CHAPTER 41 DRIZELLA POV "Bitiwan mong ate ko!"galit na sigaw ko kay Leet Lucio at sumugod ako papalapit sa kanila. "Anong ginagawa mo dito Drizella? Away mag asawa ito kaya huwag kang maki alam!" "Bakit hindi ako makiki alam? Kapatid ko ang sinasaktan mo! Hindi ako papayag na gawin mo lang lahat ng gusto mo sa ate ko lalo na at nag dadalang tao sya!",sabi ko sa kanya at kinumusta ko agad si ate Mavis na agad na yumakap sa akin habang humahagulgol sya. "Ialis mo ko dito Driz, umalis na tayo dito,"iyak ni ate sa akin. Hindi ko akalain na makikita ko syang ganito kahina kaya talagang naiiyak din ako para sa kanya. Ngayong wala si Mama at hindi namin alam kung saan nagpunta ay tanging kami nalang dalawa ang syang titiingin sa isa't isa. "Oo ate. Aalis na tayo dito."naiiyak

