Chapter 10

3006 Words
And for a moment, I felt happy. I think she found a sense of security while I'm embracing her in my arms. Para bang iniaasa niya ang buhay niya sa kamay ko. Exaggeration man pero I really feel it. "Wala kang kasalanan," I comforted. Hinahagod ko ang likod niya at pinapatahan siya. Sinalubong kami ng doktor dahilan para humiwalay sa yakap ko si Simone. "Are you okay, Miss Sandlers?" tanong ng doktor sa kanya. "Yeah, I'm fine. Don't worry about me, worry about his mom instead," turo niya sa akin. Tumingin naman sa akin ang babaeng doktor. "Right," she said. "Please, come to my office," sabi niya at naunang naglakad sa opisina niya. Tinignan ko si Simone at sumama naman siya sa akin. We followed the doctor and went inside her office. "Please have a sit," sabi niya at tinuro ang dalawang upuan sa harap ng table niya. Umupo kaming dalawa ni Sheena doon. Good thing she was able to hold Helleigna or Diana from overruling her. She's dominating them today. "We have a bad news for you, Mr. Morales," panimula ng doktor dahilan kung bakit naging kabado ako. "What is it, Doc?" kabadong tanong ko. I gulped and formed my hand into a fist. "Ang Mom mo kaninang umaga, lumabas ng hospital. Hindi siya napigilan ng mga nurses dahil huli na nung mapansin nila. And she came back on her own hours later na balisang-balisa at nanginginig. I'm sorry it happened to your Mom, Mr. Mendoza," sagot ng doktor. Hindi ako makapagsalita. Si mama. Nakalabas ng ospital at bumalik ng balisa. Ayokong isipin pero iyong statement ng witness kanina. "Nakasuot po siya ng parang hospital gown. Tapos mahaba po ang buhok niya pero may katandaan na po siya. Hindi ko pa masyadong nakita ng maayos ang mukha kasi tumatakbo po siya habang pabalik-balik ang tingin niya sa dinadaanan niya at sa pinanggalingan niya." Hindi. Hindi pwede. Hindi maaari. Baka hindi si Mama iyon. Baka ibang tao iyong nakita ng witness. Maraming ospital dito, baka iyong isa sa mga pasyente nila ay nakalabas din. Hindi si Mama iyong nakita ng witness. Hindi. "Bakit hindi naman siya natignan ng mga nurse kanina?" tanong ni Simone. "I'm sorry, Miss Sandlers. May nagwala ding pasyente kanina and all the nurses have to put up with him, he was out of control earlier kaya siya ang mas napagtuunan ng pansin. I'm very sorry," tugon ng doktor. "Wala po ba kayong ibang napansin sa Mama ko? Kanina kasi, nakita niya si Simone, and she told me that Simone will kill me. Anong nakita ng Mama ko nung makalabas siya?" Binuksan niya ang drawer niya at may kinuhang folder. Binasa niya iyon. "Nung makakalma siya, her nurse asked her what happened while she was outside and your mom said she witnessed a murder," sabi niya. Mas lalo lang akong sinampal ng katotohanan na si Mama nga iyong nakita ng witness. Iyong Mama kong takot na takot sa nakita at mas nagpa-trigger sa kanya. Naisip ko palang ang nakita ng Mama ko, nasasaktan ako para sa kanya. Hinawakan ni Simone ang kamay ko at pinakalma ako. "Baka alam mo ang kasong ito, Mr. Mendoza. And for the reason why she freaked out when she saw Miss Sandlers is out of the box. We still have to look at it, but for now, your mom will be under monitoring and will continue on taking her dosage." "Thank you, Doctor Annie," pagpapasalamat ni Simone sa kanya bago ito umalis. Naiwan kaming dalawa ni Simone sa opisina. Nanghihina ako. Wala akong lakas para tumayo. Hinawakan ni Simone ang mukha ko at pilit itong pinaharap sa kanya. I looked at her, she's also