CHANCE opened the door of the restaurant for her. Ngumiti siya at nagpasalamat at pumasok sa loob. Pero agad din na kumunot ang noo niya nang makitang wala namang tao maliban sa kanila at sa mga waiter at waitress nitong restaurant. Nilingon niya ang asawa. “Chance, bakit walang mga costumer na pumapasok? Close ba sila?” Imposible naman na walang costumer talaga dahil kilala ang restaurant na ito. Pero kung close nga ang restaurant na ‘to, bakit naman sila pinapapasok no’ng guard? “I rented the restaurant for this evening,” he said and smirked. He rented this place. But why? Hindi niya na naiwasan na mapatitig dito. He looked so formal with his black suit, kahit wala itong suot na necktie at hinayaan lang na nakabukas ang dalawang butones sa suot nitong white long sleeve as his inner

