Chapter 15

3033 Words
Anong mali ang sinasabi niya? "Anong mali?" tanong ko sa kanya at lumapit sa pwesto niya. "'Diba pareho kayo ng blood type ng Mama mo? Type O+?" tanong niya. "Oo, bakit?" tanong ko naman. Binigay niya sa akin ang folder na may record ni Mama. "Basahin mo nakalagay diyan, Type B," sabi niya at tinuro ang nakasulat. Binasa ko iyon at Type B nga ang nakasulat sa blood type ni Mama. Sa pagkakaalam ko Type O+ si Mama, pareho kami ng blood type. Tatawagan ko sana si Papa para kompirmahin kung ano talaga ang blood type ni Mama. Pero tumawag sa akin ang medical examiner. "Hello? Detective Mendoza speaking," sagot ko sa tawag. "Detective, lumabas na po ang resulta nung DNA test, ipapadala ko po ba sa opisina niyo?" "Hindi na. Pupunta ako ngayon diyan. Thanks," sabi ko at binaba ang tawag. "Babalik muna ako sa headquarters, kukunin ko ang resulta ng DNA test nung seventh victim, mag-lunch na kayo, doon kayo sa cafeteria nila mag lunch," tugon ko sa kanila at umalis. Dumiretso ako sa headquarters at sa medical unit. "Detective Mendoza," tugon ko sa medical examiner na sumalubong sa akin at pinakita ang ID ko. "Ito na po iyong resulta," sabi niya at inabot sa akin ang envelope. Nagpasalamat ako sa kanya at pumunta sa opisina namin. Ako lang mag-isa doon. Binuksan ko ang envelope at binasa ang result. Nag-match ang dugo sa gunting sa dugo ng biktima. May dugo din aa dextrose tube na nag-match sa DNA ng biktima. Bumuntong-hininga ako. Malinis talaga at maingat ang suspek sa krimen na ginagawa niya. Walang iniiwang bagay na makapag-tuturo sa katauhan niya. Maaaring nililito lang kami ng dextrose tube, pero hindi, iyong si Henry na mismo ang nagsabi sa amin na nasa mental ang posible naming suspek. Bumalik ako sa mental hospital at pinuntahan sila sa cafeteria. Nandoon pa rin sila, kumakain ng pananghalian kasama ang ibang pasyenteng hindi pa tapos kumain. Sumunod ako sa kanila at kumuha na din ng pagkain. Tumabi ako kay Andrei pagkatapos. "Anong resulta?" tanong niya pagka-upo ko. Tapos na siyang kumain at uminom nalang ng juice. "Wala, lahat nag-match doon sa biktima," sagot ko at nagsimulang kumain. "Tinawagan ko si Tito Arthur kanina, tinanong ko kung ano talaga blood type ng Mama mo, sabi niya Type O+ daw," tugon niya. "Alam kong O+ talaga, pero bakit naman Type B ang nakalagay sa record niya?" "Baka namali lang ng nurse," sagot ni Andrei. Hindi na ako nagsalita at tinapos nalang ang kinain ko. Pagkatapos ay nagkanya-kanya kaming balik sa ginagawa namin.  Tinawag ko agad si Miko para ipagpatuloy ang trabaho namin. Dito naman kami ngayon sa third floor ng building. May apat na palapag kasi itong ospital at may rooftop din. Pinuntahan namin ang kasama naming nurse kanina sa station nila.  "Nurse, start na tayo ulit?" tanong ko, tumayo naman siya agad at naunang maglakad sa amin papuntang third floor. Buti nalang may elevator sila dito.  May siyam na pasyente nalang kaming tatanongin. Sana may makuha kami sa kanila. Hindi sapat iyong nakuha namin mula kay Adrian kanina. Sana din nakuha ng CCTV ang pangyayaring iyon.  Pumasok kami sa unang kwarto, ang pasyente ay 50 years old na, si Pancho Ochua. Pumasok kami pero tulog siya, sinubukan siyang gisingin pero hindi siya gumising. Tinabig niya lang ang kamay ng nurse nang gisingin siya ulit. "Huwag nalang nurse," sabi ko sa nurse at ngumiti.  Pumunta kami sa sumunod na pasyente, isang 22 years old na babae, si Michelle Ching. Pagpasok namin sa kwarto niya, may maraming nakasabit na dreamcatcher sa dingding, sa kisame, sa bintana at maging sa likod ng pinto ay may nakasabit. Nakatayo siya sa malapit sa bintana at nakatanaw sa kakahuyan malapit sa kwarto niya. Marami kasing mga puno ang nakapalibot sa gilid at likod ng ospital. Nagmistula itong gubat. "Michelle?" tanong nung nurse.  Lumingon si Michelle at ngumiti sa nurse. Bata pa siya para ma-confine dito. Nakakalungkot na sa bata nilang edad nakakaranas na sila ng mga hindi kaaya-ayang mga bagay na susundan sila kahit saan, maging sa pagtulog ay nandoon.  "May itatanong lang sila sayo ha, upo ka muna," tugon ng nurse sa kanya at tinuro kami.  Nilingon niya kami at naglakad papunta sa kama niya. Umupo naman siya doon. Lumapit kami ni Miko sa kanya, tinitigan lang kami ni Michelle hanggang sa makaupo kami. "Hi, Michelle," bati ko.  Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya. She tilted her head, like she is examining us. Nagkatinginan kami ni Miko. "I am Detective Nathan and he is Officer Miko," tugon ko at tinuro si Miko.  Pero hindi pa rin siya nagsalita. Tumingin ako sa nurse pero ngumiti lang siya. Tumikhim ako at nagsalita. "May itatanong kami sa'yo, pero ayos lang kung hindi mo masagot okay?" tugon ko sa kanya. "Do you know--"  She cut me off. "Yes, I know Henry," she said in a soft voice. "I don't like him. I know he has a hidden agenda right from the start, from his sudden change of attitude to the news I heard about him today," dagdag pa niya. Kalmado lang siya habang nagsasalita. She is smart, I know it. "What else did you notice?" tanong ko. "His eyes looks suspicious, he is kind to everyone here, but his smiles are evil, I know one when I see one," sagot niya. Nagulat at namangha ako sa sagot niya. I guess she is a very observant girl, she knows who to trust. "Anything else?" "Maybe you should just see the CCTV footage of this building," she answered and shrugged.  Hindi ko na siya pinilit pa na magsalita. Nagpasalamat kami sa kanya. May sinabi pa siya bago kami tuluyang lumabas.  "Detective Nathan, you can't trust anyone," tugon niya at naglakad pabalik sa bintana.  Hindi ko nalang siya tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin. Lumabas nalang kami at nag-move on. Binisita namin ang ibang pasyente sa listahan namin, iyong iba ganoon lang ang sinasabi. Na mabait na tao si Henry at palaging nakangiti. Nakakasundo ng lahat maliban nalang siguro kay Michelle na hindi siya gusto. Iyong ibang pasyente naman ay tulog o ayaw magsalita.  Tinapos na namin iyong kay Miko at bumalik sa nurse station para hintayin ang iba at makibalita. Wala pa doon sina Richard at Harold. Si David at Fernan naman ay naglibot sa lugar ng ospital, sa labas. Si Andrei naman at ang team niya ay hindi pa rin tapos.  Tiningan ko ang oras, malapit ng mag-alas-quatro. Maaga pa naman, alas-otso pa naman magsisimula nag fund-raising event ng medical hospital ni Sandlers.  "Musta?" tanong ko kay Andrei na naka-break. "Wala namang kahina-hinala sa mga files nila e, iyong sa mama mo lang ang mali,"tugon niya.  "Sasabihan ko nalang ang nurse na mali ang record ni mama dito," tugon ko.  Nakabalik na rin sina Richard at Harold. "Ano? Musta?" tanong ko. "Pare-pareho lang naman sila ng sinasabi. Mabait daw si Henry, puro mga mababanong salita ang lumalabas sa bibig nila sa kabila ng hindi kaaya-ayang baho ni Henry," tugon ni Richard at naupo.  "Ganoon din sa amin, maliban sa dalawa na nanghihinala sa kanya," tugon ko naman. Bumalik na rin sina David at Fernan. "Ano?" tanong ni Harold sa kanila. "Wala namang kahina-hinala dito. May daanan papunta sa loob ng gubat, pero hindi na namin pinasok," sagot ni Fernan. "Iyong CCTV footage?" tanong ko. "Eto po, Detective," sagot ni David at binigay sa akin ang USB.  