CHAPTER 64 LUNYA HOUSE JANUARY 11, 2538 DRIZELLA 20 years old "Halika na Driz, alam ko na bago lahat sa paningin mo ang makikita mo. Pero dito talaga tayo nakatira,"masiglang sabi sa akin ng nakilala kong tiyahin na si tita Kenna. Inalalayan pa nga nya akong bumaba sa sasakyan nya na hindi ko mawari kung ano ba iyon dahil wala naman iyong gulong pero nakalutang at lumilipad. Galing kami sa hospital dahil kaka discharge ko lang ngayon. Nung magising ako sa katawan ng Ako sa kung ano mang mundo itong napuntahan ko ay nasa loob ako ng isang ICU. May brain tumor kasi ako at nasa last stage na iyon. Ayon nga kay tita Kenna ay halos pang isang buwan ko ng naka confine doon. Akala nga daw nya ay katapusan ko na lalo na nung isang araw na sumpungin ako ng seizure ko. Talaga daw akal

