Chapter 12

3056 Words
“Trust me, you don’t want to know about it,” sagot niya sa amin. “Why, Detective?” tanong ko. Bumuntong-hininga siya at umupo. Humalukipkip siya doon at tumahimik. Nagtinginan kami ni Andrei, naguguluhan kung bakit ayaw niya sabihin sa amin ang kasong  ito. “Martha’s case is a very hard case,” panimula niya. Nakatayo lang kami at nakinig sa kung anuman ang sasabihin niya tungkol sa kaso. “Detective Mariano led the investigation, while I was his assistant,” tugon niya. Kumunot ang noo ko sa narinig. Detective Mariano? Lagi ko siyang napapanood sa TV noon dahil sa mga parangal niya at sa mga malalaking kasong nalulutas niya. But what happened? “We did the investigation for one and a half year, but to no avail. Wala kaming nakuha kahit ano, kahit ebidensya, witness, tanging iyong mga gamit lang ni Martha ang meron kami,” sabi niya. Naghintay pa kami sa sasabihin niya pero hindi na siya nagsalita pa. “But I heard Detective Mariano was a great detective,” tugon ni Andrei upang basagin ang katahimikan na bumabalot sa opisina. “Yes, he was. He was a great detective, but this case was his downfall,” malungkot niyang tugon sa amin. Binuksan niya ang drawer sa mesa niya at may kinuhang newspaper, luma na ito base sa hitsura. Binigay niya ito sa amin. Binasa naming ang headline ng newspaper. “THE DOWNFALL OF THE GREAT DETECTIVE MARIANO” Binasa namin ang news na nakasulat sa baba. Hindi ako makapaniwala sa nabasa, nagkatinginan kami ni Andrei. It says that Detective Mariano killed himself, he shot his head the night the case was considered closed by the Chief of Police. But why would the great detective do that? To shoot his own head? “But why would he do this? Why did he kill his self?” naguguluhang tanong ko. “Iyan din ang ipinagtataka ko. As far as I know, Detective Mariano would never do it. He was just fine when the Chief of Police considered the case close after almost two years, even the Detective himself told the Chief that he will close this case,” paliwanag niya at hindi pa rin ako makapaniwala. This case is the same as ours. Same pattern and maybe the same suspect. The suspect before were never caught. “This is the same as our case, maybe the suspect is the same, too,” tugon ni Andrei. “That is what we are going to find out,” tanging sagot ni Detective Dan. Bumuntong-hininga lang kami at binalik sa kanya ang newspaper. Nagpaalam na kami sa kanya at umalis. Pupunta pa kami sa lamay ng girlfriend ni Michael. “Mas lalo tuloy bumagabag sa akin ang sinabi ni Detective Dan,” tugon niya habang palabas kami ng headquarters. “Huwag mo nalang isipin iyon, hindi din naman nila nalutas ang kaso,” sagot ko sa kanya. “Pero pareho iyon sa kaso natin.” “Oo nga pero at least may kaonti tayong lead tungkol sa suspect, iyong sa kanila ay mga gamit lang talaga ng biktima ang meron sila,” paliwanag ko at pumasok sa kotse. Sumunod naman siya sa akin at sumakay sa passenger seat. Tiningnan ko lang siya habang naglalagay siya ng seatbelt. “Ano?” inosenteng tanong niya sa akin pagkatapos. “Bakit nandito ka nanaman sa kotse ko?” inis na tanong ko sa kanya. “Iniwan ko kotse ko sa bahay,” tanging sagot niya. Umiling ako at hindi siya pinansin. Sinimulan ko nalang magmaneho. Dumaan muna kami ng dangwa para bumili ng bulaklak para sa lamay. Pagkatapos ay dumiretso kami sa address na binigay ni Michael sa kanya. Pagdating naming doon ay wala masyadong tao. Hindi gaanong kalaki ang bahay, pero hindi rin maliit. Sakto lang para sa isang tao na tumira doon. Pumasok kami