Kinuha ko ang laptop na dala namin mula sa bag ni Richard at sinaksak doon. Tinigil nina Andrei ang ginagawa nila at nakinood sa kuha nito.  I played the video, inuna ko ang kuha ng second floor kung saan ang kwarto noon ni Henry. Walang kahina-hinala noong una kaya finast-forward ko ang play hanggang sa may lumitaw na ulo ng isang lalaki sa video. Time stamp is 9:00pm, tulog na ang lahat nito. Ito ay dalawang araw bago siya ma-discharge.  He walked along the hallway hanggang sa makarating siya sa last room ng hallway, ang kwarto ni Lorraine noon. Pumasok siya doon at hindi na sinara ang pinto. Maya-maya lang ay lumabas siya at naglakad pabalik sa kwarto niya. Tumingala siya at napansin ang CCTV camera kaya huminto siya sa tapat nito, kung saan kitang-kita ang mukha niya at ngumiti ng nakakaloko. Ang creepy. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kwarto niya. Tiningnan namin ang ibang footage, iyong mga kuha habang may activities sila, laging sumusulyap si Henry sa camera at pahilim na ngumingiti ng nakakaloko. Ito siguro ang napansin ni Michelle na ngiti at tingin ni Henry. Sino ba naman ang hindi manghihinala sa galaw niya.  Tinapos na namin ang pag-play ng video. I kept the USB. Tinapos nina Andrei ang trabaho nila, habang ako naman ay pumunta sa rooftop. Pagkarating ko doon ay malinis naman, pero may parte ng sulok na may mga nakalagay na sirang wheelchairs at mga upuan. Tinanaw ko ang gubat mula dito. I checked the height of the building, tinanaw ko ang ground at medyo mataas nga. Kung sino man ang tatalon dito, talaga namang basag ang ulo.  Tumambay muna ako doon at nagpahangin. Naisip ko ang mga kalagayan ng mga pasyente dito. Kung maayos lang ba silang nakakapag-cope up sa mga trauma at mga karamdaman nila. Ano ang nararamdamn nila? Ano ang dahilan kung bakit sila humantong sa ganito. I've never been in one, pero alam ko kung gaano kahirap. Naranasan iyan ng mama ko at nakita ko kung paano siya umiyak, sumigaw, nakita ko kung paano niya saktan ang sarili niya sa tuwing bumabalik ang mga alaala na gusto na niyang kalimutan.  Isa sa napakalaking suliranin ngayon ang mental health ng mga tao, pero hindi nagaptutuonan ng pansin masyado. Kaya marami ang kinikitil ang sariling buhay.  Bumuntong-hininga ako at bumalik sa baba. Nahagip ng mata ko ang isang box sa gilid, nilapitan ko ito. Gawa ito sa kahoy at may pad lock. Hindi ko naman mabubuksan kaya hinayaan ko nalang at bumaba na. Tapos na sila Andrei pagkababa ko. Natapos namin ang gawain namin sa loob ng isang araw, but still, we have to monitor if ever na may kahina-hinala sa mga pasyente o staff. Bukas na namin tatanongin ang mga staff tungkol kay Henry.  "Busy ata si Detective Dan ano? Hindi pumunta dito eh," tugon ni Andrei. "Siguro, wala pa rin ang kotse niya nung bumalik ako sa headquarters," sabi ko. "Iyong event pala, sabay na tayong pumunta doon," sabi niya habang nagliligpit ng gamit. "Dalhin mo kotse mo, huwag mo akong gawing driver," sagot ko sa kanya. "Grabe ka, syempre dadalhin ko kotse ko, baka makabingwit ng magandang dilag," sabi niya at kumindat.  Tinapos na namin at nagpaalam na sa mga staff. Hindi ko na binisita pa si Mama at dumiretso ng uwi. Alas-cinco na ng hapon, maghahanda pa kami. Bumalik kami sa headquarters, nagpahinga kami doon, nag-input din kami sa mga nakuha naming impormasyon mula doon.  