PINAGMASDAN nang maigi ni Ariyah ang asawa habang nakadapa at mahimbing na natutulog. He is still naked, at natatakpan lang ng puting kumot ang ibabang bahagi ng katawan nito. At alam niyang wala itong suot na kahit na ano sa ilalim n’yon. They are still in their honeymoon here in Isla Reta. Dito muna sila ng isang linggo saka sila aalis papuntang Maldives. Pero dadaan muna sila sa Maynila dahil may kailangan muna itong pirmahan para sa project ng Monterazza Group sa Cebu. Nakaligtaan kasi ng sekretaryo nito na papirmahan iyon dito bago pa man ang kasal nila. Galit na galit tuloy si Chance at muntik pang sesantihin ang pobreng lalaki. Pero siya na ang nakiusap sa asawa na ‘wag basta-basta magsesesanti ng tao kung wala naman talaga itong mabigat na kasalanan. Nakinig naman ito sa kaniya

