"Hi, Simone," sagot ko sa kanya.
Ngumiti naman siya bilang sagot sa akin tsaka siya tumingin sa likod ko kung nasaan si Andrei at ngumiti din.
"Hi, Simone. How are you?" seryosong tanong ni Andrei tsaka naupo sa upuan sa tabi ng higaan ni Sheena.
Naupo din ako sa tabi niya.
"I'm doing fine. Recovering," maikling sagot niya.
"Dinalhan ka pala namin ni Nathan ng bulalo. Baka kasi di ka kumakain ng maayos dito kasi walang lasa ang pagkain 'di ba? Huwag mo lang sabihin sa nurse o doktor mo na kumain ka ng bulalo kung bawal," mahabang litanya ni Andrei at inihanda ang bulalo.
Tinanggal niya ito sa pagkakabalot at tsaka inabot kay Simone. Tinanggap naman ito ni Simone, ngumiti muna siya sa akin bago humigop ng sabaw. Napapikit naman siya sa sarap kaya napangiti ako nang malamang gusto niya rin ito.
"Thank you for this. Nag-abala pa kayo," tugon niya. Hinayaan lang namin siyang humigop ng sabaw.
Napansin kong ganoon pa rin ang ayos ng bed side table niya kahapon at ngayon, siguro walang ibang dumalaw sa kanya. Tatanungin ko sana siya pero I think it would be rude to ask that.
"Bro, iiwan ko muna kayo ha. May gagawin lang ako," paalam ni Andrei tsaka tumayo at lumabas dala ang bag niya.
Alam ko kung ano ang gagawin niya kaya pinaubaya ko nalang sa kanya iyon.
"Hi, may masakit pa ba sa'yo?" tanong ko sa kanya nang isara ni Andrei ang pinto ng kwarto.
"Medyo masakit pa iyong sugat ko sa operation but I can manage," sagot niya.
Natahimik kaming dalawa bigla. Nahihiya ako bigla at hindi makapagsalita. Mahiyain din kasi si Simone. Hindi tulad ni Helleigna na matapang magsalita, lalo nang hindi tulad ni Diana na isip-bata kaya madaling kausapin.
"So, how's the case?" biglang tanong niya upang basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
"Yeah, he's facing charges. I mean, the one who shot you," mahinahong paliwanag ko.
Tumango-tango lang siya.
"I'll get out of the hospital later, may marami pa akong gagawin kasi. I can manage naman. The nurse taught me how to do things on my own," paliwanag niya.
"Pero kakabuti pa lang ng pakiramdam mo, baka mapano ka niyan. Wala kang kasama."
Nag-aalala lang ako sa kanya. She's reckless at times and she's living alone. Kung may sakaling mangyari sa kanya, walang ibang tutulong sa kanya. And if she's in her Helleigna state, sigurado akong mas lalong hindi siya hihingi ng tulong sa kung kanina. She's strong and independent. And hard-headed.
Hindi naman na kami nag-usap pagkatapos kaya naisipan ko nalang magpaalam para tingnan kung ano ng nangyayari sa ginagawa ni Andrei.
"Alis na ako, magpahinga ka na. Lalabas ka pa naman mamaya. You need energy. Just tell me if you need anything," paalam ko.
"Okay thanks. Bye," sagot niya tsaka humiga ng maayos at tumalikod.
Lumabas na din ako at hinanap si Andrei sa Nurse' Station. Natagpuan ko siya doon nakatayo at nakikipag-usap sa mga nurse. Binibiro niya pa ito habang tumatawa naman ang mga nakikinig sa kanya.
"Oh, kumusta?" tanong ko nang makalapit.
Nagpaalam muna siya sa mga nurse at pinalayo kami ng kaunti mula sa kanila.
"Ayaw nilang ibigay ang records ni Sandlers. Confidential," dismayadong sagot niya.
Just as I knew it. I knew she would keep her information confidential. Bumuntong-hininga nalang kaming dalawa at umalis ng ospital.
Umalis kaming dalawa ng dismayado. Magpapaalam pa sana muna siya kay Lorraine pero sabi ko natutulog na siya kaya umalis nalang kami.
--
Kinabukasan, nag-held ng meeting si Detective Dan sa conference room namin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa usad ng kaso. May ebidensya kami, oo, pero hindi sapat iyon para makahanap ng eksak-
tong lead para mahanap ang suspect.
"Team. We will rest for a while sa paghahanap ng prints. We will study further hanggang sa may mahanap tayo na lead. But for now, let's give the prints a rest. Let's look at a different angle," saad ni Detective Dan.
Nasa meeting kami ngayon, dahil ilang araw na kaming naghahanap ng match pero wala talaga. Sa laki ba naman ng Metro Manila at sa dami ng nakatira dito, wala talaga.
We sighed." Pero Detective. Ang finger prints lang ang chance natin, wala naman tayong ibang ebidensya kung hindi 'yan lang," saad ni Ortega.
Tama naman siya. Tanging ang gunting at ang dextrose lang ang meron kami na posibleng makapagturo sa suspect.
"Alam ko. Pero pag-aaralan pa lalo namin ito. Team, isa itong malaking hamon para sa atin pero hindi tayo susuko. May rason kung bakit tayo nandito ngayon," sagot ni Detective Dan.
Alam kong pinapagaan niya ang loob namin pero hindi pa rin. Nawawalan na ng pag-asa ang iba sa kasamahan namin. Pumapasok lang talaga sila for the sake na may trabaho sila.
"Dismiss," sabi ni Detective at lumabas.
Huminga naman kami ng malalim bago kami nagsi-alisan. Wala talaga kaming bagong clue sa ngayon. Mailap ang suspect at matalino din. Hindi talaga nag-iiwan ng ebidensya na makapagtuturo sa kanya. Mabuti nalang at hindi lahat ng kriminal ay matalino. Kung hindi, mahihirapan talaga kami lalo.
Bakit nga ba sila gumagawa ng krimen? Ang dami namang pwedeng gawin sa mundo. Pero ang gumawa ng krimen? Masyadong malalim ang dahilan. Minsan hindi ka makapani-. walang nangyayari talaga.
"Hays. Kailan ba tayo uusad?" tanong ni Andrei at humalukipkip.
Napapatanong din ako kung kailan kami uusad sa kasong ito. Inaasahan kami ng mga tao, at umaasa silang mapapadali naman ang kasong ito. Pero mukhang mahihirapan kami rito.
"Kain muna tayo, ginutom ako kakaisip dito," anyaya niya. Sumunod nalang rin ako at dumiretso sa restaurant ni Papa.
Pagkarating namin doon ay hindi na tinanong ni Papa kung ano ang order namin. Alam naman na niya iyon dahil iyon lang naman ang lagi naming kinakain kapag nandito kami. Umupo nalang kami sa pwesto malapit sa bintana kung saan tanaw ang kalsada.
"Musta na pala kayo ni Sandlers?" biglang tanong ni Andrei.
"Bakit mo natanong? Wala naman akong kinalaman sa kanya," sagot ko.
"Anong wala? Eh, dikit ng dikit iyon sa'yo."
"Eh ano naman?"
"Ano ba pinag-usapan niyo kanina?" usisa niya.
"Eh ano nga sa'yo?" inis na tanong ko.
"Ano ba pinag-aawayan niyong dalawa at mukha kayong mag-asawang nag-aaway?" biglang singit ni Papa dala ang order namin.
Pareho kaming tumingin ni Andrei sa paligid at nakitang halos lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa. Humingi nalang ako ng paumanhin.
"Kulit mo kasi," paninisi ko kay Andrei na agad namang pumalag.
"Anong ako? Tinanong lang naman kita pero bigla kang nagalit," depensa niya.
"Kumain na kayo, pagod lang iyan," sabi ni Papa at iniwan kami at bumalik sa kusina.
Hindi ko pinansin si Andrei at nagsimulang kumain. Lately, si Sandlers nga dikit ng dikit sa akin. Pero may limitasyon at may dahilan naman ang paglapit niya. Hindi naman siya mukhang higad kung makadikit.
Minsan ko nga lang siya makita pero kapag nagkita kami, para kaming mag - nobyong matagal na nawalay sa isa't-isa. Siya lang pala.
Pagkatapos kumain ay tumambay muna kami sa loob ng 7/11 para magpalamig at kumain ng ice cream. Oo, para kaming mga bata dahil hilig namin ang kumain ng ice cream. Nakakawala kasi ng stress para sa akin.
"Wala talagang records si Sandlers kahit saan. Meron nga sa ospital niya pero ayaw naman ibigay. Confidential daw," biglang sabi ni Andrei.
Everything about her is a mystery. Her existence itself is a mystery. Wala ngang may alam na siya ang may-ari ng dalawang malalaking hospital dito. She never went out to the public as the owner. Baka nga taste niya sa lalaki walang nakakaalam.
Ano ba Nathan?
"Masyado namang nagpapaka-mysterious si Sandlers," dagdag niya.
"Ganun talaga iyon. Hayaan mo na," tanging sagot ko.
"Kailan nga ba siya makakalabas ng hospital?"
"Hindi pa sana pwede, pero kusa siyang lumabas. Hindi siya napigilan dahil kung sino man ang lumabag sa kanya, tanggal sa trabaho," sagot ko at tinapon ang stick ng ice cream na kinakain ko sa bin.
"Alam na alam ah, jowa mo?" biro niya habang malisyoso akong tinitignan.
"Kahit kailan ka talaga e. Sinabi niya sakin kahapon tsaka tinawagan ako ng Director ng ospital, gago. Kung makabintang ka eh," tugon ko at tumayo para bumalik sa opisina.
Agad naman siyang sumunod sa akin na may dalang isang plastic ng ice cream na ibibigay niya sa mga ka-trabaho namin. Pagdating namin doon, agad niyang binigay ang mga ice cream na parang elementary student na may birthday at pinapakain lahat ng classmates niya ng dala niyang ice cream.
"Mendoza. Morales. Pinapapunta kayo sa opisina ni Detective Dan," sabi ni Richard
Agad kaming nagtungo doon ni Andrei. Nandoon si Detective Dan, Chief of Police. Agad kaming sumaludo sa kanila at ganun din sila.
"Upo kayo Detectives," utas ng Chief of Police.
Agad naman kaming sumunod at naupo sa katapat na sofa nila. Pinaghanda pa nila kami ng tea.
"What can we do for you, Chief," panimula ni Andrei.
Ngumiti lang si Chief Sarosa sa kanya. " I just want to commend you for your excellence. For leading this case together with Detective Dan," tugon niya at pumalakpak.
"Thank you, Chief. It is our duty and responsibility," sagot ko naman.
"I thank you for your hardwork. I know hindi ito madali para sa inyo, pero the people need you. We need you right now," dagdag niya.
Tahimik lang kaming tatlo habang nakikinig sa mga praises niya sa amin at ng team. Talaga namang ibinuhos namin lahat dito. Pagod, puyat at pati kain nila minsan ay nakakaligtaan na. Pero paulit-ulit naman naming silang sinasabihan na alagaan ang sarili nila. Mas kailangan nila iyon para malutas ang kasong ito.
"You may go now, Detectives. I know you have a lot of work to do. Thank you for your time," saad niya at tumayo.
"You are welcome and thank you, Chief," sagot namin ni Andrei at nakipag-kamay sa kanya. Sumaludo muna kami bago umalis sa opisina ni Detective Dan.
"Akala ko pa naman tataasan sweldo natin," sabi niya agad nang makalayo kami sa opisina.
"Gago, hindi ba sapat sweldo mo sa'yo? Wala ka namang binubuhay ah, may negosyo din kayo," sagot ko sa kanya,
"Manahimik ka na nga lang," inis na sagot niya at umupo agad pagkapasok sa opisina.
Kahit kailan talaga, madaling mapikon. Kung pikonin ako, wagas din naman. Umupo nalang din ako at tumahimik nalang.
Hinihintay ko kung may tawag o report patungkol doon sa serial murder. Baka kasi may iwan ang suspek na pwedeng gamitin para mahanap namin siya. Pero hindi naman siya siguro tanga para mag-iwan ng ebidensya na pwedeng makapagturo sa kanya.
Everyone is silent inside the office until I heard the telephone in front of me rings.
"Hello, Quezon City Police. What's your emergency?" sagot ko sa tawag. Nakatingin na ang iba sa akin, lalo na si Andrei at naghanda sila.
"May, may bangkay ng babae po sa likod po ng bahay namin. Sa may gubat po, hindi po kalayuan sa mental hospital. Dalian niyo po," sagot ng isang babae habang nanginginig ang boses.
"Okay, calm down. Tell me the exact location," mahinahong sagot ko.
"Zone 4, Barangay Mauswag, Lot 8 po. Dalian niyo po," sagot niya.
"Okay, remain calm. We will be right there." sagot ko sa kanya at binaba ang tawag.
"Okay team, Zone 4, Barangay Mauswag, Lot 8. A serial murder. Go!" tugon ko at agad kaming nagsilabasan papunta sa police van.
Malapit lang dito sa station at sa mental hospital ang address kaya agad kaming nakarating sa sinabing lugar ng babae.
Sinalubong niya kami habang nanginginig, " Ako po iyong tumawag. Nasa may gubat po sa likod ng bahay ang bangkay," sagot niya at naunang maglakad.
Masukal sa likod na parte ng bahay nila. Mula dito makikita rin ang building ng mental hospital. Pumasok pa kami sa pinaka-gitna ng gubat, hanggang sa makaamoy na nga kami ng nakaksusulasok na amoy. Agad naming sinuot ang aming mga face mask dahil sa lakas ng amoy.
"Diyan po," turo ng babae sa hindi kalayuan. May naka-umbok na tuyong dahon doon. Katulad sa nakita namin sa ika-apat na biktima.
Hinukay ng mga kasama namin ang tuyong dahon hanggang sa tumambad sa amin ang katawan ng biktima. Medyo matigas na ito ng hawakan ko. May tattoo siya sa braso niya at sa bandang tiyan. Nakasuot siya ng puting maong shorts at orange na sleeveless shirt. Maikli na rin ang buhok niya at hindi pantay ang pagkakaputol dahil may mga natitira pang mahahabang hibla ng buhok.
Naglakad-lakad ang iba kasama si Andrei, may kumukuha naman ng litrato sa bangkay. Sinuri ko ang binti niya upang makita kung may nakalagay ba doon.
"Five dots," sabi ko sa sarili.
Sinuri ko ang katawan ng biktima, may saksak siya sa dibdib niya, pati na rin sa likod. Ito ang unang biktima na paharap niyang sinaksak at tinapon dito.
Hinanap ko ang babaeng nag-report sa amin, at nakita siya sa hindi kalayuan kasama ang mga taong nanonood. Lumapit ako sa kanya.
"Kailan mo napansin ang bankay?" tanong ko at inihanda ang maliit kong notebook para mag-note.
"Kanina po, kukuha po sana ako ng dahon pang-gamot po sa sakit ko sa tuhod. E, may naamoy po akong mabaho, hinanap ko po, tsaka ko po iyan nakita. Hindi ko na po hinukay iyon, pero may nakita po kasi akong kamay ng babae, kaya po ako umuwi at tumawag sa inyo," paliwanag niya sa akin habang sinusulat ko ang mga importanteng detalye.
" Wala ka bang narinig o napansing kakaiba bago makita iyan?" dagdag ko.
"Wala naman po," sagot niya habang napapaisip. Siguro inaalala kung meron man o wala.
"Ay! Noong isang gabi po, may tumatawa na parang baliw na babae dito galing sa gubat. Narinig po ng mga kapit-bahay iyon kasi bandang alas-dose na ata iyon, Sir," dagdag niya at tingali nanginginig pa sa takot habang inaalala ang gabing narinig niya iyon.
"Opo, Sir! Natakot po kami ng gabing iyon kasi akala namin may multo. Nung mag-umaga eh wala namang kakaiba, kaya pinagsawalang-bahala namin," dagdag pa nung isang nakikiusyoso sa amin.
"Sige, salamat."
Nilagay ko sa bulsa ng pants ko ang notebook saka lumayo para hanapin si Andrei. Wala na rin ang bangkay dahil dinala na nila sa morge.
"Ano sabi ng witness?" tanong sa akin ni Andrei pagkalapit niya sa akin.
"Nung isang gabi daw, may narinig silang tawa ng parang baliw ng babae dito sa gubat, pero nung mag-umaga na ay wala naman silang napansing kakaiba kay hindi nila pinansin," sagot ko habang siya naman ay tumango-tango.
"Ano nahanap niyo?" tanong ko naman sa kanya.
Pinakita niya naman sa akin ang malaking zip lock bag na may mga gamit ng biktima.