Pagkatapos namin ay nagsi-uwi kami. Sabay kaming umalis ni Andrei at nag-usap nalang na doon na kami sa parking lot ng hospital magkikita dahil doon sa hall nila gaganapin ang event. Pagdating sa bahay ay agad akong naligo, pagkatapos ay nag-ayos ng sarili. Hindi ko naman kailangan na maging maayos talaga, fund-raising event ang pupuntahan namin, hindi club. Kay Lorraine naman  ang event at hindi para sa akin. Inayos ko lang ang magulo kong buhok, Maaga pa naman kaya nanood muna ako ng tv habang nagpapalipas ng oras.  Nabalita ang tungkol sa serial murder, binalita nila na may pitong biktima na. Nag-interview ang reporter ng isang citizen na babae, galit siya sa mga pulis dahil wala daw kaming nagawa para tapusin at hulihin ang suspek.  Kung alam lang nila kung gaano kahirap ang kasong ito. Umaasa ako na sana, totoo ang sinasabi ni Henry. Umaasa ako na sana mahuli na namin ang suspek. We are all very frustrated and scared. Natatakot sila para sa kaligtasan nila, maging kami rin ay natatakot na baka madagdagan pa ang mga biktima nito, at ayaw kong mangyari iyon. Maraming buhay na ang nawala.  Tumawag na si Andrei at sinabing paalis na siya kaya sinuot ko na din iyong suit ko, at tinignan ang kabuohan ko sa salamin. Nagpabango din ako tsaka lumabas.  Marami ang sasakyang naka-park pagdating ko. Kadalasan ay mamahalin pa, halatang mga bigtime ang bisita ngayon. Hinanap ko si Andrei pagka-park ko at nakita ang kotse niya sa unahan. Tinawag ko siya paglabas niya. "Hoy! Pogi natin ah," sabi ko sa kanya. Talaga namang pinanindigan niya ang paghahanap ng babae ngayon, pogi siya tignan sa tuxedo niya habang naka-gel sa side ang buhok niya. "Kalma ako lang 'to. Baka ma-in love ka niyan?" biro niya. "Gago," tugon ko.  Sabay kaming pumasok at pinakita namin ang ticket namin sa nagbabantay. Talaga namang kompleto sa facilities ang hospital nila. May trial court, may kulungan para sa mga naka-hospital arrest, may nursery para sa mga bata na may psychological and medical needs na naka-confine dito, at itong malaking hall nila.  May maraming tao sa loob, kanya-kanyang flash ng mga mamahaling damit at mga bags nila. Sana naman malaki rin ang ibigay nila sa hospital. Nilibot ko ang paningin ko at hinanap si Lorraine pero wala siya. I wonder kung sino ang mangingibabaw sa light nila ngayong gabi.  "Bro, gala lang ako,"paalam ni Andrei. Tumango lang ako at humiwalay siya. Kumuha nalang ako ng champagne at umupo sa bakanteng table. Maya-maya pa ay umilaw ang spotlight sa stage nila. Naglakad palapit doon ang isang lalaki, sa tingin ko nasa mga early 40s pa siya. Tumahimik ang lahat at tinuon ang pansin sa entablado. Wala doon si Lorraine, siguro hindi siya dumalo sa fund-raising event sa sariling hospital niya o baka naman late lang siya.  "Good evening, ladies and gentlemen," bati nung lalaki. "I am Gerard Ty, the medical director of Sandlers Medical Hospital. I won't fancy you all with my words, as I don't know how, I only know how to treat my patients," tugon niya at tumawa naman ang mga tao.  "As you can see here sa likod ko, is the monitor and there is a scale thing, hoping na umabot iyan ng 100% with your donations. And the owner is here somewhere, I saw her earlier. Baka makita niyo lang siay diyan," sabi niya.  So she is here afterall, ayaw niya lang magsalita sa harap.  "Enjoy your night everyone," tugon ng medical director at bumaba ng stage. Kausap niya ang mga bisita nang biglang may lumapit na mga doktor sa kanya, alam ko dahil naka-scrub suit pa sila. Sumama naman agad sa kanila ang medical director, he sure is working hard for his patients, like a doctor should be.  