feeling the pain that I am feeling. She smiled and assured me that everything will be fine. "Everything will be fine. Your mom will be fine, I'll do anything para hindi na maulit iyon," pagpapagaan niya ng loob sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya. Tumayo siya at siya naman ngayon ang yumakap sa akin ng mahigpit. Naamoy ko ang pabango niya, it calmed me. Humiwalay siya at bahagyang yumuko para magkalebel na ang mukha naming dalawa. Nagtitigan lang kaming dalawa. Her face is calming, her voice, the smell of her perfume and her hug calmed me. I'm thankful she stayed. She came closer and I felt her soft lips on mine. I closed my eyes in response. It was just a soft kiss, she then let go. Nakita kong namula siya at umayos ng tayo. "I'm sorry, I-I just thought you need it," nahihiya niyang tugon at kinagat ang labi niya. Ang cute na tignan kapag namumula at nahihiya siya. Nawala saglit ang lahat ng dinaramdam ko. Tumayo ako at niyakap siya. "Thank you for staying, Simone," I told her and caressed her soft hair. She hugged me back and rested her chin on my shoulders. "That's all I can do for you, Nathan," sagot niya. It made my heart feel so at ease for a moment. Humiwalay ako sa yakap niya at tinignan siyang mabuti. Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan siya sa mata. I can't hold back any longer. I closed my eyes and pressed my lips against hers. Naramdaman kong bahagya siyang nabigla sa kilos ko pero sinuklian niya naman ang mga halik ko. I moved my mouth and she moved along with it. I can feel it, the burning sensation inside me. Mas lalo akong uminit ng maramdaman kong sinabit niya ang braso niya sa leeg ko. She opened her mouth, giving me permission to enter. I entered my tongue and explored every corner of her mouth. She's so sweet and her soft moans made it sweeter. Binalot ko ang braso ko sa beywang niya at mas inilapit ang katawan niya sa katawan ko. Pareho na kaming nag-iinit ang katawan ngayon. Nagpatuloy ang halik namin hanggang sa naubusan kami ng hininga. "You sure enjoyed the kiss, Detective," biglang pagbabago ng boses niya. Bigla akong napatingin kay Simone na nakangisi habang kinakagat ang labi. "I'm sorry, Helleigna," tanging tugon dahil nahihiya ako. This is Helleigna. "Nah, it's fine, Detective. You taste sweet," saad niya at kinagat ang pang-ibabang labi. She can be naughty too, huh? Mas lalong uminit ang katawan ko nang sinabi niya iyon. She sure loves to tease me. "I gotta go, Detective. I think you also need to go kasi may irereport ka pa?" sabi niya at tinali ang buhok niyang nakalugay. She looked at the dress with disgust, na para bang iyong dress ay hindi bumagay sa kanya. "Yeah, bye. I have to go. Thanks for accompanying me," paalam ko na hanggang ngayon ay hindi matanggal ang hiya ko. "Don't thank me, Detective. Thank Simone, " sagot niya at lumapit sa akin. Ginuhit niya ang daliri sa braso ko pababa at tinignan ako sa mata. "I enjoyed the kiss, Detective," panunukso niya at hinalikan ulit ako. Bumitaw siya sa halik at umalis nang tuluyan at iniwan akong nakatunganga sa opisina ng doktor. Napangiti ako at hinawakan ang labi ko. I can't believe I did that. I kissed her and we both enjoyed it. Pero nawala ang lahat ng iyon nang maalala ko si Mama. Kailangan kong bumalik sa quarters para sabihin kay Detective Dan ang nangyari sa Mama ko. Nakita kong papaalis ang pulang SUV ni Helleigna nang makalabas ako ng ospital. Dali-dali din akong sumakay sa kotse ko at nag-drive pabalik ng station. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin akong i-sink in ang mga nalaman ko. My mom has been through so much. The thing that drove her crazy mad, she witnessed it again today and  triggered her traumas. Mahihirapan silang pakalmahin si Mama, katulad noon. Matagal bago naging umayos ng kaunti ang kalagayan niya, ilang taon din kaming nagtiis at nasasaktan sa tuwing inaatake si Mama at binibisita ng traumas niya. Hanggang sa napagdesisyonan namin ni Papa na i-admit siya sa psychiatric hospital. Nakarating ako sa station na mabigat ang damdamin. Laging buntong-hininga ang nagagawa ko hanggang sa makapasok ako sa quarters namin. "Oh? Anong nangyari sa'yo?" bungad ni Andrei na may hawak na paper cup na may lamang kape. "May nangyari kay Mama," tanging sagot ko at hinilot ang sentido ko. "Bakit? Anong nangyari kay Tita?" I sighed. "Iyong nakita ng witness kanina, posibleng Mama ko 'yon," tanging sagot ko sa kanya. Muntik pa niyang mabuga ang iniinom niyang kape dahil sa gulat. Sino ba naman ang hindi magugulat kapag nalaman mong ang nanay mo ay nakalabas ng mental at nakita sa crime scene? "Paano mo naman nasabi?" tanong niya habang pinupunasan ang labi. "Sinabi sa akin ng doktor na nakalabas si Mama ng ospital kanina dahil iyong mga nurse may ibang pinagtuunan ng pansin. Nakalabas si Mama at sabi ng nurse nang makabalik si Mama sa ospital ay balisa ito at nanginginig sa takot kaya tinurukan nila ng pangpakalma, " paliwanag ko. Hindi agad siya nakapagsalita kagaya ko at pilit pa rin na pinoproseso ang mga pangyayari. "Tapos?" "Tapos ayun, nung kumalma siya tinanong siya ng nurse kung bakit siya ganun pagbalik niya. Sabi ni Mama may nakita siyang murder kaya siya nagkaganun," dagdag ko. I heard him heaved a heavy sigh. "Nakakaawa si Tita," sabi niya. "Anong gagawin mo? Sasabihin mo kay Detective Dan ang tungkol sa Mama mo?" tanong niya. Tumango lang ako dahil kailangan ang impormasyon na iyon para sa kasong ito, pero hindi pa makakausap ng maayos si Mama. Ayaw kong ma-trigger siya ulit. Sakto namang dumaan si Detective Dan kaya agad ko siyang tinawag. "Yes, Detective Morales?" tanong niya. Nag-aalangan pa akong lumapit sa kanya pero kailangan niyang malaman ito. "Detective, may sasabihin sana ako sa'yo tungkol sa kaso," panimula ko. "Sure. Sa office tayo, come," tugon niya at naunang maglakad papunta sa opisina niya. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod sa kanya. Pinaupo niya agad ako sa sofa pagkapasok namin sa opisina niya. "What is it about, Detective Morales?" "Detective, ang nakita ng witness kanina na tumatakbong naka-hospital gown ay posibleng ang Mama ko," sabi ko agad. Bahagya naman nagulat si Detective dahil dun. Alam niya din ang sitwasyon ng Mama ko kaya siguro hindi siya makapaniwala sa narinig. "How did you know?" tanong niya. Pumikit ako at naglabas ng buntong hininga. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko si Mama. Pinaliwanag ko kay Detective Dan ang nangyari kay Mama. Maging siya ay hindi makapaniwala sa nangyari. Natahimik nalang kaming dalawa pagkatapos. Matagal na ding kaibigan ni Detective Dan si Mama at Papa kaya nasasaktan talaga siya ngayon. Huminga siya ng malalim at tumikhim. Tumayo si Detective at kumuha ng tubig sa water dispenser at ininom iyon. "For now, let's add that sa mga ebidensya natin. And I will pray for your Mom," tugon niya. Pilit akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat bago siya umalis. Naiwan ako at tumunganga sa loob. Gusto ko ng tapusin ang kasong ito ng magkaalaman na. Nang matuldukan na itong lahat at matigil na. Marami na ang napipirwisyo dahil dito. Lumipas ang buong mag-hapon at nandito lang kami sa head quarters. Nire-review ng paulit-ulit ang mga kaso na hindi pa nalulutas, baka may mga anggulo kaming hindi nakikita. Pagkatapos nun ay tinawagan ko si Papa. Nagbabantay siya ngayon kay Mama. Buti at pinayagan din siya ng ospital, dahil kumakalma nga naman si Mama kapag nandoon ang Papa ko. "Papa, kumusta po si Mama?" tanong ko ng sinagot ni Papa ang tawag. Lumapit si Andrei sa akin at kunyare nakikinig sa usapan namin ni Papa. "Ayos naman na ang Mama mo. Heto, natutulog ng mahimbing," sagot niya. "Mabuti naman po." "Pasensya na pala doon sa kasama mong babae kanina, sinugod pa ng Mama mo. Iyon ba iyong nobya mo, hijo?" inosenteng tanong niya. Lumunok ako at inalala iyong nangyari sa aming dalawa kanina sa opisina ng doktor. "Hindi ko po iyon nobya. Kakilala ko lang po, siya po iyong may-ari ng ospital na iyan," tanging sagot ko. Pinandilatan naman ako ng mata ni Andrei at lumayo ng bahagya para tumawa. "Ganoon ba? Sabihin mo pasensya niya, pamilyar kasi sa akin ang batang iyon," tugon ni Papa. Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa nalaman niya o ano. At paano naman naging pamilyar sa kanya si Lorraine e, kanina niya palang nakita? "Sige po, Papa. Mag-iingat po kayo diyan," tugon ko at pinatay ang tawag pagkatapos magpaalam ni Papa. Tiningnan ko ng masama si Andrei na ngayon ay kunyare may sinusulat sa papel niya, wala namang tinta iyong ballpen na gamit niya. Parang tanga din 'to minsan. "Ikaw ah, sinasabi ko talaga sa'yo," banta ko. "Oh? Ano namang kasalanan ko sa'yo?" natatawang tanong niya. "Sinasabi ko talaga, Andrei," tanging sagot ko sa kanya kaya naman natawa pa siya lalo. "Detective Mendoza, come to my office. And you also, Detective Morales," tugon ni Detective Dan nang dumaan siya sa opisina namin. Nagkatinginan pa muna kami ni Andrei bago sumunod kay Detective Dan. Umupo agad kami nang makapasok sa opisina niya. "We received a report na nakalabas na ang bumaril kay Miss Sandlers. He bailed," sabi ni Detective Dan nang makapasok kami.  Bumuntong-hininga nalang ako dahil wala naman na akong magagawa. Ligtas naman na si Helleigna kaya ayos lang sa akin. Pagkakamali din naman ang lahat. pero hindi niya sana ginawa iyon. Ang manghinala at binaril niya pa talaga.  "And about the case, the Chief of Police actually wants to give it a rest," dagdag niya na nagpagulat sa aming dalawa ni Andrei.  "Bakit naman po?" tanong ko. "Kasi matagal na daw ito pero hindi pa rin nalulutas. And this is not just affecting our performance, pero pati siya ay naapektuhan. Nawawalan na ng tiwala sa atin at sa kanya ang mga tao," paliwanag niya.  Hindi kami nagsalita at binalot ng katahimikan ang opisina ni Detective Dan ng ilang minuto. "Parang noong isang araw lang nandito siya para puriin tayo," maktol ni Andrei.  Ngumiti sa kanya si Detective Dan at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga Andrei, hindi ka pa din nagbabago," tugon ni Detective kaya napangiti ako. Mas lalo namang sumimangot si Andrei na parang bata. "Eh para saan pa at pinuri niya tayo kung ipapahinto niya naman pala? Ano? Hahayaan anmin silang mamatay nang hindi nakukuha ang hustisya na dapat nilang makuha?" dagdag niya.  "Alam ko, kaya I asked him to give us a chance," sabi niya kaya naman nawala ang inis namin. "I asked him to give us a chance, to bring justice to the victims, to find the suspect and solve this case. I have trust in you both, and I have a deep trust in our team." Hindi kami nagsalita at nakinig lang sa sinasabi niya. Alam ko naman na ito talaga ang gagawin ni Detective Dan. Malaki ang tiwala niya sa amin and he has a strong sense of justice, so I know he will never let go of this case that easy. Lalo na ngayon na kahit papaano ay may nakukuha naman kami. "Malayo na ang narating natin kaya hindi natin ito pwedeng ihinto o ibigay sa iba. Kaya natin ito. Alam kong nararamdaman niyo rin na malapit na nating makamit ang hustisya para sa kanila," sambit niya at tinapik ang balikat namin. "Yes, Detective. We will never fail you and we will bring justice with our own hands," tugon pa ni Andrei at tumayo.  Tumayo din ako at sabay kaming dalawa na sumaludo sa kanya at ganoon din siya sa amin. Ngumiti siya pagkatapos at tinapit ulit ang mga balikat namin. "I know you, we, can do this. You may go," sabi niya kaya lumabas kami ng opsina ng may ngiti sa mga labi dahil sa sinabi ni Detective Dan, and we appreciate the gesture.  Bumalik kami sa opisina namin at naghihintay nalang kami na matapos ang oras para makauwi na. Iyong iba ay umuwi na habang may nagpapa-iwan naman hanggang gabi. Kaming dalawa ni Andrei ay uuwi na mamayang alas-cinco. "Dadalawa ka ba kay Tita pagkatapos neto?" tanong niya habang nag-aayos ng gamit. "Oo, sasama ka?" tanong ko. "Yes naman, kukumustahin ko lagay ni Tita. Matagal na din akong hindi nakakadalaw," tugon niya. "Sige, pero daan muna tayong market para magdala ng prutas at makakain ni Papa doon," tugon ko. "Makikisakay ako ah, inutusan ko kasi si Peter na iuwi muna ang kotse, wala ng gaas eh, bukas na ako magpapagas," tugon niya at ngumiti. "May palihim ka bang binubuhay na pamilya? May pera ka naman pang-gas bakit hindi mo gamitin?" "Binigyan ko nga ng pera si Peter pang-gas, ewan ko kung nagpa-gas siya," sagot niya sa akin. "Inaasa mo naman sa pinsan mong si Peter, eh alam mo naman iyon, may pagka-abno tulad mo. Hindi nagpapa-gas kahit may pang-gas naman," sabi ko sa kanya. Inayos ko ang gamit ko at handa nang umalis. "Sorry na, Tay. Kalma, ako lang 'to," biro niya kaya napailing akong lumabas. Kahit kailan talaga. Pinapa-andar ko ang kotse nang biglang kumatok si Detective Dan sa bintana. "Bakit po?" tanong ko pagkababa ko sa bintana. "Kumusta na pala ang Mama mo?" tanong niya. "Ayos naman po. Nagpapahinga na," sagot ko. "She will be under interrogation tomorrow," sabi niya. Hindi ako nagsalita at natahimik nalang. Nakita ko ring papalapit si Andrei dito. Hinayaan ko siyang pumasok sa loob ng kotse at nakinig sa usapan namin ni Detective Dan. "I know everything is hard for you right now, Nathan. I am just concern for you, for the both of you," sabi niya at tumingin din kay Andrei. "I am concern to you, not as your senior, but as your Uncle," tugon niya. I can feel the sincerity in his words and I can feel it. "Thank you, Uncle," tanging tugon ko at ngumiti. "Thank you, Uncle Dan. Una na po kami, bibisitahin pa namin si Tita sa ospital," paalam ni Andrei. Ngumiti naman si Detective Dan sa kanya. "Yes, I will visit her tomorrow," sagot niya at tinapik ang tuktok ng kotse kaya sinara ko na ang bintana. Somehow, Detective Dan's support and his sincere words calmed me. Huminga ako ng malalim at sinimulan ng mag-drive papunta sa market.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD