ILANG minuto pa na kinausap ni Chance si Dominick hanggang sa nagpaalam na ito sa kanila dahil maglalaro na muna raw ito at si Vladimir, pagkatapos ay ibinigay ang cellphone kay Mama Rhynna. “H’wag na kayong mag-aalala sa anak niyo, kami na muna ang bahala sa kaniya,” sabi ni Mama Rhynna sa kanila ni Chance. “Salamat po,” aniya. “Mag-iingat din kayo d’yan. Chance, ‘wag mong pababayaan si Ariyah, ‘kay? Kami na rin ni Heejhea ang bahala sa preparation ng kasal niyo sa Simbahan para kapag tapos na ang lahat at makabalik na kayo, ikakasal na kayo agad,” mahabang sabi ni Mama. Nagtatanong ang mga matang napatingin siya kay Chance. Nakatingin na rin ito sa kaniya. “Okay, Ma. Just send my regards to Papa. Bye,” sabi nito at pinatay ang tawag, nang hindi man lang inaalis ang tingin sa kaniya

