Kinikilig ako habang pinagmamasdan ang nobyong abala sa pagpupunas sa loob ng kuwarto nito. Pawisan na ito pero napaka-guwapo pa rin. Ang namumutok nitong muscles sa braso, ang pamatay nitong abs na talaga namang katakam-takam! Bigla akong napayuko ng tumingin ito sa akin. "Huli na kita baby. Pinagnanasahan mo na naman ang katawan ko." Biglang nanlaki ang mga mata ko. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. "Anong pinagnanasahan?" Napalunok ako ng ngumiti ito sabay lapit sa akin. Ipinulupot nito ang braso sa balingkinitan ko. "Hindi ba?" Sabay kiskis ng ilong nito sa ilong ko. Pagkatapos hinuli nito ang labi ko. Kunwari ko naman itong binigyan ng matalim na tingin. Ngunit isang kindat lang ang isinukli nito. Bigla akong napangiti ng kumagat-labi ito. Lakas talaga magpakil

