Nandito kami ngayon sa tabi ng ilog dahil may tumawag sa amin na may nakita daw silang bangkay dito. Hindi namin alam kung sino ang tumawag at tinuro niya lang ang lugar. Malapit ito sa mental hospital. At ito ang pang-pitong biktima ng serial murder ngayon, ganoon pa rin, pareho sa mga naunang biktima. Pinutol ang mahabang buhok, may saksak na direktang tumatama sa organs ng mga biktima.
Tila kabisado ng suspek ang bawat parte ng katawan at lugar dito. Lagi niyang itinatago ang mga biktima niya sa mga liblib na lugar.
"Bakit naman hindi nakikita sa cctv cameras ang maaaring suspek nito?" tanong ni Andrei sa akin.
"Dahil maaaring kabisado ng suspek ang mga pasikot-sikot dito. Alam niya kung saan at walang nakalagay na cctv. Ni mga tago at liblib na lugar alam ng suspek," sagot ko.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
"Eto na ang mga gamit ng biktima at maaaring nung suspek," sabi ni Richard sabay abot sa amin ng dalawang zip lock bag.
Ang isa ay may gamit ng biktima. Ang bag, cellphone at wallet niya pati ang ID. Ang isa naman ay may lamang dextrose tube at pulang gunting na may patak pa ng dugo. Gagamitin namin ang dugong ito para sa DNA test, para malaman namin kung sa biktima ito o sa suspek.
Tinapos na namin ang imbestigasyon at bumalik sa headquarters.
"Anong walang witness?" salubong sa amin ni Detective Dan.
"Yes, Detective. We received an anonymous call, naka-voice changer pa," sabi ko at pumasok sa opisina.
"Did you record the call?" tanong niya.
"Yep, luckily we did," tugon ni Andrei at pinarinig kay Detective Dan ang record namin.
"Quezon City Police, what's your emergency?" tanong ni Andrei nung sinagot ang tawag.
"May bangkay dito ng babae sa tabi ng ilog malapit sa mental hospital," sagot nung caller na naka voice changer, malaki at malalim kasi ang boses nito.
Agad na binaba ang tawag kaya hindi na namin natanong ang pangalan niya.
"And what time did you receive this call?" tanong ni Detective pagkatapos makinig.
"9:13 am," sagot ni Andrei.
Bumuntong-hininga si Detective Dan.
"Hindi kaya ang suspek ang tumawag sa atin?" biglang tanong ni Andrei.
Tumingin kami sa kanya, may sense din naman siya. Pero umiling si Detective.
"Hindi, para niya lang hinulog ang sarili niya sa sarili niya ring patibong," tugon ni Detective.
Tumango lang kami.
"We will do our best to trace that call," tugon ni Detective at lumabas.
Bumuntong-hininga din kami ni Andrei. Para kaming pinaglalaruan ng suspek. Kami ang nahuhulog sa patibong niya.
"Sabi ng medical examiner kanina, mahigit limang oras pa daw simula nung namatay ang biktima," tugon ni Andrei.
"Maaaring iyong tumawag kanina ay ang suspek, o 'di kaya ang isang normal citizen na napadaan sa lugar at nakita ang bangkay," wala sa isip na tugon ko.
"Kung takot siya hindi siya gagamit ng voice changer bro," sagot ni Andrei.
Tama siya. Alam kong tama siya. Naguguluhan ako. Nararamadaman kong malapit lang ang suspek. Nararamdaman kong alam niya ang bawat galaw namin. Alam kong naririnig at nakikita niya kami. At marahil ay pinaglalaruan niya kami ngayon.
This is frustrating me. I am very frustrated right now.
"Hintayin nalang natin ang sasabihin ni Detective Dan," tugon niya at tinapik ang balikat ko.
Kinalma ko naman ang sarili ko at umupo. Hinilot ko ang sintido ko dahil sumasakit ang ulo ko sa kasong ito.
"Bro," tawag si akin ni Andrei.
Tiningnan ko siya at nginuso niya iyong pintoan. Nilingon ko at nginuso niya at nakita doon si Lorraine, nakatayo. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Inaya ko siya papuntang lobby malayo sa opisina dahil may maraming nanunuksong mga mata ang nakatingin.
"The medical director of my hospital organized a fund-raising event," sabi niya.
"Fund-raising?" tanong ko kay Helleigna.
"Yes, since my hospital is a public hospital, we need more funds to give our patients and workers the best care and facilities. So, we need more funds," tugon niya.
May kinuha siya sa handbag niyang dalawang ticket.
"I have two tickets. I am inviting you and Andrei. That would be tomorrow night at 8 pm. Wear your formal attire," tugon niya at nilahad sa akin ang tickets.
Tinanggap ko naman iyon at bigla siyang umalis. Very typical of her. Hinayaan ko nalang. Bumalik ako sa opisina at sinalubong ako ng mapanuksong ngiti at tingin ni Andrei.
"Ano sabi?" tanong niya nang maka-upo ako.
"May fund-raising ang hospital niya bukas ng gabi. Invited tayong dalawa," sagot ko at binigay sa kanya ang tickets.
"Naks! Big time ka na ah," biro niya na tinawanan ko lang.
Malapit na mag-lunch kaya napagdesisyonan naming umalis ng maaga para na rin mabisita namin si Michael.
"Magdala tayo ng prutas," tugon niya.
Sumakay kami sa kanya-kanya naming kotse, at dumiretso sa restaurant ni Papa. Kakain muna kami bago pumuntang hospital.
"Papa, hindi po kami magtatagal. May bibisitahin po kami sa ospital," tugon ko nung lumabas si Papa galing sa kusina.
"Sinong bibisatahin niyo?" tanong niya sabay hain sa mga pagkain namin.
"Iyong kaibigan po namin noong high school, si Michael po," sagot ni Andrei saka nilantakan ang pagkain niya.
"Michael? Iyong kasama niyo palagi noon?" tanong niya.
"Opo."
"Aba'y anong nangyari bakit nasa ospital?"
"Nasaksak po kagabi," sagot ko.
"Diyos ko. Bakit naman?"
"Away negosyo po," sagot ko at kumain.
Hindi naman na nagtanong pa si Papa.
"Iwan ko muna kayo ha," sabi niya at umalis.
Dali-dali naming inubos ang pagkain namin at pumuntang ospital. Dumaan muna kami sa palengke para bumili ng prutas.
Naabutan namin si Michael na kumakain ng lugaw pagkarating namin. Maayos na ang kalagayan niya ngayon dahil nakapag-pahinga siya ng maayos.
"Musta, bro?" tanong ni Andrei. Nilapag namin sa mesa niya ang dala naming prutas.
"Ayos na ako," sagot niya at ngumiti.
Nakita din namin siyang ngumiti, hindi iyong mugto ang mata at laging umiiyak.
"May dala kaming prutas para sa'yo," tugon ko at naupo sa paanan ng kama niya.
"Salamat," tanging sagot niya lang at inubos ang lugaw.
Uminom siya ng tubig at nagpabalat ng orange kay Andrei.
"Nakita ko si Cielo kagabi," biglang sabi niya habang nakatingala.
Napahinto naman sa pagbabalat si Andrei ng orange at tumingin sa akin.
"Nakita ko siyang nakangiti at napakaganda niya sa suot niya," pagpapatuloy niya.
Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya.
"Sabi niya masaya siya sa kung nasaan man siya ngayon. Huwag daw akong mag-alala dahil ligtas na siya, wala ng makakapanakit sa kanya," dagdag niya at nagsimulang umiyak.
Inalo siya ni Andrei at pinakain ng orange. Naaawa ako sa kalagayan niya. Parang buhay niya si Cielo. Mukhang matagal pa bago niya tuloyang matanggap na wala na ito.
Umiyak lang siya ng umiyak habang ngumunguya sa mga pinapakain ni Andrei sa kanya. Gusto kong matawa sa kanya pero nakakaawa ang mukha ni Michael.
"Siguro, matagal pa bago ko matanggap na wala na siya. Buhay ko si Cielo e," tugon niya at mas lalong umiyak.
"Hindi naman talaga iniwan ni Cielo. Nandiyan pa rin siya," tugon ni Andrei at tinuro ang dibdib ni Michael.
Ngumiti si Michael sa kanya at sa akin. Alam ni Andrei paano magpagaan ng loob. Kahit mga hindi niya kilala ay gumagaan ang loob kapag kasama o kausap siya.
"Alam ko. Hindi siya mawawala dito," sagot ni Michael at hinawaka ang dibdib niya.
Tiningnan ko ang oras at malapit nang mag-ala-una. Kailangan na naming bumalik ni Andrei. May trabaho pa kami.
"Una na kami, Bro. Kailangan na namin bumalik sa trabaho," tugon ko at tumayo.
Inaya ko na din si Andrei.
"Sige, salamat dito," sagot niya.
"Pagkatapos namin, pupunta kami sa burol mamaya para e-check. Tsaka iyong sumaksak sa'yo nakakulong na din," sabi ni Andrei.
Hindi na sumagot si Michael at tumango lang. Nakangiti siyang nagpaalam sa amin kaya umalis na din kami.
Pagkalabas namin ay dumiretso kami sa kanya-kanya naming kotse at bumalik sa headquarters. Pagkarating namin doon ay wala masyadong ginagawa. Wala din si Detective Dan sabi ni Marcus.
"Ano pala isusuot natin doon sa fund-raising event ni Sandlers? Formal ba?" tanong ni Andrei habang lumalaklak ng lollipop.
"Oo naman. Huwag natin ipahiya si Helleigna," sagot ko.
"Sus! Sa gwapo kong 'to? Ipapahiya si Sandlers? Baka siya pa ang mahiya sa kagwapuhan ko," tugon niya at nagpa-pogi pa. Natatawa akong umiling sa kanya maging si Richard na nakaupo sa harap namin.
"Saan pala nagpunta si Detective Dan?" tanong ko kay Richard.
"Hindi ko alam. Basta nakita ko siyang lumabas kanina pero hindi na bumalik," sagot niya.
Tumango lang ako sa kanya. "Iyong DNA nung dugo sa gunting kanina, wala pa ba?" dagdag ko.
"Wala pa daw. Bukas pa daw lalabas iyong resulta," sagot niya naman.
Hinayaan ko na siya sa ginagawa niya at hindi na nagsalita pa. Tumunog naman ang telepono sa harap ni Andrei. Agad niya itong sinagot.
"Quezon City Police, what's your emergency?" tanong niya.
Nakinig siyang maigi sa sinasabi ng tumawag habang kami naman ay nakatingin sa kanya at naghihintay.
"Okay, tell me the exact address and keep calm," tugon niya at nagsulat sa papel.
"Okay, we will be there. Stay there and keep calm," sabi niya at binaba ang tawag.
Tumayo siya at ganun din kami saka niya binasa ang sinulat niyang address.
"Broadway Condo, Unit 45, Second Floor," sabi niya at pagkatapos ay isa-isa kaming lumabas.
"It's a possible murder. Victim is female. Ayun sa nakakita sa kanya na nobyo niya, duguan na ito sa bath tub nila," pagpapatuloy niya habang tumatakbo kami palabas.
Agad kaming sumakay sa van at umalis. Pagdating namin doon ay pinakita namin ang ID namin sa guard at agad na dumulog sa maliit nilang reception desk.
"Hi," bati ko at pinakita ang ID ko ganoon din si Andrei.
"We are here for an investigation because someone reported to us na may patay sa unit niyo," mahinahon kong sabi sa kanila na ikinagulat nila.
"Now, I want you to be calm and do not let anyone from the second floor to get out. Got it?" dagdag ko.
Tumango naman sa akin ang babaeng receptionist na kausap ko.
"Good," sabi ko at umalis na at hinayaan siyang gawin ang trabaho niya.
Agad naman kaming umakyat sa second floor at hinanap ang unit 45, kung saan naroon ang biktima.
Nakarating kami doon at agad na pumasok dahil bukas naman ang pintoan. Bumungad sa amin ang lalaki, na maaaring nobyo ng biktima. Nakaupo ito sa sofa nila at nanginginig. Agad siyang tumayo nang makita kami.
"Officer please! Tulungan niyo ako, natatakot ako," salubong niya habang hawak sa balikat si Andrei.
"Yes. Just stay there, keep calm and tell me what happened later," sagot niya.
"Nasaan ang bangkay?" tanong ko.
Hindi siya nagsalita at dumiretso lang sa isang kwarto, ang kwarto siguro nila at binuksan ang banyo. Tumambad sa amin doon ang isang babae na nakaupo at naliligo sa sariling dugo. Nagsuot ako ng latex gloves at tiningnan ang pulso niya na wala na talaga.
Sinuri ko ang kabuohan ng banyo, walang nakakalat na gamit o ano. Maayos itong nakalagay sa kani-kanilang pinaglalagyan. Pagkatapos nilang magkuha ng litrato ay kinuha nila ang bangkay. Wala itong saplot sa katawan, siguro naliligo ito bago pinatay.
Pinatakpan ko agad ang katawan ng bangkay. Tiningnan ko ang binti niya. Wala. Wala itong marka. Ganoon pa rin ang buhok ng babae, mahaba pa rin. May mga saksak siya sa likod at may dugo ang ulo. Maaaring binagok siya sa pader bago pinagsasaksak ng patalikod.
Wala namang dugo sa pader, siguro nilinis ng suspek bago niya nilagay sa bathtub ang biktima. Nag-hanap ako ng posibleng pinang-saksak niya sa banyo pero wala.
Lumabas ako at pumunta sa kusina nia. Nandoon pa rin ang nobyo sa sala at balisa. Binabantayan siya ng dalawang pulis.
Naabutan ko naman si Andrei sa kusina.
"Malinis lahat, pati ito malinis," tugon niya at hinawakan ang mga kutsilyo.
"Ang banyo din ay nakaayos," sagot ko.
Tiningnan ko ang apron na nakasabit. Medyo basa ito nung hinawakan ko. Nung inamoy ko ay amoy fabric conditioner. Mukhang kalalaba lang at agad na sinabit dito. Tumutulo pa ang tubig sa sahig.
"Bro," tawag ni Andrei sa akin. Lumapit naman ako sa kanya.
Binigay niya sa akin ang magnifying glass na hawak niya.
"Tignan mo," sabi niya at tinuro ang bahagi ng lagayan ng mga kutsilyo.
Itinuon ko ang magnifying glass doon at may nakitang maliit na patak ng tuyong dugo. Pinakuha ko sa kanya ang pang-check ng finger prints. Nilagay namin iyon sa mga handles ng kutsilyo pero walang nakitang finger prints. Malinis nga.
Nagkatinginan kami. Bumalik kami sa sala at nandoon pa rin ang lalaki.
"Mauna na kayo sa presinto," tugon ko sa dalawang nagbabantay na pulis.
"Dalhin niyo ang witness natin, patapos na ang imbestigasyon. Kailangan lang naming magtanong sa guard at sa mga tenants dito," tugon ko.
Sumunod naman sila at hindi rin umalma ang lalaki. Tahimik siyang sumunod sa mga pulis. Sunod nilang nilabas ang bangkay. Selyado na rin ang lugar.
"Magtanong-tanong ka sa mga tenants kasama si Richard. Titignan ko ang CCTV nila at magtatanong na din si guard at sa reception," tugon ko at sinang-ayonan niya.
Tinawag ko si Marcus para samahan ako. Bumalik muna kami sa guard at nagtanong. Naglabas ako ng notebook.
"Excuse me po, pwede po ba kaming magtanong?" tanong ni Marcus sa guard.
"Sige po, ano po iyon?"
"Wala po ba kayong nakitang kakaiba kaninang umaga hanggang mag-ala-una ng hapon?" panimulang tanong ko.
Nag-isip naman siya.
"Wala naman po," sagot niya.
"Kilala niyo po ba ang nasa unit 45?" dagdag ko.
"Ay opo! Napakabait ng babaeng tenant. Binibigyan ako ng pagkain palagi," nakangiting tugon niya.
"Matagal na ba silang nakatira diyan ng boyfriend niya?"
"Boyfriend?" tanong ng guard.
Parang nagulat pa siya nang malamang may kasamang boyfriend na nakatira ang tenant dito. Nagkatinginan kami ni Marcus dahil doon.
"Opo, iyong kasamang lumabas ng mga pulis kanina," sagot ko.
"Ah! Si Henry!" sabi niya. "Nagulat nga rin ako dahil maayos na pala ang lagay niya. Maayos na siyang nakakausap," dagdag niya.
"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Marcus.
"Drug addict kasi iyang si Henry, pina-rehab iyan ni Sophia, iyong tenant sa unit 45. Pero hindi gumaling sa rehab, lumala pa nga pagkabalisa at pagkabaliw nun kaya pinalipat niya sa mental hospital doon sa Sandlers," sagot niya sa amin.
"Anong oras pumasok si Henry sa unit?"
"Bandang alas-diyes ng umaga," sagot niya.
"Nasaan ang CCTV room niyo dito?" tanong ko.
"Dito po, sunod po kayo sa'kin," tugon niya at naunang maglakad.
Pumasok kami sa isang room na may naka-sulat na "Authorized Personnel".
May guard ding nakabantay doon kaya pinakita namin sa kanya ang ID namin.
"May titignan kaming footage," tugon ko.
"Anong camera ang titignan po natin?" tanong niya.
"Sa second floor," sagot ko naman.
"Naku po! Sira po kaninang umaga ang cctv diyan sa second floor," tugon niya.
"Iyong sa lobby at entrance nalang. Unahin mo iyong sa entrance," utos ko sa kanya.
"Fast forward mo bandang alas-diyes ng umaga," tugon ko na ginawa naman niya.
"Stop," tugon ko nang makita si Henry.
Time stamp ay 10:45 am. Sinulat naman iyon ni Marcus.
Kausap ng guard si Henry gaya ng sinabi niya bago ito pumasok. Pagkatapos nun ay pumasok na siya at nawala sa camera.
"Fast forward," utos ko sa guard.
"Stop!"
Time stamp: 12:18 pm. Lumabas si Henry ng building at bumalik nang mag 12:25 pm na may dalang plastic na may logo nung katapat na market ng building.
"Tignan mo iyong footage sa lobby ng building," utos ko.
Pina-forward ko sa kanya sa mga oras na nilista ko. Ganun pa rin, walang kahina-hinala sa galaw ni Henry.
"Sige, salamat," tugon ko at lumabas.
Tinawagan ko si Andrei at nagtanong kung tapos na sila. Sabi niya naghihintay daw sila sa amin sa lobby.
"May nakuha kayo?" tanong niya.
"Meron pero hindi kami sigurado," sagot ko sa kanya.
"Ganoon din kami. Walang ibang narinig ang mga tenant bukod sa malakas na tugtog ng music sa unit ng biktima," tugon niya habang naglalakad kami pabalik sa van.
"Sira ang cctv camera sa second floor. Kaya ang nakita lang namin ay ang footage ng entrance at lobby," sagot ko at sumakay sa van pabalik sa headquarters.
Pagkarating namin doon ay nandoon na din si Detective Dan.
"Nasaan ang witness?" tanong ni Andrei.
"Nandoon sa interrogation room, naglilinis," sagot ni Detective Dan at naunang maglakad papunta sa interrogation room.
Naguluhan naman ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sagot niyang naglilinis ang biktima. Maging si Andrei ay naguguluhang tumingin sa akin.
"Pumasok kami sa interrogation room, at binigay kay Detective Dan ang notes namin. Nagdala din siya ng maraming folder. Hindi ko alam kung para saan iyon.
Pumasok siya sa room kung saan tahimik na naka-upo si Henry. Nilapag ni Detective Dan ang folders at nagkalat ito sa mesa. Umupo lang si Detective at hindi pinansin ang kalat. Si Henry naman ay tahimik na inayos ang mga folders at pinagpatong-patong ito, sa malinis na paraan.
Ngayon alam ko na kung para saan iyon.
"Si Detective talaga, kahit kailan," natatawang komento niya dahil alam kong alam niya kung para saan ang ginawa ni Detective Dan.
Sunod na pinatong ni Detective Dan ang cellphone niya at binasa ang notes namin. Inayos ulit ni Henry ang pagkakalagay ng cellphone niya.
"So, Sophia Moran, the victim, is your girlfriend?" panimulang tanong ni Detective.
"Yes, she is," walang alinlangang sagot ni Henry.
"Tell me exactly, what happened?" tanong ni Detective and gave the floor to Henry.
"I got out from the hospital, just today. I visited her, and just saw her lying in the bathtub full of blood," paliwanag niya. Pagkatapos nun ay hindi na siya nagsalita pa.
"Saang hospital ka galing?" tanong ni Detective.
Nag-alangan pa ng sagot si Henry.
"Sa-sandlers psychiatric hospital," sagot niya.
Tumango lang si Detective Dan habang binabasa ang notes namin nang bigla niyang pinatong ang dalawang binti niya sa mesa. Nagulat naman si Henry sa ginawa ni Detective. Habang kami ni Andrei na nanonood ay gustong tumawa. He's testing Henry's patience.
"Can you please put your feet down? It's dirty," komento ni Henry.
"Oh, sorry," nahihiyang tugon ni Detective at binaba ang paa.
Pinagpatuloy niya ang pagbabasa ng notes namin habang si Henry ay hindi mapakali. Maya-maya pa ay bumalot ang katahimikan sa room.
"So, why did you kill Sophia Moran?" tanong ni Detective.