Ilang beses akong napalunok bago naisipang kumatok sa opisina ni Mayor. Muntik pa akong magulat at ito pa talaga mismo ang nagbukas. "Hi! Come in!" maaliwalas ang mukha nito. "Good morning po, mayor!" Sabay yuko rito. Nakagat ko ang ibabang labi pagkapasok sa loob ng opisina nito. Ang bango at ang linis! Pinamulahan ako ng mukha at talagang ini-urong pa nito ang upuan para sa akin. Kung hindi lang talaga ako naghahanap ng trabaho, hinding-hindi ako pupunta rito. Kakaiba kasi ang ipinapakitang kilos nito sa 'kin. O baka masyado lang akong advance mag-isip? "Mabuti naman at naisipan mong tanggapin ang alok ko." Sabay ngiti nito at umupo sa swivel chair nito. Binigyan ko ito ng simpleng ngiti sa labi. At ini-abot dito ang isang folder na may laman ng information tungkol sa 'kin.

