“Hindi! Hindi ko pinatay ang anak ko! Kung sinabi lang ni Erin sa akin ang tungkol sa anak namin, hindi iyon mangyayari sa kaniya, sa kanila ng anak ko,” sabi nito, hindi pa rin kayang aminin sa sarili na ito ang pumatay sa anak nitong si Chase. Napasinghap siya at nagmulat ng mga mata. Nakatutok pa rin sa kaniya ang hawak nitong baril habang ang mga mata ay alertong nakatingin sa daan. “Bakit hindi mo na lang aminin sa sarili mo, Simon, na dahil sa ginawa mo ay namatay si ate Erin kasama ang anak niyo?” “F**king shut up!” malakas nitong sigaw sa kaniya. “Wala akong aaminin dahil wala akong kasalanan—f**k!” malakas nitong mura nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay nitong may hawak na baril at madiin niya itong kinagat doon. Nabitiwan nito ang baril. Gumiwang pa ang sasakyan

