Alas sais ng umaga. Malapit na akong matapos sa paglilinis ng sahig dito sa ikalawang palapag ng bigla akong matigilan. Nakaluhod ako ng mga oras na iyon habang hawak ang isang basahan na ipinangkukuskos ko sa sahig. Bigla akong kinabahan ng makita ang dalawang pares na paa! Alam kong hindi iyon paa ng dalawang kambal. Lihim akong napalunok. Siya na kaya si Sir Alexander? Bigla na lang kinabog ang dibdib ko sa pagka-nerbyos. Hindi ko naman kasi ito nakita kahapon kaya hindi ko pa nakikita kung ano ang itsura nito. Ramdam kong lalong namawis ang noo ko. Dahan-dahan kong ini-angat ang mukha ko paitaas upang makita ang mukha ng lalake. Sandali yata akong natigilan ng magtama ang mga mata namin. Kanina pa kaya ito rito? Kanina pa kaya ito nakatingin? "Good morning." Bigla akong nata

