"What's wrong?" Napakurap siya. Umiling siya at iniwas ang mga mata dito at ibinalik sa labas ng bintana ng sasakyan. Ramdam naman niya ang paninitig nito sa kaniya. Then he heard him sigh. She wants to confront him that memory of hers. She wants to know kung bakit siya tumatakas. Pero ayaw naman niyang pilitin ang sarili at baka sasakit lang ang ulo niya at mahihimatay na naman. She sighed and closed her eyes. Hanggang sa hindi na niya namalayang nakatulog na siya. Nagising naman siya nang maramdamang may humahaplos sa noo niya pababa sa pisngi niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita naman niya ang kamay ni Chance malapit sa mukha niya. Bahagya na iyong nakaangat. Nang mag-angat siya nang tingin dito ay agad na nagtama ang mga mata nila. Suminghap siya at napakurap. Umayos s

