"Oh siya hija, maiwan muna kita ha?" Ngumiti ako rito. Kararating lang namin sa bahay ko. "Salamat po Nay Estela." Pagka-alis nito bigla kong natitigan ang manggang bitbit ko. Hindi ko maintindihan kung bakit inilibre ako ng mayor na iyon. Hindi ko sana tatanggapin, ang kaso pati ang tindera, namilit na tanggapin ko na raw at ganoon daw ang mayor. Mahilig magbigay. Masanay na raw ako! Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Nagsaing na rin ako para mamaya. Alas Nuebe pa lang naman kasi ng umaga ng mga oras na iyon. Nilantakan ko ang hinog na mangga. Habang nakaupo sa tambayan na gawa sa kawayan bigla akong napapitlag ng may bumusina. Bigla akong napalingon. Napa-awang ang labi ko ng makilala ang sasakyan! Kay Mayor?! Lumabas ang dalawang lalake na mukhang tauhan nito. Lumapit it