agad, nakita namin si Michael, nakaupo sa harap ng kabaong ni Cielo, katabi nito ang ang malaking litrato niya na may malawak na ngiti. Lumapit kami sa kanya at tinapik ang balikat para maagaw ang pansin. Liningon niya kami at agad na tumayo. “Nakikiramay kami,bro,” tugon ko at niyakap siya at tinapik ang likod niya. “Salamat, bro,” sagot niya at bumitaw sa yakap namin. Sunod niyang niyakap si Andrei at nagpasalamat sa pakikiramay namin. Inabot namin sa kanya ang bulaklak na dala naming at nilagay niya ito sa ibabaw ng kabaong. Tumingin kami sa bangkay ni Cielo na parang mahimbing na natutulog. This time, mukhang may buhay na ang mukha niya dahil sa make-up. Hindi katulad noong nakita namin siya na kalunos-lunos at kaawa-awa ang sinapit niya. Pagkatapos ay umupo kaming tatlo. Tahimik lang kaming nakamasid. Sumisinghot si Michael sa sipon niya. Magang-maga na din ang mga mata niya. Bigla siyang nagsalita para basagin ang katahimikan. “Matagal na kami ni Cielo, dalawang taon ko siyang niligawan, tapos nagging kami ng mahigit apat na taon. Anniversary na sana naming sa susunod na buwan,” sabi nya at huminto para pigilan ang pagpatak ng luha. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Maagang naulila si Cielo, tumakas sa bahay-ampunan dahil binu-bully ng mga kasama niya. Natagpuan ko siya sa isang bar na nagtatrabaho bilang waitress. Maganda siya at napakabait. Kaya niligawan ko, mahal na mahal ko siya,” sabi niya at tuluyan ng bumuhos ang luha niya. Inalo siya ni Andrei at tinapik-tapik ang likod. Naaawa naman ako sa kanya pati ang mga taong nakikiramay, sa tingin ko ay walang tigil sa pag-iyak si Michael. “Noong-noong nakaraang nag-away kami ay hindi siya umuwi dito sa bahay pagkatapos ng trabaho niya. Sabi ko naman sa kanya huwag na siyang magtrabaho pero ayaw niya. Noong gabing iyon hindi siya umuwi, hindi ko siya ma-contact. Hinanap ko siya buong magdamag, pero pag-uwi ko wala hanggang sa lumipas ang dalawang araw at ito nga ang nabalitaan ko,” sabi niya at humagulhol ulit. Inalo namin siya tsaka may lumapit na binatang lalaki at nag-abot sa amin ng isang baso ng tubig at ipinainom iyon kay Michael. Hindi siya tumigil sa pag-iyak hanggang sa bigla siyang lumuhod sa harap naming. Nagulat kami sa ginawa niya at tumayo, kumapit siya sa binti namin ni Andrei. “Please! Please! Hanapin niyo ang suspect, bigyan niyo ang pagkamatay ni Cielo, maawa kayo,” pagmamakaawa niya sa amin. Nagtinginan kami ni Andrei at wala kaming magawa, naaawa kami sa kanya, sa kanila. Kami rin naman ay gusto ng matapos ito at mabigyan ng hustisya ang mga biktima at pamilya, pero wala pa kami doon. Sisikapin naming malutas ito sa lalong madaling panahon. Inalalayan namin siyang tumayo, tiningnan niya kami habang nagmamakaawa ang mga mata. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. “Gagawin namin ang lahat ng makakaya naming,” tanging sagot ko at tinapik siya sa balikat. Sinamahan naming siyang umiyak sa likod ng bahay niya, may garden siya doon na may pabilog na marble table at apat na upuan. Hinayaan naming siyang umiyak doon habang umiinom kami ng beer. Unti-unti naman na siyang kumakalma. Pinabantayan niya muna niya si Cielo sa binate kanina. Pinsan niya daw iyon. Tahimik lang kaming nakaupo doon, ninanamnam ang kadiliman ng kalangitan. “Ang layo ng narrating niyong dalawa,” biglang sabi niya at nilunok ang beer. Tumawa lang kami. “Dati tayo ang mga basag-ulo, pero ngayon kayo na ang nanghuhuli ng mga basag ulo,” natatawang dagdag niya. “Ikaw rin malayo na narrating mo, may sarili ka ng bahay at negosyo,” tugon ni Andrei. Ngumiti lang si Michael at umiling. “Lahat ng ito ay para sana kay Cielo, pero wala na,” sabi niya kaya natahimik kami ulit. “Gagawin namin ang lahat para makamit ang hustisya para kay Cielo,” tanging sabi ko sa kanya at inubos ang ikatlong bote ko ng beer. “Maraming salamat,” sagot niya. Tumambay pa kami ni Andrei doon. Tahimik lang kami habang umiinom ng pang-limang beer namin, si Michael ay bumalik sa loob para salubungin ang mga nakikiramay. “Let’s bring justice to them,” bulong ni Andrei at tinaas ang bote ng beer. “Yes, we will,” sagot ko at nag-cheers kami. Pagkatapos naming makaubos ng pitong bote ay napag-desisyonan na naming umuwi. Bumalik kami sa loob at hinanap si Michael. Naabutan namin silang nagkakagulo, agad kaming lumapit sa binata. “Anong nangyayari?” tanong ko. “May biglang sumaksak kay Kuya Michael ngayon lang, sa tagiliran nasaksak si kuya. Hinabol niya ang sumaksak sa kanya,” pagkasabi niya nun ay agad kaming tumakbo ni Andrei palabas. May mga patak ng dugo sa daan nang inilawan naming ito. Sinundan namin iyon hanggang sa makita namin si Michael na nakapatong sa isang lalaki. Mabilis kaming lumapit sa kanila at tinulungan siya upang hindi makatakas ang lalaki. “Hulihin niyo iyan, gago walang sinasanto,” tugon ni Michael at umalis sa pagkakadagan sa lalaki. Naka-hood ng itim ang lalaki at may itim na pants at itim na rubber shoes. Ang kutsilyong gamit niya panaksak kay Michael ay nasa ulohan niya. Hindi gaano kalaki ang katawan ng lalaki kaya hindi mahirap na posasan siya, buti nalang talaga nandito pa sa pants ko ang posas na lagi kong dala. Inalalayan ni Andrei si Michael para makatayo, hawak niya ang tagiliran niya na may saksak. Buti at nakatakbo pa siya sa lagay niya. Tinawagan ko agad ang headquarters at nagpadala ng pulis dito. “Bakit mo sinaksak si Michael,” tanong ko sa suspect na nakadapa sa semento. Hindi siya sumagot at nanatiling nakayuko. Madilim sa banda dito kaya hindi ko makita ang mukha niya. “Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong kaaway ko sa negosyo noong nakaraang buwan. Nanligaw din ‘yan kay Cielo dati,” tugon ni Michael habang iniinda ang sakit. “Dalhin mo muna iyan sa ospital,” tugon ko kay Andrei, narinig ko naman na ang tunog ng police car kaya pinauna ko na sila. Inalalayan niya si Michael papunta sa kotse ko hanggang sa makaalis sila. “Detective Nathan Mendoza,” biglang sabi ng lalaki. “Bakit mo ako kilala? Sino ka ba?” tanong ko pero tumawa lang siya ng malakas. “Huwag kang magpapa-kampante sa mga nakikilala mong tao, Detective. Hindi mo sila saulo,” sagot niya. Hindi ko alam ang sinasabi niya kaya naman hinayaan ko nalang damputin ng mga pulis nang makarating sila. Hindi ko naman talaga siya kilala noong nakita ko ang mukha niya. Nagpadampot lang siya at hindi na nagsalita pa. Pagkatapos nila ay nauna na akong umalis at nagpara ng taxi at dali-daling sumakay. “Saan kayo?” tanong ko kay Andrei pagkasagot niya ng tawag ko. “Sa Sandlers,” sagot niya kaya naman binaba ko na ang tawag. Hinanap ko agad sila pagkarating ko doon at nakita ko si Andrei sa waiting area. “Si Michael, kumusta?” tanong ko ng makalapit. “Ayun, inaasikaso ng mga doctor. Ang gago tumakbo pa eh, daming nawalang dugo,” tugon niya at hinilamos ang mukha. May bahid na din ng dugo ang barso at ang damit niya. "Dinala na iyong suspek sa presinto," tugon ko. "Mabuti." Naghintay lang kaming dalawa ng tahimik doon. Alas-nuebe na pala ng gabi nung tiningnan ko ang relo ko. "What happened to you, Andrei?" may biglang nagtanong. Nag-angat kami ng tingin at nakita si Lorraine na nakatayo sa harap naming dalawa. Bakas sa mukha niya ang pag-aaalala kay Andrei. Ngumiti lang si Andrei sa kanya. "I'm fine. Dinala lang namin dito ang kaibigan namin na nasaksak kanina," sagot niya. Tinakpan ni Simone ang bibig niya. Base sa suot niyang puting dress na hanggang tuhod, ang nakalugay niyang buhok at sa boses niyang malumanay, alam kong siya si Simone ngayon.  "How is he?" tanong pa niya. "Ewan, hindi pa lumalabas ang doktor, inaasikaso  pa nila siguro," sagot ni Andrei.  Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa. Dumako ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya. Mukhang napapadalas na ang pagpunta niya dito sa ospital niya.  "I have to go, kailangan ko na kasing umuwi," pagpapaalam niya. "Gabi na, okay lang sa'yo umuwi mag-isa?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ulit siya sa akin. "Yeah, I can manage. Wala naman na sigurong lasing na biglang hihinto sa harap ko at hingan ako ng 50 thousand dahil nasira ko ang trunk ng kotse nila," natatawang paliwanag niya. Ang tinutukoy niya ang iyong nangyari noong nakaraan, na may biglang huminto sa kanya na kotse at ang nagmamaneho ay mga lasing. Hiningan siya noon ng 50 thousand bilang bayad sa nasirang trunk, buti nalang naabutan namin.  "Sige, mag-iingat ka," tugon ni Andrei. Umalis na si Simone kaya naisipan kong ihatid siya kahit sa parking lot lang.  "Hatid na kita sa kotse mo," tugon ko nang makasabay ako sa paglalakad niya. She smiled at me and just walked ahead. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa SUV niya. "I can do this from here," tugon niya. "Okay, take care," sagot ko at hinintay siyang makasakay hanggang sa makaalis. Agad akong bumalik sa loob at naabutan kong kausap na ni Andrei ang doktor. "Stable na siya ngayon, marami lang nawala na dugo sa kanya. Wala ding natamaan na organs kaya he is fine. Makakalabas na siya after 2 days.  You can go to his room now," tugon ng doktor at naunang maglakad papunta sa kwarto ni Michael. Pinapasok niya kaming dalawa doon at iniwan kami. Si Michael naman ay tulog pa.  "Magpalit ka kaya muna," tugon ko kay Andrei.  Inaantok na ang mukha dahil may tama parin sa amin ang beer na ininom namin kanina.  "Ayos lang, uuwi din naman tayo," sagot niya sa akin at naupo sa sahig. Nakayuko lang siya doon. Naninibago ako sa ikinikilos niya o sadyang naghalo lang ang antok, ang kalasingan, pagod at pag-aalala niya para sa kaibigan. Tinabihan ko siya. "He's fine," I assured him. "I know," sagot niya at hindi na nagsalita pa. Malapit ng mag-alas-diyes. Dinadalaw na ako ng antok pero hindi kami uuwi hanggang hindi nagigising si Michael. Hindi namin siya iwan dito na mag-isa lang.  Nakayuko lang kami doon at umidlip ng biglang nagising si Michael. "Cielo!" sigaw niya kaya agad kaming lumapit. "Si Cielo, ang burol ni Cielo," sabi niya at kumapit sa braso ni Andrei. "Bro, binabantayan siya ng pinsan mo. Magpahinga ka muna," sagot ni Andrei sa kanya. Pinainom ko siya ng tubig para kumalma dahil mukhang nabigla siya. Kumalma siya ng kaonti pagkatapos at umayos sa pagkakahiga.  "Kailan ako makakalabas?" tanong niya. "After two days daw sabi ng doktor," sagot ni Andrei. "Kami na muna ng pinsan mo ang bahala sa burol habang nagpapahinga ka dito, kailangan mo rin ito dahil ilang araw ka yatang walang sapat na pahinga," dagdag ko. Tumango lang siya ng kaonti at pumikit. "Sa ngayon, uuwi na muna kami. Maaga pa kami bukas, dadaanan ka nalang namin ulit dito," sabi ni Andrei. "Sige, bro. Thank you," sagot niya. Tinapik namin ang balikat niya saka lumabas. Dumiretso kami ng uwi, hinatid ko na muna si Andrei sa bahay nila saka ako umuwi.  