Bahagya akong nagulat ng may pumulupot na braso sa balingkinitan ko. Saktong pagtingala ko ay siyang pagdapo ng labi nito sa labi ko. "Good morning sa baby ko!" Sabay halik-halik nito sa leeg ko. "Ang bango!" Lihim akong napalunok ng maramdaman ang bumubukol sa ibaba nito. Humarap ako rito pagkalagay ng backpack sa likuran ko. Pinisil ko ang ilong nito. "Umaandar na naman 'yang kamanyakan mo!" nakangiting wika ko. Bigla itong natawa. Mas lalo itong nagiging guwapo sa paningin ko. Normal din ang pamumula ng labi nito na talaga namang nakakapanggigil! Sobrang bango pa! Lalong nagpadagdag sa kakisigan nito. Hinawakan nito ang kamay ko at dinala sa labi nito. Lalo tuloy akong kinikilig sa ka-sweetan nito. Napasinghap ako ng kabigin nito ang baywang ko at walang babalang sinakop a

