I unconsciously touched my face but then he laughed. "Gago, hindi sa mukha, sa puso," sabi niya at tinuro ang dibdib ko.
And again, I unconsciously looked at it. Tinamaan nga ba? Siguro. Iba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. She is always blank but inside my head, I imagine her smiling and I feel like s**t. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya o kapag ngumingiti siya.
"Saan ka nahulog?" tanong niya.
I drank my beer at yumuko. Nakakatawa, I can't answer him. "I don't know. I just woke up one day and told myself that I like her," I said.
I like her, but I can't tell her. Kahit ilang araw palang kaming magkausap, I like her. But my work and family comes first, so I have no time for that.
"Them." he corrected. Natawa naman ako doon. Nagmumukha akong cheater dahil sa sinasabi niya.
"Iba-iba ang identity niya pero iisa pa rin siya," paliwanag ko at uminom ulit.
Kinuwento ko din sa kanya iyong pinag-usapan namin ni Simone sa hospital. Na ang totoong siya ay si Lorraine Mitchell Sandlers.
"Totoo?" 'di makapaniwalang tanong niya. Tahimik lang akong tumango.
"Grabe. Napaka-unpredictable talaga,"komento niya, which I agreed.
She really is unpredictable. And I like it. She's still a mystery to me. A quest that I want to find answers and I will never give up until I find one. Hindi kasi ako mapakali nang may hindi ako alam kahit na kaunting personal na bagay sa kanya. I want to know her more, and by that, maybe I can help her.
We drank until the night came. We have a wonderful view of the city lights, and it's getting colder and we're tipsy. I'm tipsy. I think we drank a lot. And this is the time that I love the most. Tahimik. Nakamasid lang sa ilaw ng lungsod. Nararamdaman ko ang healing na hinahanap ko.
We drove back para makapagpahinga na kami. We can't afford to be absent tomorrow lalo na ngayon at umuusad ang kaso. We have to move fast para matapos na ang kalbaryo naming lahat.
We part ways ni Andrei, dahil ganun naman lagi, kung saan saan napupunta 'yon kapag lasing. Pero nakakauwi naman ng ligtas. Ayoko rin umuwi sa amin dahil mag-isa nanaman ako. Sigurado ako na si Papa hindi pa umuuwi. Kaya naisipan ko nalang na bisitahin si Lorraine sa hospital. I don't care if hindi ko siya maabutan na gising. Ang gusto ko lang ay makita siya.
I arrived there in no time. It's already 10 pm kaya wala na masyadong tao dito. Dumiretso agad ako sa private room ni Lorraine. Pagkapasok ko doon madilim, tanging ang ilaw ng lamp shade sa side table ng kama niya ang nakasindi.
Mahimbing siyang natutulog. Nagpapahinga ang maamo niyang mukha. Kaya bakit niya naman magagawang pumatay ng tao. She might not be the nicest but she's definitely not a murderer.
I sat down at the chair beside her bed. I just watched her sleep. I love it when she's asleep. Because only when she sleeps she avoids the chaos. Kinumutan ko siya ng maayos at hinawakan ang kamay niya. And only in this darkness, I can call her mine.
"Siguro totoo nga ang sinabi mo, mukhang gusto nga kita," I silently laughed when I said that while caressing my thumb on her palm.
"I don't know when it started, Lorraine or whoever you are. I just woke up one day and found out that I like you. I know it's crazy, but it's true," I added.
Silently praying that she's really sleeping and she couldn't hear me because I don't want to embarrass myself tomorrow when she finds out.
I sighed and kissed her hands and then I looked at her. Damn! She's just so beautiful even without her make up on, she's so beautiful. Yumuko ako at sinubukang pumikit dahil nahihilo ako sa kalasingan ko. I tried to sleep until everything turned black.
"Wake up, Nathan! Rise and shine!" nagising ako bigla nang sumigaw siya sa tenga ko.
Umaga na pala. Ang taas na ng sikat ng araw. Kinurot ko ang mata ko para makakita ako ng maayos. I looked at Diana. I knew it was her basing on the tone of her voice and her liveliness and her heart-warming smile.
"Hihihi, good morning," she greeted with a smile.
I smiled awkwardly and just smiled as a response. I'm afraid my mouth might smell like garbage when I open it up. I gestured her to wait and stood up papuntang CR para magmumog. Naghilamos na rin ako while I'm at it.
Nang makabalik ako ganun pa rin ang posisyon nya. Nakaupo parin siya. Mukhang hindi na masyadong sumasakit ang tagiliran niya.
Naupo ako sa pwesto ko. "Kamusta ang pakiramdam mo?"
"I'm great! Good thing I'm still alive though," she said and smiled.
She's very cheerful and quite childish. Nakalugay ang mahaba niyang straight na buhok na hanggang beywang.
"That's good. Kumain ka na ba ng breakfast?"
"Nope! Pero I called the nurse na and told him to bring breakfast for us."
"Ah, you really don't have to include me. Paalis na ako e."
"Already? Mag-isa akong kakain? It's so sad pa naman to eat alone. Can't you just join me?" she asked while pouting. She's blinking her eyes and acted cute.
Damn! She's so cute and beautiful. I can't resist.
"Okay. I'll stay here pero after breakfast I'll go na. May trabaho pa kasi ako," paliwanag ko sa kanya.
Maya-maya dumating na ang nurse na naghatid ng breakfast naming dalawa.
Alam kong walang lasa ang mga pagkain dito kaya hindi ako magkakagana nito. Pero kailangan ko siyang sabayan kumain.
"Okay ka lang? Ayaw mo sa pagkain?" I asked her nung nakatitig lang siya sa pagkain niya.
"It's bland," tanging sagot niya.
"Pfft!" I tried hard preventing my laugh to go out.
She looked at me and smiled. She started laughing habang ako ay nakatitig lang sa kanya. Ang ganda niya talaga lalo na kapag tumatawa siya at nakangiti. Kung titingnan parang normal lang siya pero kung ibang tao ang kaharap niya ngayon at walang alam sa identity disorder niya. Malamang hindi nila malalaman na si Sheena o si Diana ba ang tumatawa sa harap nila. Parang musika sa tenga.
"I'll just force myself to eat it para maging strong ako at makalabas na sa super boring hospital, right?" she asked.
I nodded and motioned her to eat.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik. Kaunti lang naman iyong binigay nilang pagkain kaya mabilis naming naubos iyon.
"Nathan, can you sing me a song? Or can you read me some stories? But not fairytale please, I don't like fairytales," saad niya pagkatapos maligpit ang pinagkainan namin.
I looked at her and smiled, "Why do you hate Fairytales?"
"Hate is a strong word. Just dislike, Nathan. I don't like Fairytales," sagot niya while looking directly into my eyes.
Habang nakatitig ako sa mata niya, parang may gustong kumawala doon pero hindi niya pinapalabas.
"Why do you dislike them?" I asked again.
"Because they're not real. The real story behind fairytales are much better than you see in movies."
"What's the real meaning behind fairytales then?"
She didn't answer and for a moment I think she would ignore me. But she sighed and smiled.
"They're brutal and I like it more that way," she replied and smiled widely.
Hindi agad ako nakaimik sa sagot niya. Brutal. She must like brutality. But knowing the meaning behind her hate towards fairytales in movies, something seems off. Diana, I know her, and for some reason or is it just me that's impossible for her to like brutality than fantasy. I know I don't know her well, but there's something more inside her. They are hiding something. Something that longed to be unleashed but they won't let her overpower them.
"Did I scare you, Nathan?" asked Diana. Napansin niya siguro na nakatitig lang ako sa kanya.
I shook my head and smiled. "No, I was just surprised. Why do you like brutality?" I asked.
She beamed. "They're fun! And I believe prince charming or knight in shining armor doesn't exist, they're just a bunch of fake shits," she replied.
Naalala ko sa kanya ang bata na nakausap namin ni Andrei sa isang hospital. She also doesn't like fairytales, and I thought they're alike in every opinions about it. And speaking of Andrei. Hindi ko pa pala siya nakausap.
"Kausapin ko lang si Andrei. May trabaho pa kasi ako," paalam ko sa kanya bago lumabas at tinawagan si Andrei.
Ang tagal niya sumagot at naiirita na ako sa ringtone niya dahil kanta iyon ni Beyoncé. Bakla talaga. Matapos ang ilang ring ay sumagot din siya.
"Hoy gago! Nasaan ka ba? Wala ka sa bahay niyo ah. Nakipagtanan ka na ba? Saan kayo? Ninong ako ah at syempre ako ang best man mo," sunod sunod niyang sabi at dahil sa lakas ng boses niya nilayo ko ang phone ko sa tenga ko.
"Nasa hospital ako--"
"Bakit? Anong nangyari? Nadisgrasya ka? 'Yan kasi! Pag-ibig pa gago!" sabi niya.
"Patapusin mo ako gago. Nasa hospital ako dahil binisita ko si Lorraine. Wala kang kwenta kausap. Papasok na ako mamaya, don't worry," sagot ko sa kanya. Mga isipin niya talaga e.
"Sige. Dalian mo, miss na kita. Bye!" sagot niya at binaba ang tawag.
Napailing nalang ako dahil sa katarantaduhan niya. Minsan hindi ko na rin siya naiintindihan e. Naiisip ko rin na bakla talaga siya e.
Pumasok ako sa kwarto at naabutan siya na nagbabasa ng libro. Hindi ko alam na may libro pala siya. Seryoso pa ang mukha niya habang nagbabasa.
"Alis na ako. May trabaho pa kasi ako. Una na ako ha," paalam ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Masyado yata siyang absorb sa binabasa niya.
Nang hindi pa rin ako makatanggap ng sagot, kinuha ko ang jacket ko na nakasabit sa sandalan ng upuan. Palabas na sana ako nang magsalita siya.
"Take care," she said coldly as she could utter.
Nilingon ko siya and smiled at her. She's not still looking at me. "Thanks," sagot ko at tuluyang lumabas.
Mabilis akong nagmaneho papunta sa bahay para maligo. Wala na doon si Papa kaya nag-text ako sa kanya na ayos lang ako. Baka nag-alala sa akin 'yun dahil hindi ako umuwi kagabi.
Pagkatapos kong mag-ayos, dumiretso agad ako sa head quarters. Pagkapasok ko, sinalubong agad ako ni Andrei nang nakakalokong ngisi.
"Naka-score ba?" tanong niya pagkaupo ko.
"Gago. Huwag mo akong itulad sa'yo," sagot ko sa kanya at binuksan ang computer.
"Grabe ka naman sa kaibigan mo. Virgin pa kaya ako. Naka-reserve ako para sa aking 'the one'," sagot niya at hinawi pa ang hangin. Ang drama.
"Ewan ko sa'yo," sagot ko sa kanya.
Wala namang bagong files na kailangan ma-review. Minor cases lang ang iba. Ang iba naman mga major cases pero ayos na. Itong serial murder nalang talaga ang kailangan namin lutasin. It has been months, pero wala pa rin kaming lead. Ebidensya lang ang meron.
"May nakuha ba si Richard ?" tanong ko sa kanya.
Si Richard kasi ang nag-asikaso doon sa pagkuha ng matching finger prints doon sa psychiatric hospital dahil ayun nga ang nangyari.
Umiling siya. "Wala e. Pero bro, may kulang," sagot niya.
"Ano?"
"Walang file o record doon si Sandlers. Maging sa medical hospital wala siyang records. Siya nalang ang kulang," dismayadong sagot ni Andrei. And he looked apologetic.
