Chapter 5

3024 Words
Kinabukasan, we went on with Plan B. To check the other hospitals here in Quezon City. The hospitals near us failed to give us the matching prints of the suspect. Ilang hospital na sa Quezon City ang napuntahan namin, pati sa mga kalapit na lungsod. Alam naming imposible but we have to take a risk. The people is in chaos, the nation is. Every night is a nightmare for them. They can't even sleep knowing that their child is still outside. Some of the women cut their hair short, avoiding the possibility of being the next victim. Everyone is worried and as our job, we have to take an action. "Bro, kain muna tayo. Ala una na pero wala pa tayong lunch," aya ni Andrei. Kanina pa kami dito sa hospital, wala pa rin namang update kaya lumabas muna kaming tatlo para kumain diyan sa malapit na fast food chain. Nag-order lang ako ng fried chicken, ganun din silang dalawa. Naupo kami sa bakanteng mesa na pang-apat malapit sa bintana. Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Gutom nga talaga kami dahil sa bilis naming kumain, pagod din kami dahil ang aga namin nagsimula. "Detective, kanina pa po nakatingin sa'yo yung babae oh," sabi ni Richard, ang kasama naming pulis habang may tinuturo ang likod ko. Katabi ko si Andrei at pati siya lumingon. Napa-ubo agad si Andrei nung makita niya si Sandlers na nakapila sa counter. Nagkatitigan kaming dalawa,ngumiti siya sa akin. Si Simone. I knew from her looks today and the way she smiles. I can't believe na kumakain siya sa ganitong kainan knowing kung gaano siya kayaman. Ang akala ko maarte siya, pero baka itong si Simone ay isang simpleng babae lang. Sa totoo lang kapag nakikita ko siya hindi ko alam kung sino siya hanggang hindi siya nagsasalita o kung hindi ko nakikita ang kabuuan niya. Doon ko lang malalaman kung sino siya kapag nagsasalita siya o kung paano siya gumalaw at manamit. Tulad ngayon, alam kong siya si Simone kahit hindi pa siya nagsasalita dahil sa pananamit niya. Bumagay sa kanya ang suot niyang maikling fit, at kulay blue na dress na may malaking ribbon pa sa may kaliwang balikat. Nakalugay rin ang mahaba niyang buhok ngayon. Para siyang model lagi sa suot niya, magaling siyang mag-ayos, parang araw-araw runway. Pinagtitinginan na din siya ng ibang customer dahil sa suot niya. Lalo na ang mga kalalakihan, sa iksi ba naman ng suot niya at hapit pa sa katawan. Sino ang hindi mapapatingin dun? Nakakainis bigla. Nang matapos siyang mag-order, bitbit niya ang tray ng pagkain niya at lumapit sa mesa namin. "Ehem!" pag-iinarte ni Andrei. Ngumiti naman si Simone sa amin. "Hi, can I sit here?" malumanay niyang tanong. "Oo naman. Gusto mo tabi pa kayo ni Nathan e," sabi ni Andrei at lumipat sa tabi ni Richard. Nilapag naman agad ni Simone ang tray at naupo sa tabi ko. Umusog ako sa gilid para hindi magtama ang balat namin. "Thank you," sabi niya. Sinimulan na niyang kainin ang burger niya. Parang hindi naman ako makapaniwala na dito siya kumakain, I mean, masyado siyang elegante para sa lugar na 'to. Parang wala lang at nagpatuloy sa pag-kain ang dalawang kasama ko habang nanunukso ang mga mata. Iniambaan ko sila ng suntok dahil sa inis. Napatingin ako sa mga lalaki sa tapat ng table namin. Sumisilip sila sa ilalim ng mesa, napansin ko agad na sa legs ni Simone sila tumitingin. Inis kong hinubad ang denim jacket ko at pinatong sa legs niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko ganun din ang dalawa sa harap namin. Umiwas ako ng tingin, naiilang ako. Bakit ba kasi ganyan ang suot niya? "Ah, thank you," nahihiya niyang sabi. Tumango lang ako sa kanya at inubos ang pagkain ko. Burger at fries lang naman ang kinain niya, baka nagpunta lang siya dito dahil nakita niya kami. Tsk! Assuming ako masyado. Lumabas agad kami pagkatapos kumain. Pagtayo namin, tinitigan ko ang mga lalaking titig na titig kay Smone. Bakit parang isa akong over protective boyfriend? Tama na, Nathan. Pilit na isinauli ni Simone ang jacket ko sa'kin pero I insisted na isabit niya sa beywang niya iyon, dahil marami ang tumitingin sa legs niya lalo na iyong mga tambay na adik sa labas, may pagnanasa pa ang mga hunghang! "Dala mo ba kotse mo?" tanong ko sa kanya ng makalabas kami. She nodded in excitement. Bigla siyang pumikit at yumuko saka umiling ng kaonti at pagbukas ng mga mata niya ay mas lalong lumawak ang ngiti