CHAPTER 42 DRIZELLA POV "May sakit ka ba?"dagdag na tanong pa nya sa akin. "Wala ito, okay lang ako,"sagot ko sa kanya pero sa itsura nya ay nagpa panic na sya. "Anong wala? Ang mabuti pa, halika muna sa kwarto at magpahinga ka na muna don,"sabi nya at niyaya na nya ako. Hindi na rin ako nakipagtalo pa dahil parang biglang nanghina ang pakiramdam ko dahil sa pagkataranta ng kasama ko. Nag stay muna ako sa room habang naka upo akong pinipindot ang malambot na parte ng ilong ko para maampat ang pagdurugo nito. Tiniis ko nalang na huminga muna sa pamamagitan ng aking bibig. "Ang tagal ni Sion!"gigil na sabi ni Maya habang pindot pindot ang cellphone nya. "Nagpaalam syang may pupuntahan lang sandali ay hindi na bumalik!" "Oo nga pala, nakita ko sya kanina na sumakay sa

