HUMINGA muna nang malalim si Ariyah bago sumunod sa waitress na gigiya sa kaniya patungo kung saang table nakaupo si Tita Harriet. Tumawag ito kahapon sa kaniya at nakiusap kung puwede ba siya nitong makausap. Umuo naman siya dahil gusto rin niya itong makausap. Si Chance rin ang nagpa-reserve nitong restaurant kung saan sila magkikita ni Tita Harriet. Ito rin ang naghatid sa kaniya rito pero hindi na ito pumasok at maghihintay lang daw ito sa labas kasama ang anak nila. May pupuntahan daw kasi sila pagkatapos niyang makausap si Tita Harriet. Hindi pa man siya tuluyang nakalapit dito ay natanaw na siya ng ginang. “Tita…” aniya nang tuluyan siyang makalapit sa table kung nasaan ito. Tumayo naman ito kaagad. “Hija, salamat at pinauunlakan mo ako,” sabi nito na may tipid na ngiti sa mg