"Eto, bag ng biktima. Cellphone, wallet, susi ng bahay siguro, tsaka IDs niya," sagot niya.
"Pahiram ng ID," tugon ko saka niya kinuha ang ID ng biktima.
Cielo Rosales. Waitress sa isang bar malapit dito. 23 years old.
Lumapit ulit ako sa mga nakikiusyoso dala ang ID at nagtanong.
"May kilala ba kayong Cielo Rosales?" tanong ko sa kanila.
Hindi sila sumagot agad at nagtinginan sa bawat isa. As if asking if may kilala silang ganun ang pangalan.
"Wala po, Sir eh. Baka po hindi taga dito iyan," sagot nung isa sa kanila.
Nagpasalamat ako at binalik sa bag ang ID ng biktima. Titingnan nalang namin ang contacts ng cellphone niya mamaya.
"Wala kaming nakitang gunting o ano man ang makapagtuturo sa suspek," dismayadong tugon ni Andrei.
Ngumiti nalang ako sa kanya at pinagaan ang loob niya. Mahahanap din natin siya.
Tinapos na namin at bumalik na kami sa station. Sinimulan naming hanapin ang pwedeng ma-contact ng biktima. Kapamilya o kaibigan niya, na posibleng ngayon ay alalang-alala na sa kanya.
"Detective Morales, may nakapangalan po ditong "Michael". Siya lang din po ang nasa contact list ng biktima," sabi ni Marcus.
"Sige, tawagan mo," utos ni Andrei sa kanya.
Di-nial niya ang numero gamit ang telepono namin. Naghintay kami hanggang sa magsalita si Marcus, hudyat na sinagot na ang tawag.
"Hello, ito ba si Michael?" sagot niya sa tawag.
Nakikinig lang kaming lahat sa sinasabi ni Marcus.
"This is Marcus, from the Quezon City Police. Maaari ka ba naming imbitahan sa presinto para sa mga katanungan tungkol kay Cielo Rosales?" dagdag niya.
"Sige, maraming salamat po," sabi niya saka binaba ang tawag.
"Pupunta po daw siya ngayon, tatapusin niya lang daw po ang trabaho niya," tugon niya sa amin.
Nakahinga naman kami ng maluwag at hinintay si Michael at ang resulta ng autopsy ng bangkay. Wala si Detective Dan, siguro kasama pa ang Chief of Police.
"Kape muna ako. Gusto mo?" anyaya ni Andrei.
Tumayo na rin ako at sumama sa kanya papuntang vendo machine sa may entrance ng HQ para magkape. Tahimik lang kami doon at nakaupo. Inalala ko ang mga bangkay na matagal naming nahahanap, na umaabot pa ng mahigit dalawang araw bago namin matagpuan dahil sa layo o liblib na pinagtatapunan ng mga kaawa-awang bangkay. Sabay kaming bumuntong-hininga ni Andrei dahil sa pagod. Siguro, pareho kami ng naiisip at ng nararamdaman ngayon.
Maya-maya pa ay may dumating na naka-motor. Nag-park siya sa tapat at talaga namang hindi lang ako, pati si Andrei ay nagulat rin kung sino ang nakita namin pagka-tanggal ng helmet niya. Tumingin pa muna siya sa kabuuan ng station, bago naglakad papasok. Hindi pa niya kami napansin ni Andrei sa gilid, na tutok na tutok sa kanya.
Lumapit siya sa isang police at nagtanong.
"Nandito po ako para kay Cielo Rosales. Tinawagan po ako ni Officer Marcus kanina," sabi niya sa pulis.
Hindi naman agad sumagot ang pulis, dahil hindi naman namin siya kasama sa department. Maybe, he is looking for Marcus or us, kung makita niya man kami. Hanggang sa magawi nga ang tingin niya sa amin. Lumapit ang pulis sa amin.
"Detective, may naghahanap kay Officer Marcus," sabi niya at tinawag ang lalaking kausap niya kanina.
"Ako po si Michael pinadala---"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang makilala niya kami. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Andrei, at hindi pa rin makapagsalita. Ngumiti lang kami sa kanya at tumayo upang batiin siya.
"Kami na bahala sa kanya," sabi ko sa pulis kaya naman ay umalis na siya.