niya and she giggled. "Yep! Thank you, Nathan!" she cheerfully said and hugged me. Boses bata. I looked around, mabuti nalang wala masyadong tao, at nauna sa hospital si Andrei at Richard, kesyo 'baby time' ko daw. Buti nalang at hindi nila nakita ang pagbabago ng ugali ni Simone, kahit na alam naman na ni Andrei. "You're welcome, Diana," I replied. How can she easily switch from one personality to another? I heard it's kinda hard to control them on your mind. I even saw a movie about it, he was fully consumed by his other personalities he can't show his true self. I think that's what happened to Lorraine. She was overpowered, overruled, she can't step in the light. She can't get out. She smiled wildly at me and looked at her clothes. She frowned nang makita ang hitsura niya. "Tsk! Ganito na naman ang ayos niya!" reklamo niya na parang bata, nag pout pa siya and I find it cute. How old is she? "Don't worry, Nathan. I will return your jacket," she said. "It's okay. You can keep it if you want," I said which made her smile even wider then she hugged me. I was quite taken aback when she hugged me. This is the second time that she hugged me and the second time that I saw Diana. It's been a while. "Diana, how come you remember everything? How come you remember my name?" I asked her, hoping na makakuha ako ng matinong sagot from her childish personality. "It's because, you're Nathan! And what my other personality were doing, I know. We know what we're doing when each of us steps in to the light, " she replied and giggled. Even her giggling, I find it cute. Damn you Nathan! "Why?" She just smiled and looked at me in the eye. She's just standing there, staring at me while I am nervous, listening to the crazy beat of my heart. I hope she doesn't hear it, I would be embarrassed if she does. Damn, she might think I like her. "Why? What's wrong Diana?" I asked. She closed her eyes and frowned. Her smile was replaced with a smirk. Her cheerful eyes are now cold and emotionless. "It's because, I don't forget Nathan," she coldy replied. I couldn't answer. I don't know what to say. I couldn't get a grasp of everything. She always surprise with her change of identity everytime. And her being Helleigna right now, I find her very sexy. She's so beautiful and sexy at the same time when she's Helleigna. She looked at her waist and then took my jacket off. Nahiya naman ako bigla. Para kang bakla Nathan. She handed it to me. "I don't need it," she said at tumalikod. She looked at the fast food chain and she looked really disgusted at the place. Yep, that's Helleigna. She hopped in her red SUV. She must love the color red, I always see her in red. Yeah, erase that. I couldn't utter a word even tho she already left. I just watched her drove off. I sighed at muling isinuot ang jacket. Nagpunta agad ako sa hospital para mag-update. Pero pagdating ko doon, nakita ko na sa labas sina Andrei, naghihintay sa tabi ng kotse. Linapitan ko sila habang binibigyan ako ng nakakalokong ngiti ni Andrei. "Bakit ang tagal niyo? May nangyari ba?" tanong niya and knowing him for over 20 years, I know what he's thinking. Binatukan ko siya. "Gago, nag-usap lang kami," sagot ko. Tumawa lang siya. "Malamang. Ano ba dapat ang gagawin niyo?" "Naku! Si Detective lumalablayp!" dagdag ni Richard. Isa pa 'to. Baka pati siya batukan ko na rin. "Tsk! Oh, ano resulta?" tanong ko pertaining the finger prints. They both sighed and shrugged. Pati ako napa-buntong hininga rin. Pang-ilang hospital na ito pero wala parin kaming makuhang match. Or are we wrong about it? Pumunta kami sa next target namin na hospital. It's already 3pm, susunduin pa ni Richard ang anak niya sa day care kaya pinauna namin siya umuwi. Kami nalang dalawa ni Andrei ngayon. "Ano pinag-usapan niyo?" tanong ni Andrei habang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa Julio Mercado Hospital. "Wala. Chismoso mo," sagot ko. "Crush mo?" "Hindi ah!" depensa ko. "Masyadong mahina. Lakasan mo pa," pamimilosopo niya. Tsk! Wala talaga siyang kwenta. Nakatingin lang ako sa labas. Umuulan nanaman kasi. Kaya mas lalong lumala ang traffic. Lintek na traffic na 'yan. Kaya may mga natatanggal sa trabaho dahil dito e, dahil late na nakakapasok ang mga trabahante, kahit agahan pa nila ang biyahe nila, they will still be stuck in this traffic. Bakit ba ang bigat ng hinanakit konsa traffic na' to? "Alam mo bro, masama manghinala pero masama kutob ko sa Sandlers na 'yon e," biglang sabi niya upang basagin ang katahimikan. Nilingon ko siya. "Ganyan ka naman sa lahat ng tao ah?" Buti nalang siya ang nagmamaneho ngayon, pahinga muna ako sa pagiging driver niya. "Oo, parte na ng trabaho natin iyon, pero iba talaga dating ni Sandlers e," sabi niya habang nanliliit ang mga mata, pandagdag sa drama. "Talagang masama pakiramdam mo sa kanya, pati nga ako e, kasi nga hindi ba may personality disorder nga. Tsk!" sabat ko. Totoo naman. Hindi mo kasi alam kung sino siya sa ngayon at sa susunod na minuto. She's hard to predict kaya minsan nakakapang-hinala pero I understand kasi may identity disorder ang tao and she's hard to deal with. Iniba namin ang usapan dahil ayoko pag-usapan si Lorraine. Mukhang gets niya naman iyon dahil tumahimik ako tungkol doon. "Nabalitaan ko nga pala na iyong ikatlong biktima ay nalibing na kahapon. Nakakaawang makita ang mga kapamilya ng mga biktima na naghihinagpis," sabi niya. I feel him, kami na hindi kapamilya nila ay nasasaktan din. Sa tuwing nakikita namin na bangkay ang naabutan namin ay nakakapanglumo. Lalo na ngayon at wala pa kaming lead. Mukhang matagal pa bago makamit ang hustisya. I admit, mabagal ang hustisya sa Pilipinas. Hindi na namin iyon pinag-usapan pa ni Andrei hanggang sa makarating kami sa hospital. Agad kaming nag- tungo sa nurse's station and asked for their cooperation which they did. While waiting for the result, we roamed around the hospital just to be sure. This hospital is packed since this a public hospital. Kahit sa hallways may pasyente. Puno yata lahat ng rooms nila. Even a kid was confined outside. Kawawa ang sitwasyon nila. We walked through until I noticed a little girl staring blankly at me and she resembled her, Helleigna. She has a blank expression plastered on her face. She has a sign on her bed that says 'Fairytale doesn't exist!'. For a moment I thought it's surprising to see a child having a post card attached to her hospital bed, that she doesn't believe in fairytale. She's alone in her bed, in the hallway away from the people. Nilapitan ko siya, sumunod naman si Andrei. "Hi, little girl, what's your name?" I asked with a smile, trying my best not to scare her. She didn't answer. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Andrei. "Pipi yata bro," bulong ni Andrei. "What's your--" "Do you read fairytale?" she cut me off. At a young age, her voice is cold. She really does resemble her. "No, but my mom used to read--" "Do you believe in such bullshit?" she cut me, again. We were taken aback by her language. Napatingin kami sa isa't-isa ni Andrei. Pati rin siya nagulat sa sinabi ng bata. "Cursing is bad, kid," sabi ni Andrei pero hindi siya pinansin ng bata. "What are you trying to say?" tanong ko. Sinabayan ko siya, the last thing that I wanna do is upset a kid. "Do you know what to call to those people who believe in Fairytales?" tanong niya. Nagkatinginan ulit kami ni Andrei. We both shrugged. "They're hopeless. Why? They let themselves be fooled by the fantasy. They believe that everyone has a Prince charming that will come and save them when in fact there's none. There's no princess, no prince charming, no evil witch queen and definitely no true love," litanya niya nang hindi nagbabago ang ekpresyon sa mukha. "Do you know why women are weak? Because they hold the chance that there will be someone who will save them, their knight in shining armor, but in reality there's none, " dagdag pa niya. Despite her age, she already has that knowledge about reality. Sa edad niyang iyan ay dapat naglalaro pa siya ng bahay-bahayan o hindi kaya ay nanonood ng Disney movies. But like what she said, she does not believe in fairy tales. Someone must've given her a hard time. She continued. "Do you know what fairytale teaches us? That evilness reign, there's no happily every after, in reality there's no after. As long as evilness is there, there's no after. We will be stuck forever, suffering," she said. She's got a wise thinking there. "Only strong women don't believe in fairytales and has a grasp of reality," she added. We are left in awe. Nagkatinginan kami ni Andrei. This kid is something. Who hurt her so bad that made her think like this. And to think that's she's just around 9 or 10. She's too young to witness and experience the harshness of reality. And for a moment, I thought of her again. If she's here right now, would she also tell me the same thing? Would she agree to what the child told us? I think she would. I have always seen her as a strong and independent woman. Either Diana or Helleigna or even Simone, whoever she is, she's strong. I can see it. I can feel it. She molded herself to be strong. And she has to live with it. Pinatawag na ang bata para sa check-up niya kaya umalis na din kami. Lumabas na rin ang result at ganun parin, no match parin. Nawawalan na kami ng pag-asa, but we don't have a choice. We can't just stop because we're tired. We have something to fight for. And that's justice. Bumalik na kami sa station bago pa kami mas gabihin nang pagdating doon. Tumila na rin ang ulan, ngunit bumaha naman. Todo ingat kami ngayon, buti nalang sa pulisya ang dala naming kotse. Hindi kami ang gagastos kapag nasira ito. Pagkarating namin doon, tahimik lang. Nandoon na rin ang ibang kasama namin at halatang pagod na. Kanina pa kasi kami nag-ikot sa buong Quezon City, sino ba naman ang hindi mapapagod. Tinanong namin sila sa naging lakad nila. Wala rin silang nakuha. Mukhang wala talaga dito sa Quezon City o kahit saang hospital ang suspect. Maging si Detective Dan ay mukhang nahihirapan din dito. Dahil wala naman kaming magagawa sa ngayon, we were dismissed earlier than the usual. Nagkanya-kanya kami ng uwi. Samantalang kami ni Andrei sa resto ni Papa dumiretso. Inorder namin ang usual na kinakain namin doon. Kaunti nalang ang customer. Nag-iingat nga talaga siguro ang mamamayan ngayon. Hindi kasi nila alam kung kailan at saan aatake ang killer. Baka nga iyong kasama mo ngayon ay matatagpuan ng patay bukas. We can't escape many possibilities like that. Magpapasalamat ka talaga na hindi ikaw ang namamatay. It's better be safe than sorry. Biglang bumuntong hininga si Andrei habang kumakain kami. Mukhang hanggang ngayon disappointed parin siya sa kinalalabasan nito. Pati naman ako ay nadidismaya parin. "Baka hospital ng buong Pilipinas ang isusunod natin ha. 'Wag naman ganun, kapagod e," reklamo niya. Kung kailangan na buong Pilipinas pa, dapat namin gawin. Alang-alang sa kapayapaan. Pero huwag naman sana. Tahimik kaming kumakain nang bigla kong naalala ang sinabi ng bata kanina. Somehow her words resembles to her. I find it funny, maybe if she's the same age as the kid earlier, would she have told us the same thing? Would she have the wisdom to know all of it? I doubt that, I always imagined the younger version of her as a happy and carefree kid, not the cold and serious type of kid. Umupo sa tabi namin si Papa at kinamusta kami. "Kamusta paghahanap niyo?" tanong niya pagkaupo. "Wala pa rin po, mukhang wala dito sa Quezon ang suspect o mali lang kami ng lead. O hindi kaya ay hindi talaga ang dextrose ang solid lead namin. Baka wala sa hospital ang suspect. Ewan naguguluhan na ako," reklamo ko. Sa totoo lang, hindi ko alam kung may patutunguhan itong imbestigasyon namin. Baka kasi mali kami ng interpretation. Maybe we are over looking things. Maybe the evidences are misleading us. "Baka siguro oras na para magtawag tayo ng back-up," suhestiyon ni Andrei. Tumango naman si Papa. "Huwag niyo akuin iyan lahat. Mas mapapadali kung marami kayong magtutulungan sa paghahanap," dagdag pa ni Papa. Tama naman siya. "Si Detective Dan lang naman ay magde-desisyon niyan. Siya naman ang head natin," sagot ko. "Baka may anggulo pang hindi tayo nakikita? Kung saan-saang hospital na tayo napapadpad e," tugon ni Andrei sabay kamot sa ulo. "Magpahinga na muna kayo. Mahahanap niyo rin ang suspect," pagpapagaan ng loob ni Papa. Sinimot ni Andrei ang pagkain niya at uminom ng tubig. Bigla naman siyang natigil kaya nagtaka ako nang tignan ko siya. Kita mo, nag-iisip pa pala talaga siya. "Hindi ba may hospital pa tayong hindi napupuntahan?" tanong niya. Inalala ko naman ang mga hospital na pinuntahan namin at ng ibang team. It actually sums up to almost every hospital here Quezon City. Wala naman siguro kaming nakalimutan. "Napuntahan na natin lahat," sagot ko sa kanya. "Oo, pero iyong psychiatric hospital ay hindi pa," sagot niya. And it sinks through me. He's right, may hindi pa kami napupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD