Chapter 11

3036 Words
Bumili kami ng mga prutas at mga biscuit na pwedeng kainin ni Papa doon. Baka hindi nya magustuhan ang mga pagkaing ibinibigay ng ospital sa kanya.  Pagkatapos ay dumiretso kaming ospital. "Nandito kaya si Sandlers?" tanong niya nang makalabas kami ng kotse. "Ngayon si Sandlers naman hinahanap mo," tugon ko sa kanya at naunang maglakad papunta sa loob. Dumiretso kami sa nurse's station upang magtanong.  "Si Mama?" tanong ko.  Naunang maglakad ang nurse tsaka kami sumunod sa kanya papunta sa kwarto ni Mama. Naabutan namin silang dalawa na nag-uusap habang may hawak na canvas si Mama. Iyon iyong painting na nakasabit sa kwarto nilang dalawa ni Papa. Dinala pala niya dito, kahit papaano ay ngumingiti naman si Mama.  "Hello po, Tita," bati ni Andrei nang makalapit. Ni hindi ko napansin na nandoon na pala siya. Huminto si Mama sa ginagawa at tinitigan si Andrei habang nakakunot ang noo, inaalala kung sino ang taong nasa harap niya. Kinabahan ako dahil baka hindi niya biglang makilala si Andrei at magwala si Mama dito.  "Andrei, hijo. Maayos lang ako, kumusta ka na?" tanong ni Mama nang may ngiti sa labi habang hinahaplos ang mukha ni Andrei. Huminga ako ng maluwag at nawala ang kaba ko.  "Ayos lang din po, Tita," sagot niya habang ako naman ay umupo sa tabi niya. Dumako ang tingin ni Mama sa akin at ngumiti. Umayos siya ng upo at inabot ang mukha ko. Wala siyang sinabi at tiningnan lang ang mukha ko, tila sinasaulo ang bawat anggulo nito. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahaplos sa mukha ko.  "Kumusta ka po, Papa?" tanong ko kay Papa na nakamasid lang.  "Ayos lang, anak," sagot niya at tumayo para ilabas ang dala namin.  "Ano po ng sabi ng doktor?" tanong ko nang makalapit kay Papa. Hinayaan ko munang mag-usap si Andrei at si Mama. "Maayos na ang lagay ng Mama mo. Hindi na din siya nagwawala, lagi na siyang kalmado kaya naman ay baka mamayang gabi ay uuwi na ako sa atin," sagot niya.  Kita ko ang pagod sa mga mata ng Papa ko kaya hindi ko napigilan na yakapin siya. Nagulat siya sa ginawa pero sa huli ay sinuklian niya din ito ng yakap. "Pasensya na po, Papa. Pagkatapos po ng lahat ng ito, babawi po ako kay Mama at sa inyo po," tugon ko habang nakayakap.  Tinapik niya ang likod ko at humiwalay sa akin. Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan ng maigi. Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Ayos lang, mas kailangan ka ng mga tao ngayon," tanging tugon niya at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Mama.  Tumabi din ako kay Andrei at nakinig sa mga kwento nila. "Hindi mo ba sasabihin sa Papa mo na pupunta dito si Detective Dan para sa interrogation ni Tita?" bulong ni Andrei sa akin. Nag-alangan pa ako at tumingin kay Mama, maayos naman daw ang kalagayan niya kaya siguro masasagot niya ang mga pulis bukas. Si Detective Dan naman ang kakausap sa kanya kaya siguro ayos lang. "Ah Mama," panimula ko para makuha ang atensyon niya. "Pupunta po si Detective Dan bukas dito para po bisitahin kayo tsaka may itatanong din po siya sa inyo," tugon ko. "Si Dan? Matagal ko ng hindi nakikita iyon. Mabuti naman naisipan niyang dumalaw sa akin," sabi ni Mama na tila natutuwa sa binalita ko sa kanya. "Masyado po kasing busy sa trabaho kaya hindi po nakakadalaw sa inyo dito," tugon ni Andrei.  Nag-stay kami doon ng ilang oras, isasama ko na si Papa sa pag-uwi namin. Hindi naman umangal si Mama nang sabihin ni Papa na uuwi na siya. Naiintidihan naman ni Mama iyon.  Nung gumabi na ay nagpaalam na kami kay Mama, hindi na kami pwedeng magtagal pa dito dahil lampas na lami sa visiting hours. Pinatulog muna namin siya bago umalis.  "Tito, makikisabay ako sa inyo ah. Ayos lang po ba?" tanong ni Andrei nung makalabas kami ng ospital. Tinawanan lang siya ni Papa, " Ano ka ba Andrei, hindi mo na kailangang humingi ng permiso," sagot niya at naunang sumakay sa passenger seat.  Hinatid ko muna si Andrei tsaka kami umuwi ni Papa. Dumiretso siya sa kwarto nila Mama, habang ako naman ay sa kwarto ko. Humiga muna ako pumikit para ipagpahinga ang utak at mata ko, Hanggang sa hindi ko namalayan ang antok at tuluyan na akong natulog.  Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil naamoy ko ang luto ni Papa. Na-miss ko din na magising sa amoy ng niluluto niya. Minsan kasi hindi talaga ako nagigising dahil sa pagod o kaya minsan ay nauuna akong magising sa kanya para pumasok sa trabaho ng maaga.  "Good morning po, Papa," bati ko nang makalabas ako ng kwarto. Tapos na din akong maligo at handa na akong pumasok. "Buti naman at gising ka na. Nagluto ako ng sinangag," sabi niya at nilagyan ang plato ko. Sinimulan ko ng kumain pero hindi siya umupo sa tapat ko.  "Hindi ka po kakain?" tanong ko sa kanya.  "Tapos na akong kumain," sagot niya at naghugas ng kamay at tinanggal ang apron. "Mauuna na akong umalis, bubuksan ko pa ang restaurant," sabi niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag-kain.  "Ikaw na bahala diyan ha, huwag mo ng hugasan iyang plato mo. Ako na maghuhugas pagkauwi ko," tugon niya tsaka tuluyang umalis. Tinapos ko na din ang pagkain ko tsaka hinugasan ang pinagkainan ko. Alangan namang paghuhugasin ko pa si Papa pagka-uwi niya eh, pagod na iyon. Pagkatapos mag-tooth brush at mag-ayos ng sarili ay umalis na ako papuntang trabaho. Maaga pa kaya wala pa si Andrei pagdating ko. Umupo na muna ako doon at nagpalipas ng oras, unti-unti ding dumating ang ibang kasamahan namin. Hindi ako nakapag-kape sa bahay kaya lumabas ako para bumili ng kape sa vending machine.  Naalala ko naman si Michael, siguro nagluluksa pa iyon sa burol ng nobya niya. Nasa bahay niya ginanap ang burol. Pupunta nalang kami ni Andrei mamaya para makiramay. Umiinom ako ng kape ng kape nang may humintong itim na Convertible BMW sa tapat ng station. Lumabas ang driver ng kotse na naka-cap. Muntik ko ng maibuga ang kape ko nang makita kung sino iyon nang tinanggal niya ang cap niya.  Si Lorraine, naka-itim na pants at naka-t-shirt at naka-sapatos. Ibang-iba sa mga nakasanayan kong suot niya. Para din siyang lalaki kung maglakad nang pumasok siya sa headquarters. Hindi niya ako napansin noong una, huminto siya a tapat at tumingala sa lugar.  "Bro!" biglang tawag ni Andrei sa akin, pati siya ay napalingon sa pinanggalingan ng boses, sa laki ba naman ng boses ni Andrei nang tawagin ako.  Lumapit siya sa akin at nahagip ng mata niya si Lorraine, kung sino man siya ngayon. Hindi siya si Diana, si Simone, lalong-lalo na hindi siya si Helleigna. Tumingin si Andrei sa kanya at sinuri ang kabuohan nito mula ulo hanggang paa. Nagtataka pa siyang tumingin sa akin, I just shrugged. Hindi ko din alam ang nangyayari. Sinuri din kami ng mga mata ni Lorraine, hanggang sa lumapit siya sa amin. "Is Detective Dan here?" tanong niya. Pareho kaming nagulat nung marinig ang boses niya dahil, brusko ito, pero boses pa rin ni Helleigna ang nangingibabaw.  "Yes, nasa opisina niya," sagot ni Andrei.  Umalis bigla si Lorraine, at bumalik sa BMW niya. Binuksan niya ang passenger seat at may kinuhang folder mula sa loob. Bumalik siya sa at tuluyang pumasok sa headquarters ng hindi kami pinapansin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Andrei, parehas kaming naguguluhan. "Isa ba iyon sa alter ego niya?" tanong niya. "Siguro," sagot ko habang nakatingin sa sasakyan niya. Hindi ito ang madalas na gamitin niya, palaging iyong pulang SUV ang nakikita ko.  Hindi na namin iyon pinansin at pumasok na sa loob, si Detective Dan naman ang hanap niya. Baka may personal business siya kay Detective.  Umupo lang kami sa opisina at binabasa ang mga files na nakapatong doon sa malaking mesa namin. Mga kaso ito, mostly murder, baka may makuha kaming hint o kung anuman dito. Habang nagbabasa kami ay napansin kong dumaan si Lorraine, makakadaan kasi sa opisina namin kung pupunta ka sa opisina ni Detective Dan. Diretso lang siyang maglakad, hinayaan ko nalang siya dahil mukhang hindi niya naman kami nakikilala o hindi lang talaga siya interesado. Lalaki ba ang isa sa mga alter ego niya?  Maya-maya pa ay sumunod din sa Detective Dan at huminto sa opisina. "Detective Morales and Mendoza. Come with me," sabi nya at naunang maglakad. Agad kaming sumunod sa kanya sa labas. "Pupunta tayo ngayon sa mental hospital para bisitahin ang Mama mo," sabi niya. Sumunod kami sa kanya sa labas, wala na din iyong BMW, siguro ay umuwi na siya. Kotse ni Detective Dan ang gamit namin papuntang ospital. Tinanong niya pa ako kung anong pwedeng dalhin para kay Mama, sabi ko nalang huwag na siyang mag-abala. Marami ang nabili naming prutas at pagkain kahapon.  Tahimik naming binaybay ang daan patungo sa ospital. Kinakabahan ako sa maaaring kalalabasan nito. Baka magwala ulit si Mama kapag naalala niya ang nakita niya noong isang araw.  Nakarating na kami doon at ako naman ay kabadong-kabado paglabas ng kotse. Sinalubong kami ng isang nurse, pinakita ni Detective ang ID niya, tsaka kami pumasok sa loob.  "Kumusta ang Mama ko?" tanong ko sa nurse habang papunta kami sa kwarto ni Mama. "Maayos po, nakapag-almusal na din po siya," sagot niya at binuksan ang pintuan ng kwarto ni Mama.  Nakaupo si Mama sa kama niya at may binabasang libro.  "May bisita po kayo," sabi ng nurse kay Mama. Dumako ang tingin ni Mama sa amin at ngumiti nang makita si Detective Dan. Lumapit si Detective sa kanya at yinakap.  Umupo si Detective pagkatapos. "Kumusta ka na, Dan?" nakangiting tanong ni Mama. Medyo matagal din silang hindi nagkita.  "Ayos lang. Ikaw, kumusta ka dito, Marissa?" tanong niya.  "Ayos naman, mabuti naman bumisita ka na sa akin." "Pasensya na ngayon lang, busy kasi sa trabaho," sagot ni Detectiive. Pinanood lang namin silang mag-usap.  "Salamat sa pagbabantay mo sa dalawang iyan," sabi ni Mama at tumingin sa gawi namin. Nilingon din kami ni Detective at ngumiti sa amin. Ganoon din kami sa kanila.  "Oo naman. Parang mga anak ko din ang dalawang iyan," sagot ni Detective at nagtawanan sila. Wala nga palang sariling pamilya si Detective, mag-isa lang siyang nakatira sa malaking bahay niya. Pero doon nagpapasko ang mga pamilya namin ni Andrei.  "May itatanong pala ako sa'yo Marissa. Okay lang?" tanong ni Detective na nagpabalik ng kaba ko.  "Sige, ano iyon?" inosenteng tanong ni Mama.  Naglabas ng notebook at ballpen si Detective, to take down notes. He is Detective Dan right now, not Uncle Dan. Seryoso sa trabaho. "Noong araw na lumabas ka dito, anong nakita mo?" tanong niya agad. Huminto si Mama at nawala ang ngiti sa labi. Hinawaka niya ang ulo niya at inaalala ang mga pangyayari noong araw na iyon.  "May...may nakita akong babae, kamukha niya si Martha," sabi ni Mama. Martha? Sinong Martha ang sinasabi ni Mama? "Martha? Patay na si Martha, Marissa," sagot ni Detective Dan na naguguluhan na rin. "Hindi! Buhay si Martha! Nakita ko siya! Kaya natakot ako at tumakbo!" sigaw ni Mama, biglang pumasok ang dalawang nurse at si Doc Annie. "Marissa, patay na si Martha. 15 yeas ago pa."  Hindi sumagot si Mama at umiiling lang habang hawak ang ulo na parang balisa. Maya-maya ay bigla siyang nagwala at nagsisigaw. Tumayo si Detective at lumayo. Lumapit ang doktor kay Mama habang hinahawakan siya sa magkabilang braso ng dalawang nurse. Tinurukan ni Doc Annie si Mama at unti-unti itong kumalma at pumikit.  "I am sorry, Mr. Mendoza at to you Detective," paumanhin ng doktor sa amin.  Hindi ako nagsalita, at lumabas na muna kaming tatlo at umupo sa bench ng lobby. Walang nagsalita sa amin.  "I'm sorry this happened to your Mom, Nathan," sabi ni Detective para basagin ang katahimikan.  Ngumiti ako sa kanya. "Ayos lang po, hindi niyo naman po kasalanan," tanging sagot ko. Lumabas nag doktor at lumapit sa amin. "She's stable now, but much beter if hindi niya muna alalahanin ang nakita niya noon. It triggers her memory kaya siya nagwawala," sabi niya and gave us an apologetic smile.  "Okay, Doc," sagot ni Detective. Umalis na kami doon, pero naguguluhan parin ako kung sino si Martha at bakit alam niyang matagal na itong patay. Wala akong kilalang Martha. Bakit naman nakita ni Mama si Martha kung matagal na pala itong patay? "May kilala kang Martha?" biglang bulong sa akin ni Andrei habang nakasunod kami sa likod ni Detective Dan. "Wala akong maalalang may kakilala akong Martha," sagot ko. "Ako din," bulong niya ulit. Nang makalabas kami ay nakasalubong namin si Lorraine. Nakasuot siya itim na dress na hanggang binti niya at itim na heels. May malaki ring itim na ribbon ang buhok niya.  "Good day, Detectives," bati niya in her usual cold tone nang magkatapat kami. She is Helleigna right now. Tiningnan niya kami isa-isa hanggang sa dumako ang tingin niya sa akin. Mabilis lang iyon at binalik niya ang tingin niya kay Detective Dan. "Joshua told us na kinausap ka niya kanina?" paninigurado niya kay Detective Dan. "Yes, we talked," tanging sagot ni Detective. Joshua? Nagkatinginan kami ni Andrei at mukhang gets niya na kung sino si Joshua. Siya iyong alter ego ni Lorraine na lalaki. Siya iyong kumausap kay Detective Dan kanina.  Makahulugang ngumiti si Helleigna kay Detective Dan at tumingin sa akin.  "Well, good luck on that Detective," sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin.  I don't know what to do. Kumunot ang noo ko sa kanya saka niya kami nilampasan at pumasok sa ospital. Nagpatuloy sa paglalakad si Detective Dan habang ako ay naguguluhan pa rin. Ano kaya ang sinabi ni Joshua kay Detective Dan kanina? Pumasok kami sa kotse at tahimik pa rin hanggang sa makarating kami sa head quarter. Nagtataka din ako kay Andrei dahil tahimik siya ngayon.  "Bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya pagkapasok namin sa opisina namin. "Ano kaya ang sinabi nung Joshua kay Detective Dan?" tanong niya habang nakatingin sa kawalan.  "Bakit hindi mo tanungin si Detective Dan? Uncle mo naman iyon," tugon ko sa kanya.  Bigla naman siyang umangal sa akin. "Anong ako? Bakit ako? Uncle mo din naman iyon ah," sabi niya. Umiling nalang ako at tumawa.  "Alam mo ba address ni Michael," tanong ko sa kanya. Binaba niya ang binabasa at nagtitipa sa computer niya.  "Hoy!" "Teka, tatanungin ko. Hindi ko nakuha nung isang araw na nagkausa kami,' sabi niya. Nakinood ako sa ginagawa niya. Hinanap niya ang f*******: ni Michael at nag-chat. Mabuti nalang at online. Tinanong niya kung saan nakaburol si Cielo para makiramay kami. "Sa Polo Subdivision, sa bahay niya," sagot niya. "Punta tayo mamaya para makiramay," tugon ko. Tumango naman siya at naglista ng mga dadalhin niya mamaya sa burol.  