Naglakad-lakad ako hanggang sa nakita ko si Andrei na may kausap ng dalawang babae. Ang bilis naka-bingwit. Naglakad lang ako at nilibot ang paningin, hoping na makita ko siya.  "Detective Mendoza," tawag ng isang babae sa akin.  Nilingon ko siya. Nakasuot siya ng gold, fitted dress ngayon. Kita pa ang cleavage niya at hubog na hubog ang katawan niya. Mas lalo siyang gumanda sa suot niya. Iyong iba ay napaptingin tuloy sa kanya habang naglalakad siya palapit sa akin.  "You came," malamig niyang tugon pagkalapit sa akin. "You look beautiful, Helleigna," sabi ko sa kanya.  Ngumiti naman siya. "Thanks. You look good," she complimented. "Thank you," sagot ko sa kanya. "I thought you couldn't come, busy ka sa investigation sa isang hospital ko," tugon niya. Mukhang may bahid pa ng galit at sarcasm ang pagkakasabi niya. "I promised I will come, and you personally agve me the tickets," sabi ko naman. May dumaang waiter na may dalang champagne kaya kumuha siya doon at ininom. "So, nahuli niyo ang suspect?" tanong niya. "Not yet, but we will," sagot ko. She just scoffed and smirked. Ininom niya ang champagne niya at tumingin ulit sa akin. "I guess, the medical hospital will be the next on your list, huh Detective?" "Kung kailangan, why not? We just need your approval and cooperation," ngiti kong sagot sa kanya. She looks pissed, looks like I pushed the wrong button.  "You are missing something, Detective," tugon niya at inubos ng inom ang champagne.  My eyebrows frowned while looking at her, trying to understand what the meant by that statement. "And what is it?"  She shrugged. "You should figure it out," sagot niya lang at umalis.  Umiling ako at umupo sa bakanteng upuan. Kausap na ni Helleigna ngayon ang mga bisita, siya siguro ang mangingibabaw sa kanila ngayong gabi. Hindi ko na rin nakita pa si Diana o si Joshua. Umupo lang ako doon at nagtitingin sa mga tao, ang iba ay nagsasayawan na habang ang iba ay kumakain at nag-uusap lang. Maya-maya ay may lumapit sa aking dalawang babae. "Hi, can we sit next to you?" tanong nung babaeng naka-blue dress.  "Sure," sagot ko at naupo sila sa bakanteng upuan sa mesa.  Hindi ko sila kinauspa dahil hindi naman ako interesado na makipag-usap.  "Hi, ikaw lang ba mag-isa?" biglang tanong nung nakapulang dress. "I'm with a friend," sagot ko.  "I'm Sheila and this is Margarette, my friend," pagpapakilala nung nakapula at tinuro ang naka-blue. Tumango lang ako. "Nathan," pagpapakilala ko. Hinahanap ng mga mata ko si Helleigna.  "We are both doctors, cardiology department. Ikaw, what do you do?" tanong nung Margarette.  "Detective," sagot ko. Nagtinginan naman sila at nag-ngitian. Lumingon ako sa paligid at hinanap na rin si Andrei pero hindi ko siya mahagilap. Wala akong interes makipag-usap sa kanilang dalawa, kung nandito lang si Andrei hindi sila mabo-bore.  "Ah, do you want to--" "Nathan," tawag sa akin ng mahinang boses mula sa likod ko.  Lumingon ako at nakita si Simone na nakayuko. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Hindi naman nakapagsalita ang dalawang doktor na kausap ko kanina, Boss nila ata itong kausap ko ngayon.  "What is it?" tanong ko kay Simone, nakayuko lang siya. Feeling ko nahihiya siya. "I am shy, look at my dress," mahina niyang tugon.  Mukhang si Helleigna nga ang namili ng dress.  "Don't be shy, you look beautiful," sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang baba niya para tignan ako.  Ngumiti ako sa kanya kaya ngumiti din siya. Biglang nagbago ang music at naging slow music ito.  "Let's dance?" anyaya ko sa kanya at nilahad ang kamay ko.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD