NAKAPANGALUMBABA si Ariyah habang hinihintay niya si Adrian na siyang nag-order ng kanilang pagkain. Nakapila ito roon sa may counter habang hawak ang listahan para sa order niya. Sasama sana siya rito pero ayaw naman nito at pinapahanap na lang siya ng upuan. Nakahanap naman kaagad siya dahil hindi naman masyadong matao rito sa canteen. Nang tingnan niya ang pambisig na relo ay alas diyes pa lang ng umaga. Hindi pa oras para mag-lunch ang mga empleyado ng Octagon kaya wala pang masyadong tao. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala siyang babaeng empleyado na nakikita, puro lahat lalaki. Gawa rin sa glass ang wall nitong canteen kaya mula sa kaniyang kinauupuan ay tanaw niya ang mga tauhan na nagte-training sa labas. Ang dami rin palang mga facilities rito sa loob na puwedeng ma-enjoy