Lumapit ako sa mesa na may tambak ng folders. Ni-request namin ito para kung sakali ay may makuha kami. Kumuha ako ng folder at binasa iyon. Murder na nangyari 3 years ago, case closed na din. Wala naman akong nakuhang importante. Kumuha ulit ako ng bago, kinuha ko iyong nasa pinakailalim. Case closed na din 15 years ago. Murder. Binasa ko ang bawat pahina hanggang sa  may nahagip ang mata ko. Victim: Martha Sandlers Age: 32 years old Cause of death: Multiple stab wounds in the back that directly hit the organs. Major head trauma (open wound in the head and internal bleeding). Other note: Her long hair was cut short. Evidences: Scissors, Necklace, Earrings Napahinto ako bigla at naalala ang sinabi ni Mama kanina. Ito ba ang sinasabi nilang Martha? Na namatay na 15 years ago? Mas lalo akong naguluhan ng napagtanto kong Sandlers ang apelyido nito. At iisa lang ang Sandlers na kilala ko. Si Lorraine.  "Hoy! Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka," biglang sabi ni Andrei. Ni hindi ko narinig ang pagtawag niya sa akin. "Ano ba kasi ang binabasa mo?" tanong niya at kinuha ang folder sa kamay ko. Binasa niya iyon at biglang huminto at tumingin sa akin. "What is the meaning of this?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Binuklat niya pa ang pages at pinakita sa akin. May picture ito ng biktima. Kalunos-lunos ang hitsura niya. Puno ng duugo ang ulo at ang buong katawan, mahirap itong kilalanin dahil sa dami ng dugo.  "Ito ba ang Martha na sinasabi nila?" tanong niya ulit pero wala akong masagot dahil pati ako ay naguguluhan din. Tanging si Detective Dan lang ang makakasagot nito. "Pero pareho ito sa method ng pagpatay sa mga biktima ng serial murder ngayon," tugon niya. This time, I looked at him. Pareho kaming naguguluhan ngayon. Nangyari itong kay Martha 15 years ago, case closed dahil wala silang makuhang sapat na impormasyon at ebidensya para makapagturo sa suspek. And the same method is used today, ibig sabihin nito ay maaaring buhay pa ang pumatay kay Martha Sandlers, na maaaring Mama ni Lorraine. Maaaring ang suspek nito ay siya ring suspek na hinahanap namin ngayon.  Bumalik siya para maghasik ng lagim at ipagpatuloy ang ginawa niya noon kay Martha Sandlers? "Let's ask Detective Dan," tugon ko at naunang lumabas papunta sa opisina ni Detective Dan. Sumunod si Andrei sa akin dala ang folder. I need answers. Bakit kilala nila ni si Martha Sandlers o kung ito ba na Martha ang tinutukoy nila. Ano ang kinalaman nila sa kanya at kung siya din ba ang Mama ni Lorraine.  Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa opisina ni Detective. Naabutan namin siyang may binabasang folder na agad niyang sinara at tinago sa drawer niya nang makita kami. Tumayo siya at sinalubong kami.  "Anong kailangan niyo?" tanong niya. "Eto po Detective," sabi ni Andrei at inabot kay Detective Dan ang folder.  Kinuha niya ito at binasa. Kita ko ang gulat sa mga mata niya nang mabasa ang folder. Tumingin siya sa amin ni Andrei nang pabalik-balik. Mas lalong dumagdag sa isipin ko kung bakit ganoon nalang nag reaksyon niya. Parang hindi siya makapaniwala. "Can you explain to that to us, Detective Dan?" tanong ko. Tumingin lang siya sa akin at sinara ang folder. Nilagay niya ito sa mesa niya at bumuntong-hininga. "You do not need to know about this. Trust me," tanging tugon niya na nagpakaba sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD