Chapter 88: Sunset Wedding

2076 Words

ISANG buntonghininga ang naisagot ni Ariyah Lynn sa ate Carla niya nang tanungin siya nito kung ready na ba siyang bumaba. Pagkatapos ay binigyan niya ito ng isang nasasabik at medyo nanginginig na ngiti. Pinanliitan siya nito ng mga mata pero naroon ang paghanga matapos siya nitong pasadahan ng tingin. “Alam kong pinipigilan mo lang iyang excitement mo,” nakangising sabi nito, saka hinawakan ang kamay niya. “H’wag mo ng pigilan ‘yang excitement mo. Ramdam na ramdam ko rin ang nerbiyos mo.” “Ewan ko ba, Ate. Hindi naman ito first time na ikakasal ako kay Chance, in fact pangatlong beses na ito. Pero iyong excitement at kabang nararamdaman ko ay gano’n pa rin,” sumbong niya. Ang makeup artist na nag-aayos sa kaniya ay nangingiti na rin at kita rin niya sa mga mata nito ang panaghili.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD