Nandito kami ngayon sa Sandlers Pyschiatric Hospital. Kasama ko si Andrei, we are here to find match of the finger prints. But we are also here to visit Mama.
"Bro, mukhang may kaganapan sa garden ha," sabi ni Andrei at tinanaw ang garden sa labas.
Nandoon halos lahat ng pasyente. Nag-eexercise siguro sila, may instructor pa sa harap nila. Pati ang mga nurses at doctors ay nandoon din. Looks like they're having a great time outside. A refresher for them.
"Mukhang mamaya pa tayo makakakuha ng resulta dito. Nood muna tayo," aya niya saka ako hinila palabas papunta sa garden ng hospital.
Habang papalapit kami mas lalong lumalakas ang tugtog. Nag-eenjoy nga ang mga pasyente dahil kita mo ang mga ngiti sa mukha nila. Nakita ko rin si Mama sa harap na aktibong sumasayaw habang nakangiti. Kinunan ko siya ng picture gamit ang phone ko.
Minsan ko lang makitang nakangiti at nag-eenjoy si Mama habang nandito siya. Minsan kasi kapag dumadalaw ako, she's just in the garden, staring out of nowhere and not speaking at all. Saka lang siya magkukwento kapag sinasabihan ko siya na magkwento sa'kin. But, overall, she's improving naman.
We just watched them enjoy the exercise. Hindi rin naman kami nagmamadali, we just have to take our time.
Napalingon ako kay Andrei nung siniko niya ako. "Si Sandlers Hospital," bulong niya tsaka nginuso ang kinaroroonan ni Sandlers Hospital.
Pati ako nahawa na sa kaka-Sandlers Hospital niya. Nandun lang siya sa malayo, habang tinatanaw ang mga pasyente. Walang emosyon ang kanyang mga mata. She's crossing her arms while looking at them blankly. She's in her usual attire, long and classy dress, and her hair is in a perfect bun. She must like her hair in a bun. And I know, she's Simone.
"Si Helleigna 'yan," sabi ko sa kanya.
"Paano mo nalaman?"
"Sa suot niya at sa paraan ng tingin niya. At blangko ang mukha niya," sabi ko habang tinititigan si Helleigna.
May alam na ako kung paano sila kikilalanin. Iba-iba kasi ang style nila. Napansin ko kasi na si Simone, nakalugay ang buhok, habang si Helleigna naka bun o naka-pony tail, si Diana naman naka-pigtail at kung ano ang maabutan niyang style, stick na siya dun.
Hindi na ako nagulat nung nakatitig na din sa akin si Helleigna. Siguro nasanay na din ako sa mga titig niya. Kung nakakatunaw lang siguro ang titig, tunaw na ako ngayon.
Walangya ka Nathan.
We stared at each other for a while, before she let out her smirk and walked away. Malapit na rin matapos ang exercise session nila, I was about to follow her. But when I was just taking my first step, I was shocked and couldn't move even a bit because of what just happened.
Nagsigawan ang mga pasyente at yumuko, pati ang mga nurses at doctor ay nagulat. Hindi sila mapakali. Hindi nila alam kung saan sila pupunta, kung saan sila tatakbo. Nagsisigawan na sila dahil sa takot. Habang ako ay hindi pa rin makagalaw dahil sa nasaksihan, hanggang sa sinuntok ako ni Andrei sa mukha, saka lang ako nagkatao.
"Ano ba! Dalian mo!" sigaw niya habang akay si Mama. Napatingin agad ako sa kanila at kay Helleigna.
Agad ko siyang nilapitan, dahil walang nakapansin sa kanya dahil sa sobrang taranta ng mga tao.
"Helleigna! Helleigna! Helleigna!" inalog ko siya at inakay sa mga braso ko.
Nakapikit siya at hindi humihinga. May lumabas din na dugo sa ilong niya. May tama ng baril ang gilid ng tiyan niya.
"Andrei! Andrei!" tawag ko sa kanya na agad naman niyang narinig.
Lumapit siya sa akin at tinulungan ako buhatin si Helleigna. Agad namin siyang tinakbo palabas ng hospital at pinasok sa kotse ko. Hinatid ko agad siya sa hospital niya.
Inalalayan agad kami ng staff doon nang makita nilang buhat ko si Helleigna. Marami ang dugong naubos sa kanya. Nagiging maputla na rin ang labi niya. She's just peacefully closing her eyes. Sa sobrang taranta din ng mga doctor at nurse nila ng makitang duguan at walang malay ang boss nila, dinala agad siya sa emergency room.
Pinaghintay kami sa labas, habang ako naman ay nagpalakad-balik sa kaba at takot na nararamdaman ko para sa kalagayan ni Helleigna.
"Umupo ka muna. Tubig oh," alok sa akin ni Andrei ng isang bottle ng mineral water at pinaupo ako.
Nang inabot ko 'yun ay saka ko lang rin nakita ang dugo ni Simone sa kamay at katawan ko. Mayroon ding dugo sa damit si Andrei.
I sighed after drinking the water, hindi pa rin mawala ang kaba ko.
"Sinabi ko na rin pala kay Detective Dan ang nangyari doon kanina, they are investigating it right now," sabi niya.
"Thank you," tanging sagot ko nalang sa kanya at uminom ulit ng tubig.
"Sino naman kaya may gawa nun?" tanong ni Andrei.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin alam. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. She was just smirking at me and then I just heard a gunshot and the next thing I saw was Helleigna, lying on the ground with a shot. And for the first time in my whole life, I got nervous for her. I was scared, I don't know why but I was scared that I might lose her.
Lumabas din ang doctor niya mayamaya lang.
"We need to bring her to the operating room, and are you the closest kin? We need your consent," sabi niya.
Natahimik muna ako ng ilas minuto at tumango. "Oo, I can sign the consent right now. Please save her," tugon ko sa doktor.
"The bullet was not deep, Sir, but we need to operate on her para matanggal ang bala at nawawalan na rin siya ng dugo," paliwanag niya. Tumango lang ako at hinayaan silang gawin ang trabaho nila.
Nakita ko si Helleigna na inilipat sa operating room nila.
I waited for an hour or so. Umalis muna si Andrei para kumuha ng damit ko dahil puno na ito ng dugo at para makibalita na rin. I sighed and nervously stood up when the doctor went out of the room.
"It was a success although maraming dugo ang naubos sa kanya because of excess bleeding but she's strong and now she's fine. She's just resting in her room, you can go in if you want," sabi ng doktor.
"Thank you, Doc," sabi ko bago siya umalis.
I heaved a sigh of relief when I heard the news. Napaupo agad ako dahil nanghihina ang tuhod ko at kanina pa ako tayo at upo habang naghihintay dahil hindi ako mapakali. Masyado akong kinabahan para sa kanya.
Pumasok sa ako sa private room na nakalaan sa kanya. She's lying peacefully in her bed, wearing all white. She looks like an angel. I sat beside her and stared at her face. She has the most beautiful face I have ever seen. She looks peaceful but her brows are frowning, deep inside her is a storm brewing in, and she won't be able to escape it unless she does. But I think in her case, she's living that storm everyday.
I slowly held her hand, I hesitated at first but I still held it. "You scared me," I whispered.
Yumuko ako at huminga ng malalim. Sa wakas, ligtas ka na.
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. It feels foreign and I don't like it. I don't like the outcome of this weird feeling. I'm scared to see the consequences of it. But I know to myself that this is not right. It's not just right.
I stayed there for an hour, still wearing my clothes with blood on it.
I felt her finger move. Tinignan ko agad siya and she's slowly blinking her eyes, trying to be awake. She roamed her eyes around the white room, looking clueless. Her eyes were weak, that almond eyes always makes me feel weak.
She then slowly looked at me. Confusion was evident but later on it was replaced with shock. She immediately stood up but didn't successfully do it because of the pain in her waist. The operation just ended.
"Be careful," I told her.
"What am I doing here?" she asked, she's wary of the place. She doesn't seem to remember what happened.
I am confused with her reaction but I still answered her.
"You were shot, in your waist while you were at the hospital," I explained in a calm manner as possible. I don't wanna scare her.
"Who are you?" she asked. And now more than confused, she used to remember my name. As far as I remember, she was shot in the waist not in the head. It is very impossible to have an amnesia or memory loss or something.
"I-I'm Nathan, Helleigna," I said.
She looked at me in terror. "H-Helleigna?" she asked and I nodded. How come she doesn't know her name?
"So you know them?" she asked, clarfiying something.
"Them?"
"My identities."
Who could she possibly be? Is she--?
"I'm Lorraine. It's my real name, the real me, the original me. I'm Lorraine Mitchell Sandlers," she said.
Mas lalo lang akong naguluhan. Naguguluhan na nga ako sa tatlo and now she's here, introducing herself, her real self, the original to me. This is just so confusing.
"How did you know them?" she asked.
I told her how I first met her, Diana. The childish Diana. I told her everything from meeting Diana and Helleigna and Simone. And how often we see each other. It's just been a week or so since I met them. A lot has already happened, and now, I met her.
"So, that's how it is," she said after hearing all of it.
"Yeah, that's how it is," I said and nodded. She smiled at me.
She doesn't remember a thing. She just said I'm familiar to her. How come her 3 alter ego remembers me but she doesn't? Is it because they rule over her? They defeated her easily like what Helleigna said?
"Ah! " she winced in pain. She is holding her head.
"Bakit? Anong nangyari?" I asked pero hindi siya sumagot. Hawak niya lang ang ulo niya.
"If something happens, don't ever leave their side. By my side. If something happens, just call my name. Loud and clear and kill me. Please. I'm asking you a favor," she said.
Umiiyak na siya dahil sa sakit habang nakikiusap sa akin. Nakakatakot. I don't know what to say so I just nodded and she smiled. And seconds later, her smile vanished. She shook her head and looked at me.
Lorraine is gone.
"I'm sorry about that," she said coldly, recognition was visible in her eyes.
She stared at me with disgust as soon as she saw my clothes with blood. Yeah, I still haven't chaged it kasi wala pa si Andrei, bakit ba kasi ang tagal niya? Mahigit dalawang oras na simula nung umalis siya. Hindi naman ganun kalayo ang bahay namin.
"Helleigna," I said out of nowhere. She seemed to overrule them. Maybe she's the strongest?
"Nathan, I'm tired. I'm still in pain. Leave," she said coldly.
Kanina pa siya dito pero walang dumalaw or pumunta sa kanya. Wala ba siyang pamilya? "Pero walang magbabantay sa'yo."
She just looked at me. "Hindi na ako bata, Nathan. Leave me alone," she insisted and laid down properly.
Tinulungan ko siyang kumutan. May dextrose kasing naka-attach sa kamay niya. And she's in pain.
"Simone, please I just wanna make sure you're alright."
"I am alright, Nathan. It's just a gun shot."
"But--"
"Do you like me?" she cut me off.
I blinked twice to sink in what she just said. She just stared at me like the question was nothing.
I am a guy but right now, I am acting like a girl. I couldn't answer her, I was taken aback. I don't know what to say. Liking someone is a big deal to me, she can't blame that to me. I never had a love life before.
"I don't know," I answered, I honestly don't know.
She scoffed and smirked. "Would you rather be an ignorant or an idiot?"
"What?"
"Would you rather be an ignorant and act carelessly because you know nothing? Or would you rather be an idiot who knows everything but acts not like it?" she asked out of the blue.
"What do you mean?"
"I know you like me and you know it yourself, so don't deny it," she said with confidence at tumalikod sa akin.
I couldn't move. How can she just said that straight to me? I know I'm acting like a gay right now, I don't care. She's just so straight forward, I couldn't get a grasp. I hate it but I liked her even more. She's sexy when she's like that, and I'm ruining myself. Damn! She hit me so hard!
Do I really like her? Dude, I just admitted that I liked her even more.
Napailing nalang ako at hinayaan siyang magpahinga. Lumabas ako para doon hintayin si Andrei, ang dumi ko na at kanina pa siya umalis.
"Putangina!" sigaw ko nang ang nakangisi niyang mukha ang sumalubong sa akin palabas ng kwarto. Napatingin tuloy sa direksyon namin ang mga nurse.
GAGO.
"Bakit ka ba nanggugulat?" tanong ko at tsaka siya binatukan.
"ARAY! Oh!" sabi niya at binigay ang damit ko. Pumasok ako sa kwarto ni Helleigna at dinala siya doon para bantayan siya. Naligo at nagbihis agad ako dahil ang baho ko na at natuyo na ang dugo sa damit ko.
"Nadakip na ang suspect," sabi niya agad pagkalabas ko ng CR.
Natagpuan ko nalang ang sarili kong tumatakbo papalabas ng hospital at nag-drive papunta sa presinto. Iniwan ko si Andrei para bantayan si Simone.
Agad kong hinanap ang sinasabi nilang suspect pagkarating ko doon. Nang mahanap ko siya, inutusan ko ang bantay na palabasin siya. Pamilyar siya sakin.
Agad ko siyang kinwelyuhan pagkalabas niya. "Bakit mo ginawa iyon?!"
Hindi siya sumagot. Inaawat ako ng mga kapulisan dahil nag-aalab ang galit ko sa taong 'to. Anong kasalanan ni Helleigna at binaril niya. Wala siyang konsensya. Isa siyang hayop.
"Hayop ka! Sumagot ka! Bakit mo ginawa iyon!"
Hindi siya sumagot at nakayuko lang habang inaalog ko ang balikat niya.
"Detective, tama na po," awat ng pulis pero hindi ako nakinig.
"Sumagot ka hayop ka!"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay umiyak lang siya. Unti-unti siyang lumuhod habang umiiyak. Binitawan ko ang kwelyo niya at pinanood siyang humagulhol.
Ngayon pa ba siya magsisisi sa ginawa niya? Bobo ba siya? Ngayon pa na nasa hospital na ang binaril niya?
"Kasalanan niya ito! Kasalanan niya!" biglang sigaw niya. Inawat agad siya ng mga pulis.
"Bakit niya naging kasalanan ha?! Anong kasalanan niya?!" I asked.
But the next thing I heard shook my entire system.
"She killed my daughter! The second victim! She killed her!"
"What?" I asked in disbelief.
"Pinatay niya ang anak ko!" sigaw niya habang umiiyak.
I can't believe this man. Paano niya nagawang akusahan ang taong walang ginagawa sa kanya?
"Kilala mo ba kung sino ang inaakusahan mo?" tanong ko pero hindi siya sumagot, nanatili lang siyang nakayuko.
"May identity disorder 'yung taong inakusahan mo. Sa tingin mo magagawa niya iyon? Ni minsan hindi nga niya maalala kung ano ng nangyayari sa kanya tapos ngayon babarilin mo siya dahil sinasabi mong siya ang pumatay sa anak mo? May ebidensya ka ba ha?" nanggagalaiting tanong ko sa kanya.
Masyado niyang sinisira ang sistema ko. Alam kong hindi iyon magagawa ni Lorraine o ni Simone o kahit na sino sa kanila. Malayo nga sila sa mga tao tapos ngayon papatay pa? Sa anong dahilan?
"May ebidensya ka ba ha?" ulit ko.
"Bro," tawag ni Andrei sa'kin. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya. Masyado akong nilalamon ng galit ko.
"K-kamukha niya ang p-pumatay sa anak ko," mahinang bulong niya.
Hindi ako makapaniwala sa narinig. "You're being unreasonable, Mister. There are hundred of thousands of people living here in the Philippines. At tatlumpong pursyento doon ay kamukha mo. Ngayon sabihin mo sa akin kung may ebidensya ka ba," I said as I tried myself to be calm.
And for the nth time, umiling nanaman siya. "Tignan mo kung saan humantong ang akusasyon mo. Nasa hospital siya ngayon at muntik ng mag-agaw buhay dahil sa'yo. Inosente iyong tao," huling sabi ko bago ko siya tinalikuran.
Nakasalubong ko pa ang asawa niya habang papunta ako sa labas. Hindi lang naman sila ang namatayan dahil sa insidente. Apat na pamilya na ang nagluluksa ngayon pero wala silang ginawa dahil pati sila hindi alam kung bakit ito nangyayari. Walang madudulot na mabuti kung manghihinala lang sila at mang-aakusa. Maaaring umabot sa sakitan ang ginagawa nila.
I need to f*****g calm down. I keep on brushing and tugging my hair out of frustration and madness. That was the first time that I was so in rage because of her. That's new to me.
"Ice cream?" tanong ni Andrei.
Umiling ako. Sinundan niya pala ako palabas. Buntot siya ng buntot sa'kin. Parang nasa akin ang kaputol ng pusod niya. Pero, I will always be thankful of him dahil hindi niya ako iniiwan kapag kailangan ko siya. Yes, bakla na kung bakla.
"How about beer? Wala naman tayo masyadong ginagawa e. And besides si Richard na nag-asikaso doon sa pagkuha ng finger prints doon sa mental," sabi niya at inakbayan ako.
Alam niya talaga kung paano pagaanin ang loob ko. Pumasok kami sa kanya-kanya naming kotse. Siya ang naunang mag-drive habang ako ay nakasunod lang sa kanya kahit alam ko naman na kung saan kami pupunta dahil doon kami laging nag-iinom.
Huminto muna kami sa mini mart para bumili ng beer. Hindi kami pala bar o club ni Andrei. Gusto kasi namin sa tahimik na lugar. Hindi naman kasi kami umiinom para magsaya, umiinom kami para mag-unwind at mag-usap ng masinsin, heart to heart ba. Alam kong matagal na kaming magkakilala pero iba parin kapag kinikilala mo ang kaibigan mo araw-araw.
Pagkatapos namin bumili ay agad kaming nagpunta sa burol na lagi namin tinatambayan. Makikita kasi dito ang malawak na lungsod. Walang masyadong tao kaya nakakatanggal ng stress dito. This is healing me.
Tahimik lang kami habang umiinom. Canned beer ang binili namin. Walang nagsasalita sa amin habang nakatanaw lang sa malawak na lungsod at kalangitan na kulay kahel habang papalubog ang haring araw.
"Mukhang natamaan ka ah," he said to break the silence.