PARANG tumalon ang puso ni Ariyah at agad nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata nang buksan niya ang maliit na box ay bumungad sa kaniya ang pamilyar na kuwintas. Ang kuwintas niya. Alam niyang sa kaniya ito at hindi kay Erin dahil sa nakaukit na initial ng pangalan niya. Pero paano? Saan nito nahanap ang kuwintas niya? Umangat ang tingin niya kay Chance. Gano’n pa rin ang tikas nito sa pagkakatayo at para bang hari na hindi man lang natinag sa puwesto nito. But his deep stares at her tripled her heartbeat. “P-Paano mo ito nahanap?” tanong niya, bahagya pang nanginig ang mga labi niya. “Why do you have the same necklace as my wife?” balik nitong tanong sa kaniya, sa halip na sagutin nito siya. Saglit siyang natigilan sa huling sinabi nito. He still addresses Erin as his wife. Kahit