Nakauwi na din si Papa dahil nandito na ang kotse niya. Dumiretso ako sa kwarto at naligo ng mabilis dahil inaantok na talaga ako. Pagkatapos kong maligo at mag-toothbrush, nag-underwear nalang ako at natulog na.  Hindi na ako nag-almusal pa kinabukasan dahil late akong nagising. Dumiretso ako sa headquartes at bumili nalang ng kape sa vendo. Naabutan ko pa si Andrei doon na parang lantang gulay at humihikab pa. Mukhang pareho kaming kakagising lang din. "Aga natin ah," biro niya agad pagkakita sa akin. "Ikaw din ang aga ah, may muta pa oh," biro ko din. Agad niya namang nilinisan ang mata niya kahit wala naman talaga.  "Inaantok pa yata kayo," singit ni Detective Dan at bumili rin ng kape. Base sa hitsura niya, inaantok pa rin itong si Detective. Hindi pantay ang necktie at gusot pa ang suit niya.  "Mukhang ikaw din Detective, inaantok pa ah," biro ni Andrei. Siya lang naman ang nakakapagbiro kay Detective ng ganyan. Palibhasa'y kinokonsente lang ni Detective ang mga biro niya. "May tinapos lang ako kagabi," sagot ni Detective. "Iyong suspek pala na sumaksak sa kaibigan niyo, may dating kaso pala iyon, murder," dagdad niya. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig. Bakit niya naman gagawin iyon kay Michael? "Bakit niya daw po sinaksak ang kaibigan namin?" tanong ni Andrei. "Sinisisi niya ang kaibigan niyo sa pagkamatay nung Cielo, eh may gusto pala iyon sa dalaga," sagot niya. "Manliligaw daw dati iyon ni Cielo tsaka nakaaway din daw iyon ni Michael sa negosyo dati," tugon ko. "Iyang kaibigan niyong Michael, iyan ba iyong kasa-kasama niyo noong highschool?" tanong ni Detective. Naalala niya siguro si Michael, dahil lagi namin siyang dinadala sa tuwing tatambay kami sa bahay ni Detective Dan. Spoiled kami ni Detective Dan noon dahil wala nga siyang anak at pamilya. Kami ang itinuring niyang anak. Buti naman at naalala niya pa si Michael. "Opo, Detective," sagot ko.  "Buti naman at ligtas siya, nahuli pa niya ang nanaksak sa kanya." "Oo nga po. pero ang dami niya namang nasayang na dugo dahil nagtatakbo pa siya para hulihin iyong sumaksak sa kanya. Nandoon naman kami pero hindi kami tinawag," tugon ni Andrei at uminom ng kape. "Siguro nabigla siya kaya hindi na niya nagawang tawagin pa kayo," tugon ni Detective Dan. Pumasok kaming tatlo sa loob at nagpaalam kami kay Detective na aalis ng maaga dahil dadalaw pa kami kay Michael at saka magbabantay sa burol ni Cielo. Pangbawi na rin namin sa mga taong hindi namin nakita ang isa't-isa, para rin makapagpahinga si Michael. "Siya nga pala, bakit kilala kayo ng suspek ni Michael?" biglang tanong niya bago kami makapasok ni Andrei sa opisina namin. "Ano po ang ibig niyong sabihin," tanong ko. Tumingala siya at inalala ang posibleng sinabi nung suspek kagabi.  "Sabi niya mag-iingat daw kayong dalawa, hindi niyo raw kilala ang mga nakakasalamuha niyo," tugon niya. "Alam niya nga ang buong pangalan niyong dalawa kaya akala ko kilala niyo," dagdag pa niya. "Sinabi niya rin po sa akin iyan kagabi,Detective," sabi ko.  Napatingin naman sa akin si Andrei at nagtaka.  "Hindi po namin siya kilala kaya hindi ko na pinansin," sabi ko. "Oo, huwag niyo ng pansinin. Pumasok na kayo," sabi niya at tumalikod at dumiretso sa opisina niya. Kami naman ay tuluyan na ding pumasok.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD