Tongtong mismo. Ang lalaki ang siyang tumawag sa mga NBI at nagsumbong sa mga nangyayari sa loob ng casa gamit ang cellphone na pag-aari n

