“Mama!” Boses kaagad ng anak niya ang narinig pagkababa niya ng sasakyan. Nakita niya ito sa may porch ng mansion nina Heejhea, hinihintay ang pagdating niya. Hindi lang ito ang naroon dahil nasa tabi rin nito si Elixzer at isa pang batang babae at lalake na sa hinuha niya ay mga kapatid nito. Sa kabilang gilid ng anak niya ay nakatayo rina ang isang binatilyo, isang may edad na babae at lalake. Tumakbo si Dominick para salubungin siya. Mabilis naman siyang lumuhod para saluhin ito at niyakap ito ng mahigpit. God! She misses him. She misses her son so much. Kagabi ang unang gabi na hindi niya ito nakasama. God! Thank you for saving my son again. She uttered silently. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kung nasaktan ito kahapon. Tapos wala pa siya sa tabi nito dahil hinayaan niy