But I trust her. She wouldn't do it, right? They say always leave a room for doubt, but I don't think it is necessary and applicable to Lorraine. I trust her and her words. There's this feeling inside of me that wants to trust her.
"Na-check ba thoroughly? Baka na-misplace o sadyang hindi naglagay ng record si Lorraine doon," sagot ko, sana nga totoo ang mga sinasabi ko.
Ayokong umabot sa punto na kamumuhian ko ang taong gusto ko, kung sakali man.
"Posible rin, check nalang natin o kaya tanungin natin si Sandlers," sagot niya.
Tumahimik nalang kami at nag-aasikaso sa mga papeles ng mga kaso na dapat naming asikasuhin.
"Pero baka ngayon may record na siya sa hospital hindi ba? Naka-confine siya ngayon eh," biglang tugon niya kaya napaisip naman ako bigla.
Baka nga, posible siguro. O baka naman talaga confidential ang informations niya. Knowing that she is the CEO of the two biggest hospital in the city, it's better to stay safe if your personal information are confidential.
And knowing her, she will really keep it a secret. She's a mystery.
"We'll try, we'll go to the hospital later to check and to visit her," sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo palabas para bumili nanaman ng ice cream para sa aming lahat.
I reviewed the files of the case again and again, pero walang pumapasok sa isip ko na posibleng motibo sa krimen. Ang babaw naman kung pinapatay niya ang mga biktima dahil mahahaba ang buhok nila. Someone must be a psychopath to do this to them. Para siyang pumatay ng manok na tinanggalan ng balahibo at tinatapon lang sa kung saan. Not a very nice way to die. Dying isn't nice either.
Ang tanging tanong ko lang ay bakit walang pangatlong biktima. Walang nakitang bangkay, walang nai-report na kakaiba ukol dito. Walang report na may nawawalang babae na posibleng ang ikatlong biktima na nga. And it has been months since this started, knowing she's the first victim, if she's really dead, she must be decaying somewhere by now.
But, she won't unless she survived and lived. Unless she's safe. We just have to find her but the question is how, who, where and everything that has W questions. That's a really big possibility but it will cause us a lot of time.
But if she really did survived, it would've been reported. Gossips spread like wildfire, it would've been a breaking news to all, but no, there's nothing like that.
I was too absorbed with reading the papers, until Andrei put an ice cream on my cheek.
"Ang lamig pota," biglang sabi ko at umatras.
Natatawa pa siyang umupo pagkatapos bigyan ang mga kasamahan namin ng ice cream.
"Masyado kang seryoso eh. Iniisip mo nanaman si Sandlers Hospital ano?" tukso niya sakin tsaka kumain ng ice cream.
Binuksan ko 'yung akin at kinain na rin. Cookies and cream flavor.
"Hindi naman. Iniisip ko lang iyong first victim sa case na ito," sagot ko.
"Bakit naman? May lead ka?"
"Wala eh, pero naisip ko lang talaga. Paano kung wala tayong makitang bangkay ng unang biktima kasi nakaligtas siya hindi ba?" paliwanag ko sa kanya.
Tinapos niya ang ice cream niya tsaka tinapon ang stick.
Napaisip din siya at sumandal sa swivel chair niya. Tumatango pa siya habang nakatingin sa kisame.
"Oo nga, posible. Pero napaka-swerte niya naman na nakaligtas siya. Samantalang iyong iba, hindi, walang takas at walang awang pinatay," sagot niya sakin.
Tama nga naman siya. But still, we can't deny the fact na it's possible that she's is alive.
"Pwede ring kaya natin hindi nahahanap ay dahil tinago siya. Siguro malayo ang pinagtapunan sa kanya," dagdag pa niya.
"Oo nga, pero hindi ba it's been months since nangyari ito and she's the first victim. She should be decaying by now, nakaka-amoy na sana ng nakasusulasok na amoy ang mga taong malapit o mga nakakadaan sa kung saan man siya dinala," sagot ko sa paliwanag niya.
