Chapter 14

3265 Words
Hindi agad sumagot si Henry. Sa halip ay nagulat pa siya sa tanong ni  Detective Dan. "What do you mean why I killed my girlfriend?" naguguluhang tanong niya. "Drop the act, Mr. Chua. Nalinis mo nga ang lahat maliban sa talsik ng dugo sa tenga at kwelyo ng damit mo," kaswal na sagot ni Detective Dan. Naalarma si Henry at agad na pinahid ang dalawang tenga, at tinignan ang kamay kung may dugo. Napatingin siya kay Detective Dan nang makitang may tuyong dugo sa daliri niya. Agad niya itong pinahid sa pants niya. Sunod niyang tinignan ay ang kwelyo niya, kahit nahihirapan siyang tignan ito ay pinilit niya pa rin. Kalmado kang si Detective Dan na nakatingin sa kanya. Detective Dan has a very keen eyes and is very observant. Alam niya agad kung kahina-hinala ang galaw ng mga tanong tinatanong niya. And just by looking at our notes, he already concluded that Henry right here, is our suspect. "Let me ask you again, Mr. Chua. Why did you kill your girlfriend?" tanong ni Detective. Tumahimik si Henry at biglang tumawa ng malakas. Nagulat kami ni Andrei sa inasta niya dahil para siyang baliw na tumatawa. "Baliw ang isang 'to," komento ni Andrei at umiling. "Well, thanks to me hindi na siya madadagdag sa listahan ng mga biktima ng serial murder ng mga babae ngayon," tugon niya na mas lalong ikinagulat namin. Maging si Detective Dan ay nagulat sa sagot niya. "I killed her first, ginaya ko lang naman iyong method ng pagpatay minus the cutting hair part," dagdag niya at umakto pang naggu-gunting siya ng buhok. "Where did you learn about the method?" tanong ni Detective. "Ah, I was told not to tell anyone. The killer told me na walang magpapatuloy sa legacy niya kaya I volunteered. The killer taught me about it?" natatawang sagot niya. Nagkatinginan kami ni Andrei. Is he actually telling us na kilala niya ang suspect sa serial murder? Saan niya nakilala? Sa mental hospital? "Where did you know the killer? How did you know him?" tanong ni Detective. Tumawa ulit si Henry at pumalakpak. "You are wrong, Detective. Him?" tanong niya, mocking Detective Dan at tumawa ulit. "What do you mean?" "Nothing?" sagot niya at umupo ng maayos. Bumuntong-hininga si Detective Dan at lumabas ng room. Mukhang wala siyang makukuhang matinong sagot mula kay Henry. "Call Sandlers Psychiatric Hospital, and bring the Medical Director or the owner here," tugon ni Detective. Sinunod naman namin agad iyon at tinawagan ang hospital. "Hello? Sandlers Psychiatric Hospital," sagot nung nurse, pamilyar sa akin ang boses. "Hello, this is Detective Mendoza. Can I possibly talk to your Medical Director or to the owner kung nandiyan siya?" tanong ko. "Sige po sir, direct po kita sa telephone ni Doc Martin," sagot niya at nag-dial ng number. "Doctor Martin Alvarez, Medical Director of Sandlers Pyschiatric Hospital," sagot nung direktor. Detective Dan signaled me to give him the phone, so I did. "Hello, this is Detective Dan Fernandez from the Quezon City Police. We would like to request your cooperation for the investigation of your hospital and your patients," direktang tugon ni Detective. Tumahimik siya, kami namin ni Andrei ay nanonood sa kanya. Tumango-tango naman si Detective. "Okay, thank you for your cooperation," tugon niya at binaba ang tawag. Sinulo niya agad sa akin ang phone ko. "Gather everyone, and bring them to the conference room right now," utos niya at naunang lumabas ng interrogation room. Lumabas din kami at hinayaan sa loob si Henry at ang dalawang pulis. Tinawag namin ang team members namin at pinapunta sa conference room. Mukhang may bago nanaman kaming lead. Pagdating namin doon ay agad kaming nagsi-upo. Habang si Detective Dan naman ay nakatayo sa harap. "Okay team. I think we have a lead, not a solid one but I think we can find the