NAGISING si Ariyah na wala na si Chance sa tabi niya. Dahan-dahan siyang bumangon at agad niyang namataan ang asawa na nasa balkonahe. Nakatalikod ito habang may kausap sa phone. Tumayo siya at dahan-dahang naglakad palapit dito. She thought he wouldn’t notice her, but he looks back while he’s listening on the phone. “Thanks for the information, Tres,” sabi nito. Si Tres pala ang kausap nito. Agad din naman itong nagpaalam nang tuluyan na siyang makalapit dito. He lifted his two muscled arms for her. Agad din naman siyang pumaloob sa mga braso nito at niyakap ito. She leaned on his chest and smelled his natural scents. “Nagugutom ka ba? Gusto mong mag-early lunch tayo?” malambing nitong tanong sa kaniya. Hinalikan pa siya nito sa gilid ng ulo saka bumaba sa pisngi niya. Umiling si