Tumango siya at natahimik kaming dalawa.
"Maybe she was brought in a remote area. Kaya walang nakakadaan o nakakaamoy."
And again, natahimik ulit kami. Lahat ng sinabi namin ay puro mga posibilidad sa sakaling mangyari o nangyayari sa pangatlong biktima ngayon.
Hindi ko na inubos ang ice cream ko dahil natunaw na kaya tinapon ko nalang. Pinahiran ko ng tissue ang lumagkit na ice cream sa kamay ko.
Wala naman na kaming masyadong ginagawa buong maghapon kaya napag-desisyonan naming dalawa na dalawin si Lorraine pagkatapos ng trabaho. Pumunta muna kami sa kainan ni Papa para madalhan ng pagkain si Lorraine.
"Naku, saan ka ba galing kagabi anak bakit hindi ka umuwi?" tanong ni Papa nang makalapit sa mesa namin.
Nagmano kami ni Andrei sa kanya.
"Papa, may nangyari po kasi kaya kailangan ko pong magpa-umaga sa ospital," paliwanag ko.
"Bakit ka naman nasa ospital?" tanong niya.
Naipaliwanag ko naman na sa kanya kung bakit. May tukso namang pahabol si Andrei.
"Nobya niya po binabantayan niya sa ospital," biro niya tsaka ko pinalo ang kamay niya.
Nagtaka namang tumingin sa akin si Papa kaya sinabi ko sa kanya na hindi iyon totoo. Nagpaluto nalang ako ng bulalo kay Papa para madala ko sa ospital.
"Kapag iyon inulit mo, susuntukin kita," banta ko kay Andrei pagka-alis ni Papa. Tumawa lang ang gago.
Naghintay pa kami ng ilang minuto bago matapos ang lutuin ang pinahanda ko. Binalot ito ni Papa ng maigi para daw magustuhan ng nobya ko. Tumawa ng malakas si Andrei tsaka kumaripas ng takbo papunta sa kotse niya.
"Salamat po dito Papa, uuwi po ako mamaya ng maaga," paalam ko sa kanya tsaka sumakay sa kotse papunta sa ospital.
Naunang makarating doon si Andrei. Dumiretso kami sa kwarto ni Lorraine sa 4th floor ng ospital.
"Check ba natin ang records ni Sandlers ngayon?" tanong niya pagkapasok sa elevator.
Natahimik muna ako at inisip kung ngayon ba namin gagawin. Para rin kasi namin siyang pinanghihinalaan na siya talaga ang suspek.
"Sige, pagkatapos natin bumisita tingnan natin," sagot ko tsaka naunang lumabas sa elevator pagkatungtong namin sa 4th floor.
Pumunta ako sa pinakahuling kwarto sa kaliwa at kumatok bago pumasok. Nakahiga pa siya at natutulog ng mapayapa. Nilapag ko ang dala kong pagkain at umupo sa kama niya. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog.
"Are you done examining my face?" nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. Pati si Andrei biglang tumayo mula sa pagkaka-upo niya sa sofa.
Tumingin ng masama sa akin si Helleigna kaya hinay-hinay akong tumayo mula sa kama niya.
"Sorry if I made you uncomfortable," paumanhin ko.
She just looked at me like I'm a hell of a statue. I don't know what to do kaya tinuro ko iyong dala kong pagkain, na sana naman magustuhan niya.
"Eto oh, dinalhan kitang pagkain. Si Papa nagluto niyan, bulalo," I said awkwardly as she was just staring at me like I'm some sort of an idiot.
Bigla naman siyang pumikit at yumuko tsaka maya-maya ay paunti-unting umiling. Dinilat niya ang mata niya tsaka nagbago bigla ang tingin niya. Ngumiti siya sa akin at kay Andrei.
"Hello Officers," bati niya.