suspect already," panimula ni Detective and he spoke with confidence kaya may tiwala ako sa kanya. Tumango naman ang kasamahan namin. "So, we have our suspect here, Henry," pakita niya sa litrato ni Henry at dinikit ito sa board. "He deliberately told us where the suspect is. He knows the suspect, and the only place that he's been to is the Sandlers Psychiatric Hospital. Kalalabas niya lang ngayong araw, and went to proceed to kill his girlfriend, Sophia Moran," paliwanag ni Detective while they all took down notes. "Now, while we wait for the DNA result of the seventh victim and while we are looking for her kin, we will proceed to investigate the Sandlers Pyschiatric Hospital," dagdag niya. "Your team leaders, Detective Mendoza and Detective Morales will lead you. I will join your investigation occasionally as I have other important matters to attend to. You will start the investigation tomorrow," tugon niya at nagmamadaling lumabas habang nakatingin sa relos niya. Pinagpatuloy namin ang meeting. "Tomorrow, I want everyone to form teams. Each team will do something, as we are 9 in the team, we will have these investigations by three," tugon ko na sinang-ayunan nila. "Officers Marcus Herrera and Dante Ramos will be with me," panimula ni Andrei. I let him disseminate the team members. "Officers Miko Santos, Harold Estosa and Detective Mendoza will be a team. And Officers Richard Ponce, Fernan Diaz and David Tumulak will be a team," dagdag niya. "Me and my team will be checking the records of each patients and the staffs. We will personally check it ourselves," tugon ni Andrei at tumingin sa akin bilang paghingi ng permiso. Tinanguan ko naman siya. "Me and my team will be questioning each patients and staffs, Officer Santos and your team can help us, and I also want you to check the cctv footages of the hospital," patuloy ko. Wala namang nagreklamo kaya tinapos namin ang meeting. Bumalik kami sa opisina at naghanda para sa imbestigasyon bukas. Nagpalipas kami ng oras dahil alas-tres naman na ng hapon. Maaga ulit kaming uuwi ngayon dahil pupunta pa kami sa burol ni Cielo at bibisitahin pa namin si Michael. "Kailan pala libing ni Cielo?" tanong ni Andrei. "Hindi ko alam. Siguro pagkalabas ni Michael sa hospital," sagot ko sa kanya habang nag-aayos ng gamit sa mesa ko. Nagkalat kasi ang mga folders at mga papel. "Tara na," anyaya ni Andrei nung mag-alas-quatro na. Tumayo naman ako at sabay kaming lumabas. Napag-desisyonan naming dumiretso muna sa hospital bago kami pupunta sa lamay. Hindi na kami nag-abala pa na magdala ng prutas. Magkatabi kaming nag-park ng kotse pagdating namin sa ospital. Dumiretso na kami sa room ni Michael. "Bro," bati namin at pumasok sa kwarto. Naka-upo siya at nagbabasa ng diyaryo. Niligpit niya ito at tinabi. Sinalubong niya kami ng ngiti niya. "Aga niyo ah," tugon niya. "Na-miss ka namin agad," biro ko sa kanya at sabay kaming tumawa. "Sabi ng doktor ko pwede na daw akong lumabas mamaya, pero bantayan ko daw ang sugat ko," tugon niya. "Hinayaan kang lumabas o namilit ka?" biro sa kanya ni Andrei. Natawa naman si Michael. "Gago, hindi ah. Ayos na daw talaga ako kaya discharged na ako. Nagpapalipas lang ako ng oras at hinintay kayo," sagot niya. "Mabuti naman kung ganoon. Akala ko matagal ka dito," sabi ko. "Hindi ako pwedeng magtagal dito, hinihintay ako ni Cielo," tugon niya. Ngumiti ako at hinayaan siya. Maya-maya ay pumasok ang nurse at kinumpirma niya na pwede ng makalabas si Michael. Nagligpit kami ng mga gamit at nagbayad ng bill pagkatapos. Doon siya sumakay kay Andrei pagkalabas namin pabalik sa bahay niya. Nandoon pa rin ang pinsan niyang lalaki at ang ibang nakikiramay. Agad na lumapit si Michael sa kabaong ni Cielo at tinignan ito. "Ililibing ko na siya bukas since nakalabas na ako," sabi niya at umupo. "May maitutulong ba kami?" tanong ko. "Ayos na lahat. Iyong sa sementeryo nakabili na ako ng lupa para sa kanya. Lahat nakahanda na," sagot niya lang at yumuko. "Baka hindi kami makadalo niyan. May gagawin kaming imbestigasyon bukas," sabi ni Andrei. "Ayos lang, ang dami niyo ng naitulong. Sapat na 'yon," tugon ni Michael. "Malamang kaibigan ka namin," sabi ko at tinapik siya sa likod. Nag-stay pa kami ni Andrei doon ng ilang oras bago namin napagdesisyunan na umuwi na. Nagpaalam kami kay Michael na nasa kusina at nagluluto ng hapunan nila ng pinsan niya. "Una na kami, bro," paalam ko sa kanya. "Pero hindi pa kayo nag-hapunan," tugon niya at ibinaba ang hawak na sandok at lumapit sa amin. "Ayos lang. Maaga kasi kami bukas kaya magpapahinga kami ng maaga ngayon," sabi naman ni Andrei. "Ganun ba? Sige, salamat ah. Ingat kayo," sabi niya at tinapik ang mga balikat namin. "Ikaw ang mag-ingat, may hawak pa namang kutsilyo," biro ko kaya nagtawanan kami. Tuluyan na kaming namaalam sa kanya at umalis. "Huwag kang magpapa-late bukas ah," tugon ko kay Andrei. "Yes, boss," sagot niya at naunang sumakay sa kotse niya. Ganoon din ako at nag-drive na pauwi. Maaga pa lang kaya nakapag-luto pa ko ng hapunan pagka-uwi ko. Naligo na rin ako pagkatapos kong kumain at dumiretso ng tulog. Sana bukas ay maging maayos ang imbestigasyon. Kinabukasan, maaga ang lahat. Naka-gather na sila at handa na para sa pag-alis namin. Maaga din si Andrei kaya maaga kaming nakaalis. Hindi namin kasama si Detective Dan dahil may iba siyang inaasikaso. Wala nga ang kotse niya pagdating ko. "Okay, team. Alam niyo na ang gagawin niyo. Officer Santos, come with my team first and the two of you that's supposed to be with Officer Santos, go check the CCTV footages," tugon ko. "Copy, Detective." Pagkatapos nang briefing namin ay umalis na kami. May permiso naman na kami para mag-imbestiga. Pagdating namin doon ay naroon lahat sa garden. May exercise session sila ngayong umaga. Lumapit kami ni Andrei kay Doc Annie. "Excuse me, Doc. Good morning," bati ko sa kanya. Nilingon niya kami at ngumiti. "Yes, Mr. Mendoza," sabi niya. "We are here for our investigation, I suppose alam niyo na po ito. It's about Henry Chua, your former patient. We got the permission of your medical director yesterday," sabi ko sa kanya. "Yes, we are aware. Detective Dan went here and talk to our Doc Alvarez. What can we do?" tanong niya. "We would like to check your staffs and patients' records personally, I assure you all the information that we get will be confidential," panimula ni Andrei. "I understand," sabi ni Doc. "And we would like to check the CCTV footages, and visit every one of your patients, if possible, and staffs and ask them some questions," dagdag ko naman. Tumango-tango lang si Doc. "Okay, I understand. I can also give you lists of the patients who can talk and is stable for now." "Thank you, Doctor," pagpapasalamat namin sa kanya. "It's for the best, Detective," tugon niya at naunang pumasok sa loob. Pinasamahan ng isang nurse ang magtitingin sa CCTV footage. Dumiretso naman ang team ni Andrei sa nurse's section. Habang kami ay sumunod sa opisina ni Doc Annie. "Doc, I have a question about your former patient, Mr. Henry Chua," tugon ko habang papunta sa opisina niya. "What is it, Mr. Mendoza?" "How is he, as a patient?" tanong ko at pumasok sa opisina niya. "Have a sit, Officers," tugon niya at naupo kami. Umupo si Doc Annie sa table niya at kumuha ng mga folders. "Mr. Henry Chua," basa niya sa isang folder. "When he was first admitted here a year ago, he was having anxiety and depression, and he was a drug addict. He was very hard to deal with dahil laging nagwawala. He would break and throw things across the room," paliwanag niya. "But he calmed down after Miss Sandlers talked to him, when she was still admitted here," dagdag pa niya. My eyebrows frowned. Ano naman ang sinabi ni Sandlers sa kanya at kumalma siya ng ganun. "What did she say?" The doctor shrugged. "I don't know, it just happened and he has been stable ever since and we decided to discharge him," sagot niya. Hindi na ako nagtanong pa, naguluhan lang ako. Bakit napakalma ni Sandlers si Henry noon. "And here are the files and lists of the patients who can talk to you," tugon niya at inabot ang maraming folders na tinanggap ko. "There are 25 of them, out of the 85 patients we have here," dagdag niya. "Thank you, Doc," sagot ko at inaya ang kasama ko na lumabas. Since apat kami ngayon, hinati ko ang mga pasyente na kakausapin ngayon. Kasama ko si Officer Santos habang ang kasama ni Marcus ay si Dante. 13 ang pasyenteng kakausapin namin habang 12 naman ang sa kanila. Naghiwalay kami para simulan na ang gawain namin. Inuna namin ni Miko ang nasa iisang floor lang para mapadali. Sa second floor kami nagsimula, sa floor din na ito ang kwarto ni Mama. Inuna namin si Anastasia Martinez, 20 years old. Sinamahan kami ng isang nurse sa loob para kausapin si Anastasia. Pagkapasok namin ay puno ng mga paper crafts ang kwarto niya na iba-iba ang hugis at kulay. Lumapit sa kanya ang nurse at kinausap siya. Habang nag-uusap sila ay tinuro kami ng nurse kaya napatingin sa amin si Anastasia, tumango-tango naman siya habang kausap ng nurse. Sinenyasan kami ng nurse na lumapit kaya lumapit kami. "Sila ang kakausap sa'yo ha, makinig kang mabuti sa mga tanong nila at sagutin mo kung alam mo. Nandito lang ako sa gilid," sabi ng nurse kay Anastasia. Tumango naman ito at ngumiti. Naglabas ng notebook si Miko para mag-note. "Hi, Anastasia. I'm Detective Mendoza and he is Officer Miko," pagpapakilala ko sa aming dalawa. Ngumiti naman ang dalaga at binati kami. "Hello po," bati niya pabalik sa amin. Mukhang normal naman siya kausap pero hindi siya dapat ginugulat. "May itatanong kami sa'yo ha. Okay lang kung hindi mo masagot," tugon ko. Tumango naman siya at umupo ng maayos mula sa kama niya. "Are you familiar with Henry Chua?" panimula ko. She blinked twice at tumingala. Siguro nag-iisip kung may kakilala siya o pamilyar sa kanya si Henry. "Ah! Kuya Henry! He's a really good kuya. We made these paper crafts together," sabi niya at tinuro ang mga papel na ginawa nila. "Did you notice anything strange when you are with him?" tanong ko. "Nothing po. He listens to his nurses and doctors well," sagot niya at ngumiti. "Okay, thank you Anastasia. You're a really good girl," sabi ko sa kanya at nginitian siya. She's 20 but she acts like she's 12. But she's smart, she answered the questions honestly. "Thank you po," tugon niya. Nauna kaming lumabas at hinintay ang nurse na kinakausap si Anastasia ngayon. Pagkalabas niya at pumunta kami sa kwarto ni Gerry Natividad, 35 year-old male. Katulad kanina naunang pumasok ang nurse para kausapin ang pasyente. Tumango naman ang pasyente at tinigil ang ginagawa niyang crochet. "Hello po, ako po si Detective Mendoza at siya naman si Officer Miko," pagpapakilala ko ulit. Tumango lang siya sa amin. "May mga katanungan lang po kami, ayos lang din po kung hindi niyo masagot," tugon ko sa kanya. Nakinig naman siya kaya ayos na siguro na magtanong ako. "Kilala niyo po ba si Henry Chua?" panimulang tanong ko. Hindi naman siya nag-dalawang isip sa pagsagot. "Oo, kilala ko. Mabait na bata, nakikinig sa mga doktor at nars. Noong una ay nanggugulo pa ng mga gamit at nagwawala, pero kalaunan ay kumalma din at bumait, hindi ko naman alam kung bakit," sagot niya sa amin. "Wala po ba kayong napansing kakaiba sa kanya? Sa mga kilos niya?" dagdag ko. "Wala naman," maikling sagot niya at bumalik sa ginagawa. Mukhang wala naman na kaming maitatanong kaya lumabas na kami. Sunod naming pinuntahan si Adrian Araneta, 25 years old. "Hi, Adrian. I'm Detective Mendoza and he's Officer Miko. We would like to ask you some questions if that's okay. Ayos lang din if hindi mo masagot," panimula ko. Tumango naman siya. "Kilala mo ba si Henry Chua?" "Yes, I have talked to him once. He is a really good guy," sagot niya. "Did you notice anything peculiar to him?" "Nothing, but I saw him once at night. He went out of his room, I don't know where he went. And he came back to his room smiling?" sagot niya. "Where were you when you saw him?" "Here, inside my room. He passed here and went on until the last room I think, because I heard the door open," sabi niya. I think I'm getting something. "Do you remember what time you saw him?" "I don't know. I think it was 9 in the evening. Everyone is asleep that time, I was only awake because of the medication I took, it's hard for me to sleep while on medication," paliwanag niya. Miko took note to everything he said. "Is that the only thing you noticed?" "Yes that's it," he confirmed. Lumabas na kami sa room niya. The only patient left in this floor ay si Mama. That's the room at the end of the hallway. And there's a room beside hers which is empty. Siguro doon pumasok si Henry noong gabing nakita siya ni Adrian na lumabas at narinig na pumasok doon. "Hindi ba naka-lock ang walang laman na kwarto sa tabi ng kay Mama?" tanong ko sa nurse pagkalabas namin. "Hindi po. Sabi po ni Miss Sandlers huwag po i-lock. Pumupunta po siya diyan minsan, diyan po kasi siya namamalagi noong naka-admit pa siya dito. May mga gamit din po si Miss Sandlers diyan na hindi niya pinapagalaw," sagot ng nurse sa amin. Hindi niya pinapagalaw pero malayang nakakapasok si Henry sa kwartong iyon. What is going on? Hindi na ako nagtanong pa at dumiretso sa kwarto ni Mama. Naka-upo lang siya habang nakatingin sa painting sa harap niya. Bago iyon, siya siguro ang nag-paint kahapon. "Hi,Mama,"bati ko sa kanya. Agad siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses at lumawak ang ngiti nang makita ako. Yinakap ko siya ng mahigpit saka kumawala. Pinakilala ko sa kanya si Miko. "Siya po si Officer Miko, Mama. May mga itatanong po kami sa inyo," tugon ko. "Sige ano iyon?" Naupo kami ni Miko sa harap niya. "Kilala niyo po ba si Henry Chua?" tanong ko. Mukhang nagulat si Mama sa tanong ko. Natigilan siya at bahagyang lumaki ang mata. Agad niyang binawi iyon at tumikhim. "Hindi ko pa siya nakakausap pero rinig ko ay mabait na bata iyang si Henry," sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. Normally, kapag kausap ko siya tumitingin siya sa mukha ko. "Wala ka bang narinig Mama na pumasok sa kwarto na iyan?" tanong ko at tinuro ang kwarto sa tabi ng kwarto niya. Tumingin pa siya sa pader na namamagitan sa kwarto niya at sa kwartong iyon. Umiling siya. "W-wala naman. Kwarto iyan ni Miss Sandlers noon, kaya walang pumapasok diyan," sagot niya. Kakatuwang Miss Sandlers ang tawag niya kay Lorraine. Nung unang kita ko kasi sa kanya, Lorraine ang tawag ni Mama sa kanya. "Okay, Mama. Thanks for answering my questions," tugon ko sa kanya at lumabas. Nararamdaman kong may hindi sinasabi sa akin si Mama. Oo, Mama ko siya pero hindi naman siya ligtas sa mga duda ko. Everyone here is involved. Lunch na nila, they all gathered in the cafeteria habang kami naman ni Miko ay pinuntahan sina Andrei. Sinabi ko din kay Marcus na doon kami magkita sa nurse's station. "Musta?" tanong ko kay Andrei. Busy sila sa pagbabasa ng records, sa dami ba naman ng pasyente at staff dito, sigurado ako na matatagalan pa sila. "Sa dami ng records dito, wala iyong kay Sandlers," tugon niya. "Pero iyong kay Mama, feeling ko may mali," dagdag pa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD