"Long time, no see, Michael," bati ni Andrei sa kanya habang nilalahad ang kamay para makipag-kamay kay Michael.
Pero hindi ito umimik, sa halip ay nakatitig lang sa amin na para bang iiyak na maya-maya lang. He is our highschool friend, kaming tatlo ang close noong high school palang kami. Pero noong nag-college na kami ay wala na kaming balita sa kanya. Ang sabi kasi ng mga kakilala namin dati, umuwi ng probinsya si Michael kasama ang mama niya sa Cebu. Ngayon lang ulit namin siya nakita.
Sabay kami ni Andrei na yumakap sa kanya. Bigla nalang namin siyang narinig na sumisinghot at yumakap sa amin pabalik. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala kaming pakialam. Bumitaw din kami sa yakap at nagtawanan.
"Tagal nating hindi nagkita ah! Detective na kayong dalawa ngayon," sabi niya at tiningnan ang kabuuan namin. Tumawa lang kami sa kanya.
"Ikaw? Kumusta ka na?" tanong ko.
"Eto, ayos lang. May negosyo akong bar doon sa malapit, doon din nagta-trabaho si Cielo, girlfriend ko," sabi niya at biglang nawala ang mga ngiti namin.
Si Cielo, hindi niya pala alam na wala na si Cielo.
"Ano nga palang nangyari kay Cielo? Bakit ako pinatawag dito? Dalawang araw ko na siyang hindi nakikitang pumapasok sa bar, " sunod-sunod niyang tanong.
Nawala din ang ngiti niya nang hindi kami sumagot ni Andrei. Tahimik namin siyang dinala sa loob ng interrogation room. Nandoon na rin si Detective Dan at Marcus pati na ang zip lock bag na may mga gamit ni Cielo ay nasa mesa na.
Naguguluhan man ay sumunod pa rin siya sa amin at kay Detective Dan sa loob ng room. Pinaupo siya ni Detective Dan habang kaming tatlo ay nakaupo sa harap niya, sa tapat ng mesa.
"Do you recognize these?" tanong ni Detective Dan at tinuro ang zip lock bag sa harap namin.
Tiningnan iyon ni Michael, nagungunot ang noo pilit na inaalala kung pamilyar sa kanya ang mga gamit. Bigla siyang lumuha at tumingin sa amin.
"Kay Cielo 'to. Bakit nandito 'to?" takang tanong niya habang tumutulo ang mga luha.
Detective Dan heaved a sigh and looked at Michael's eyes.
"We are sorry to inform you, but, Cielo is dead. She is the fifth victim of the serial murder case," mahinahong paliwanag ni Detective Dan na siya mismong gumuho sa mundo ni Michael.
Umiyak siya ng malakas habang nakatingin sa mga gamit ni Cielo. Girlfriend niya si Cielo, kaya malamang nasasaktan siya ngayon. Humagulhol lang siya ng iyak at hinayaan lang namin siya.
"Bakit? Dalawang araw ko siyang hindi nakita. Bakit?!" sigaw niya dulot ng sakit na nararamdaman niya ngayon.
Naiintidihan namin kung saan nanggaling ang nararamdaman niya ngayon. Apat na pamilya na ang nakita naming naghihinagpis dahil dito pero wala kaming magawa. Biktima lang din sila, wala silang kamalay-malay sa mga posibleng mangyari.
"Wala ka bang contact sa mga magulang ng biktima?" tanong ni Detective Dan nang huminahon ng kaonti si Michael.
Umiling siya. "Wala, wala na siyang pamilya. Ako nalang ang meron siya pero wala akong nagawa," sagot niya at umiyak ulit.
Pinadalhan namin siya ng tubig at pinalabas muna ng interrogation room at pinghintay sa mga bench sa lobby upang kumalma siya. Ibang-iba siya sa nakikita namin sa kanya noon.
"Kilala po namin siya, Detective Dan. Girlfriend niya po pala si Cielo, kaya ganoon nalang po ang sakit na nararamdaman niya ngayon," sabi ni Andrei kay Detective Dan habang naawa kay Michael na nakayuko na ngayon.
"Hayaan niyo na muna siya. Let him calm down, I will handle him later. Go take a rest," tugon niya saka kami umalis at bumalik sa opisina namin.
Uminom ako ng tubig dahil hindi ko kinaya ang iyak ni Michael kanina.
"Detective Morales, iyong tatay mo po nasa labas," tugon ng isang pulis habang sumisilip sa pintuan ng opisina namin.
Agad akong tumayo at nagpasalamat sa kanya. Sumunod din na tumayo si Andrei.
"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nung nakasunod siya sa'kin.
"Kay Tito din, bawal?" tanong niya. Umiling nalang ako at hinayaan siya.
Nakita namin si Papa nasa lounge ng quarters, nakaupo at may bitbit na basket. Nagmano agad kami ni Andrei sa kanya nung makalapit kami.
"Papa, bakit po kayo napunta dito?" tanong ko sa kanya.
Inabot niya sa akin ang basket na may lamang mga lunch box, nakisilip din si Andrei.
"Pagkain 'yan. Naisipan ko lang kayong gawan ng pagkain, alam ko kasing pagod kayo dahil sa trabaho. Ibigay mo ang iba sa kapulisan," tugon niya.
Napangiti naman ako dahil sa efforts ni papa.
"Wow naman! Tito, the best ka talaga. Thank you po!" tugon ni Andrei.
"Paano po iyong restaurant?" tanong ko sa kanya at inaya ko silang dalawa na doon muna sa conference room mag-usap.
"Isasara ko muna, babantayan ko nalang muna ang mama mo," tugon niya.
Nabigla ako nung nabanggit niya si mama. Ilang linggo na akong hindi nakakadalaw ulit kay mama at wala namang binabalita ang ospital sa akin.
"Bakit? Anong nangyari kay mama?"
"Tumawag sa akin ang nurse niya kagabi at kaninang madaling araw. Ang mama mo daw biglang nagsisigaw sa ospital. Nangbabasag ng mga gamit, nagtangka pa nga daw umalis doon," paliwanag ni Papa.
Hindi naman kami makapaniwala ni Andrei. Kahit kailan hindi naging ganito kalala si Mama. Kahit hindi siya stable mentally, nakakausap siya ng maayos at parati lang siyang tahimik at mahinahon. Ngayon lang siya nagkaganito.
"Baka po may nagpa-trigger kay tita kaya ganun," sabi ni Andrei.
Posible nga iyon.
"Hindi din nila alam. Kaya isasara ko muna ang restaurant para mabantayan ang nanay mo, pagpapahingahin ko din ang mga trabahante ko o hindi kaya iaasa ko muna sa assistant ko doon," tugon ni Papa.
Halata sa boses ni papa ang pagod at ang lungkot. Alam kong mas nahihirapan si papa sa sitwasyon ni papa. Ano ba naman iyong makita ang pinakamamahal mo nasa mental, nagwawala pa.
Hinawakan ko ang kamay ni papa and gave him a reassuring smile. Magiging okay din ang lahat.
"Bibisita din ako kay Mama, Papa. I'm sorry po, dahil hindi ako masyadong nakakadalaw kay Mama," sabi ko at humingi ng paumanhin.
Nauuna ko kasi ang trabaho kaysa kay Mama.
"Ayos lang anak. Kailangan ka ng mga tao ngayon. Ako na bahala sa mama mo, huwag kang mag-alala."
Nag-usap pa muna kami doon nang may dumating na pulis, na tila nagmamadali papunta dito dahil habol-habol ang hininga.
"Detectives! May dagdag kaso po sa serial killings!" sabi niya kaya dali-dali kaming tumayo ni Andrei.
Nagmamadali kaming nagpaalam kay Papa, inutusan ko nalang ang pulis na ihatid sa labas ng quarters si Papa.
Pagdating namin sa lounge, nakahanda na ang unit namin kasama ang witness na nag-report ng kaso. Agad kaming sumakay lahat sa police car.
Habang papalayo kami sa lungsod ay papasok naman kami sa isang tila kakahuyan.
"The suspect sure loves to hide his victims," biglang tugon ni Andrei.
