Chapter 37

1056 Words

Walang pupuntahan si Vekvek at hindi niya alam talaga kung saan siya tutungo o kung saan nga ba siya papunta. “Ma, Pa, dito na ako,” bigkas ni Vekvek ng mula sa malayo ay tinatanaw niya ang kanyang mga magulang na pinagpapasalamatan niyang masaya pa rin na nagsasama-sama. Gustuhin man lumapit ni Vekvek sa pamilya ay hindi niya na lang ginawa dahil sa sobrang hiya sa mga ito. Masaya na ang babaeng anak na tanawin sa malayo ang pamilya at malaman na buo pa rin at masayang nabubuhay. Puwede namang humingi ng tulong si Vekvek kay Gav o kay Mr. Shin ngunit mas ginusto niya na lang talaga ang mapag-isa at hanapin ang paraan kung paano nga ba siya babangon. Kailangan ulit itago ni Vekvek ang mukha at para walang makakita ng kanyang anyo dahil maraming mapanghusga na pandidirihan pa siya. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD