Napatitig ako sa kabuuan ng kuwarto ng Kuya Alex ko. Dalawang araw na itong wala. Hindi ko alam kung umalis na ito at bumalik na ng Singapore. Hindi ko naman kasi matanong si Nanay Len. Para akong nahihiya at kung ano pa ang isipin nito. Hindi ko naman kasi binabanggit dito ang pagiging malapit namin ng Kuya Alex ko. Natatakot akong baka magalit ito. Lalo na't isa lamang akong katulong. Wala yatang isa man sa katulong ang nakikita kung nakikipaglapit isa man sa mga anak ni Ma'am Elisha. Tanging ako lang. At palihim pa nga iyon. Dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng kapatid kaya naman 'di ko matanggihan ang Kuya Alex. Napakabait naman kasi nito. At nakikita kong totoo ang bawat pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin naman ito nakikitaan ng mga bagay na ikakatakot ko rito kapag kasam

