Napasabunot ako sa sariling buhok sa sobrang katangahan. Kung bakit hindi ko napigilan ang sariling hagkan ang malambot nitong labi. Aaminin kong nawala ako sa katinuan ng lumapat ang labi ko sa labi nito. Napakalambot noon at talagang nanginig ako sa pagkapanabik na madama lalo ang labi nito. Hindi ko naisip na posibleng matakot ito. At iyon ang malaking pagkakamali ko ng makita ko kung paanong dumaloy ang sariwang luha nito sa tindi ng takot nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan. Humingi man ako ng tawad ngunit huli na. Alam kong natakot ko ito ng labis. At ngayon pa lang para akong mababaliw kakaisip kung paano ko muling makukuha ang loob nito. Kung sa paanong paraan ko sasabihin kung bakit ko ito hinalikan. Dapat ko na bang sabihin dito na mahal