Tama siya. Laging sa liblib at sa malayo niya dinadala ang biktima niya. Hindi namin alam kung dinadala niya ba gamit ang kotse o ano.
We stopped at an open area inside the forest. Malawak itong kapatagan at may bahagi sa gitna na puros talahiban. Doon tinuro ng witness ang location ng biktima. Nagtungo agad kami doon at sinuot ang mga gloves namin to avoid contaminating the evidences.
The police then secured and sealed the place. Lumapit kami ni Andrei sa kinaroroonan ng biktima, at nakita namin itong nakahiga sa talahiban na parang natutulog lang. Wala na rin siyang pang-itaas na damit at tanging bra nalang ang natira. Base sa katawan niya, parang kagabi pa ito nangyari.
Isa-isang kinunan ng picture ang katawan ng biktima maging ang mga ebidensyang nakita.
We checked the body and found the same method that the killer used to his victims.
Gaya sa mga naunang mga biktima, may saksak siya sa likod na direktang tumatama sa mga organs niya. Mukhang alam na alam ng suspek kung saan ang eksaktong lokasyon ng mga organs. Ang buhok din ng biktima ay maiksi pero hindi pantay ang pagkakaputol. Halatang pinutol ng suspek.
"Bro," tawag ni Andrei at pinakita sa akin ang binti ng biktima.
"Six dots. Sixth victim?" tanong ko sa kanya.
"Oo, anim talaga."
"Dumadami na biktima niya ah," tugon ko nalang.
Binitawan niya ang binti at inutusan ang kapulisan na ibalot na ito.
"Detectives, narito po ang mga posibleng gamit ng biktima o ng suspek," sabi ni Richard at inabot sa amin ang malaking zip lock bag na may nakalagay na wallet, cellphone at relo ng biktima. May nakalagay din ditong gunting at isang piraso ng alahas, isang earing.
"Nasaan iyong witness?" tanong ko kay Richard.
"Dinala na po agad pabalik sa presinto para sa questioning po," sagot niya.
"Sandlers," biglang sabi ni Andrei.
Paano naman napunta kay Sandlers ang usapan?
"Anong Sandlers?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at may tinuro sa hindi kalayuan. Nakita ko doon si Sandlers na nakapameywang habang kaharap ang dalawang pulis. Malayo man pero ramdag ko ang matatalim niyang mga titig sa akin.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya at kinausap ang mga pulis.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kanya.
Masyadong hindi akma ang suot niya para magpunta sya sa gitna ng gubat. Naka-pulang dress siya at naka-bun ang buhok. Dala-dala niya ang handbag niyang pula din, pati ang mga kuko niya ang pula.
"My cousin sent me here," tanging sagot niya.
"Cousin? Who? Bakit ka pinadala ng pinsan mo dito?"
At ngayon ko lang nalaman na may kinikilala pala siyang kamag-anak.
"The husband of Cynthia, the victim, is my cousin," sagot niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nakilala ang biktima? Tumawag ba ang kapulisan sa kanila kanina? Or she had it coming?
Nathan, pati ba naman si Sandlers paghihinalaan mo na?
"How did you know that she's the victim?"
She sighed and rolled her eyes. Parang naiinip na siya at pagod na kakatayo dahil sa taas ng heels niya.
"Because apparently, the police called my cousin, who's currently outside the country for some business reasons. He obviously couldn't come here so he told me to come and check how's the investigation going," litanya nya habang magkakrus ang dalawang braso sa dibdib.
"We just gathered the evidences and the things that's possibly owned by the victim or the suspect," paliwanag ko sa kanya.
Hindi siya sumagot at nilibot lang ang tingin sa gubat at ang dating kinalalagyan ng bangkay.
Tinignan ko lang ang kabuuan niya at napansin na may bahid ng dugo ang kaliwang tenga niya at wala siyang suot na earrings ngayon.
Out of curiosity, I asked her. "What happened to your ear?"
She looked at me and touched both her ears. Tinignan niya ang kamay niyang pinanghawak at may bahid ito ng dugo.
"So, it's still bleeding,"tugon niya sa sarili.
"I just accidentally comb it along with my hair. Nasugatan kaya may dugo, I thought it's already dry," tanging sagot niya.
Tinawag ko si Andrei at nagpaabot ng tissue. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang sugat sa kaliwang tenga niya. Pinunasan ko iyon ng marahan gamit ang tissue.
"Excuse me, Detective. What on earth are you doing?" malditang tanong niya.
Saka ko lang napansin na sobrang lapit pala ng mukha ko sa mukha niya. Nakaramdam ako ng hiya at agad na lumayo sa kanya at inabot sa kanya ang tissue para ipahid sa sugat niya. Narinig ko namang pumapalakpak si Andrei at umiiling pa na parang manghang-mangha sa ginawa ko.
"I'm sorry. I was just worried," sagot ko sa kanya. Tinapon niya ang tissue.
"I'm fine, Detective. It's just a small cut, I won't die," sabi niya. "I think my business is done here, just call me or my cousin about the case. He loves his wife so much, this must be so hard for him right now," dagdag niya na wala man lang kahit anong bahid ng emosyon.
"I gotta go, Detective. You know, I'm quite a busy woman," sabi niya at tuluyang tumalikod at dahan-dahang naglakad papunta sa pula niyang SUV at umalis nang tuluyan. Ni hindi man lang niya tiningnan o tinanong kung nasaan ang bangkay ng asawa ng pinsan niya.
Binatukan naman agad ko ni Andrei pagkalapit niya.
"Gagi, naka-points ka ah! Iba ka talaga kapag nagkaka-crush, bro!" biro niya. Hindi ko nalang siya pinansin.
Kinausap ko ang mga pulis at ang posible nilang makuha pwedeng maging ebidensya ay nakuha na. Kakausapin nalang namin ang nakakita sa bangkay, at iiwang selyado ang lugar at walang pwedeng pumasok kung maaari hanggang wala pang usad ang kaso na ito.
Pagkasakay namin sa police car, tinapunan agad ako ni Andrei ng malaswang tingin. Alam ko na nasa isip niyan, kahit nasa gitna kami ng imbestigasyon, ang isip napupunta pa rin sa kung saan.
"Will you stop giving me that look, Detective Morales?" I told him. Pero mas lalo lang lumaki ang ngisi niya.
"Yeeii, si Detective Mendoza nagdadalaga na. Nagmamaldita na e, 'no?" tanong niya sa katabi niyang pulis na dinadamay niya sa katarantaduhan niya.
"Tigilan mo nga ako, Andrei. Hindi ka na nahiya nasa gitna tayo ng investigation."
"Ayos lang bro, ganyan talaga kapag in love ka, nagiging menopausal.'Di ba? Nakita niyo iyong kanina hindi ba?" pandadamay niya ulit sa kasamahan namin na sinabayan naman nila. Naging tampulan tuloy ako ng tukso, natigil lang nang makarating na kami sa HQ.
Sinalubong kami ni Detective Dan at sinamahan kami sa interrogation room kung saan dinala ang witness.
"Sabihin mo sa amin kung paano mo natagpuan ang biktima," panimula ni Detective habang nasa labas kami ni Andrei nanonood at nakikinig.
Ngayon lang nila sinimulan dahil hinihintay pa nila kami ni Andrei. Nakauwi na din si Michael, ihahanda niyapa daw ang libing ng yumaong girlfriend. Bibisita nalang siguro kami sa burol.
"Nasa gubat po ako nun kasi kukuha po sana ako ng kahoy panggatong. May nakita po kasi akong babae na galing po doon at parang balisa po siya," sagot ng witness.
Nagkatinginan kami ni Andrei at napatingin din sa gawi namin si Detective Dan kahit hindi niya kami nakikita.
Now we have a possible female suspect. Kung babae nga ang pumatay, bakit niya pinapatay ang kapwa niya babae? Dahil sa inggit o galit? Dahil lamang sa personal na dahilan?
"Anong suot ng babaeng nakita mo?" dagdag na tanong ni Detective.
"Nakasuot po siya ng parang hospital gown. Tapos mahaba po ang buhok niya pero may katandaan na po siya. Hindi ko pa masyadong nakita ng maayos ang mukha kasi tumatakbo po siya habang pabalik-balik ang tingin niya sa dinadaanan niya at sa pinanggalingan niya," paliwanag niya.
What would be the woman's intentions? Is she there as a suspect or as a witness?
"Ano pa ang nakita mo doon?"
"Ayun lang po, pagkatapos nun nakita ko na po yung bangkay sa talahiban kaya po ako dali-daling nagpunta dito sa pulis," sagot ng matandang witness.
"What time did you saw the victim again?" tanong ni Detective Dan.
"Sa totoo po ay kaninang madaling araw ko po nakita 'yung babaeng tumatakbo. Mga alas-quatro ng madaling araw," paliwanag niya.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Nakita ko po iyong bangkay noong mag-alas-otso na ng umaga, pagkatapos kong kumuha ng kahoy," dagdag pa niya.
Nagkatinginan ulit kami ni Andrei. At sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako.
Tinapos na ni Detective Dan ang interrogation. Wala din naman kaming nakitang ibang gamit doon kundi 'yon lang binigay sa amin ni Richard.
"Bisitahin ko lang si Mama," sabi ko dahil kinakabahan talaga ako.
"Sige, ikamusta mo nalang ako kay Tita," tugon niya at tinapik ako bago siya pumasok sa quarters namin.
Dumiretso naman ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa Sandlers Hospital. Naabutan ko pa ang ilang pasyente doon na nakatambay sa garden nila. Agad kong hinanap si Mama sa nurse niya.
"Hi, Nathan!" bati ni Sandlers sa akin.
Iba na ang suot niya ngayon. Naka-violet na dress na siya ngayon at nakalugay ang mahahabang buhok. Parang kanina lang pula ang kabuohan niya.
Sinuklian ko ang matatamis niyang ngiti. "Hi, Simone. How are you?"
"Nah, I'm fine. I know how to handle myself," sagot niya.
"I see, just be careful okay?" paalala ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"I'm visiting my mom," sagot ko.
"Can I come?"
Tinanguan ko lang siya at inaya na kaming dalawa ng nurse papunta sa room ni Mama. Hindi nila hinayaan na lumabas si Mama dahil nagsisigaw ito at parang balisa.
"Nasa loob po ang Papa niyo," tugon ng nurse at binuksan ang pintuan.
Lumuwag ang hininga ko ng makitang mahinahon lang si Mama habang nag-uusap sila ni Papa. Liningon kami ni Mama ng mapansin niya kami, ganun din si Papa.
Pero biglang natigil ang tingin ni Mama kay Simone na nasa tabi ko. Biglang sumigaw si Mama at tumakbo papalapit sa amin habang nanlilisik ang mga mata. Tinitigan lang siya ni Simone ng nakangiti. Hahablutin na sana ni Mama iyong buhok niya ng mapigilan siya ni Papa.
"Anak! Huwag kang lumalapit sa kanya! Mamamatay tao iyan! Papatayin ka niya anak! Papatayin ka niyan, maniwala ka sa'kin!" sigaw ni Mama habang nagpupumiglas.
Habang ako ay hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya, si Simone ay nakatayo parin na parang walang nangyari. Hanga ako dahil sa kabila ng biglaang pagsugod ni Mama sa kanya ay mahinahon pa rin siya. Tinurukan siya ng pampakalma ng nurse at maya-maya ay biglang nakatulog si Mama.
Pinalabas kami ng nurse. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tinignan ko si Simone na wala paring ekspresyon hanggang ngayon.
"Simone, are you okay?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang malamig niyang mga kamay.
She blinked twice na parang binabawi ang sarili mula sa pagkagulat. She slowly looked at me and she's in the verge of crying. I immediately hugged her and told her to calm down. Natakot siguro siya sa nasaksihan kanina, knowing her na madali siyang matakot. Ngayon niya lang siguro naramdaman ang takot na hindi niya maramdaman kanina dahil sa gulat sa biglaang pagsugod ni Mama sa kanya.
"Nathan, I'm sorry it happened to your Mom. Kung hindi lang sana ako pumasok, hindi mangyayari iyon," sabi niya sa gitna ng mga hikbi niya habang mas binabaon niya ang mukha niya sa dibdib ko.