CHAPTER 63 LUNYA HOUSE March 29, 2038 DRIZELLA POV "Mommy, hindi ko pa natatapos yung ipinapagawa mo,"balita agad sa amin ni Eunice nung sinalubong nya kami. "Ako na ang bahala, asikasuhin mo muna ang ate mo at ang daddy mo,"sagot ni mommy na nagmamadaling umalis sa umpukan namin. "Ano bang nangyari at basang basa kayo?"tanong ni Eunice habang inaabutan nya kami ng tuwalya. "Mahabang kwento, nasan ang mga bata?"tanong din sa kanya ni daddy. "Nasa kwarto kasama ang Papa nila. Okay lang sila dy, ano ba kasi ang nangyari?"pangungulit sa amin ni Eunice. "Ate Driz?"baling nya sa akin. At wala na akong ibang choice kundi ang ikwento sa kanya ang teribleng pangyayari kanina. Nag aalala man si Eunice ay nagpasalamat na rin sya at ligtas kami. Si daddy after ng ila

