Chapter 16

3011 Words
Tinanggap niya ang kamay kong nakalahad sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin habang dinala ko siya sa gitna, kung saan marami rin ang nagsasayawan. We faced each others body, I held her waist using both my hands, while she put both her arms on my shoulders. We swayed our bodies and looked at each other's eyes. We are just smiling while our bodies are moving along the rhythm. "So, how's the investigation?" malumanay niyang tanong. "Nothing much, but at least we got something," sagot ko sa kanya. "That's good. I'm sorry about our patient," tugon niya. "Do you know him?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. "Of course, he was our patient," nakangiting sagot niya. "You don't keep your room locked," tugon ko. She was shocked, she blinked twice pero agad niyang binawi iyon at binalik sa normal ang mukha niya. "I keep it locked, I have so many important things in that room," sabi niya. "Then, how did Henry enter your room?" tanong ko. Hindi siya sumagot agad. Pumikit siya bigla at hinawakan ang ulo. "Hell, please. Not now," sabi niya sa sarili habang hawak ang ulo. She must be talking to Helleigna. Gusto niya sigurong lumabas pero pinigilan siya ni Simone. "You okay?" tanong ko. She slightly shook her head and looked up to me. She smiled and said, "I'm fine." Huminto kami sa pagsasayaw at bumalik sa table na inuupuan ko kanina. Wala na din doon iyong dalawang doktor na kumausap sa akin kanina. "Gusto mong kumain?" tanong ko nang makaupo kami. "Just cake, maybe?" "Okay, I'll get it for you," tugon ko at umalis. Pumunta ako sa buffet para kumuha ng cake. Naabutan ko din si Andrei doon na kumukuha ng pagkain kasama ang isang babae. Nagtatawanan pa sila. "Nakabingwit," bulong ko sa kanya. Nilingon niya ako at nag-pogi sign. "Pogi ata ako," tugon niya at hinarap ang babaeng kasama niya. "Si Nathan pala, best friend ko," pagpapakilala niya sa akin sa babae. Ngumiti siya sa akin kaya nilahad ko ang kamay ko as formality. "Nathan," pagpapakilala ko ulit nung tinggap niya ang kamay ko. "Katelyn, I'm a neurosurgeon. Nice meeting you," pagpapakilala niya. Agad kong binitawan ang kamay niya. "Kuha lang ako ng cake, kasama ko si Sandlers," tugon ko kay Andrei, tumango naman siya. "Miss Lorraine Sandlers?" tanong ni Katelyn. Tumango ako sa kanya. "She is the owner of our hospital, how did you guys know her?" tanong niya ulit at tumingin sa aming dalawa ni Andrei. "She's our friend," sagot ko nalang at umalis para kumuha ng cake. Kumuha ako ng dalawang slice para sa aming dalawa. Bumalik agad ako dahil baka nagugutom na siya. "Here," sabi ko at nilagay ang plate na may cake sa harap niya. "Thank you," sabi niya at sinimulan itong kainin. "Eat well," tugon ko at kumain na rin. Tahimik lang kaming kumakain nang bigla niyang bitawan ang tinidor niya at hinawak ang ulo habang nakapikit. "Diana, not now please. We are in a formal event, I can't let you right now," mahinang tugon niya. Tumingin ako sa paligid at buti naman na walang nakakakita sa kanya na ganyan ngayon. Mukhang hindi alam ng iba na may Dissociative Identity Disorder si Lorraine. They know her as Lorraine Sandlers. Not as Helleigna, Simone, Diana or Joshua Sandlers. "Yes, later. After this even I will let you out," sabi niya ulit. Dumilat siya at huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "I'm so sorry about that, she wants to get out but I can't let them see me act like a 12 year-old child," sabi niya. "It's fine," sagot ko. Looks like she has the authority tonight. Maging si Helleigna ay hindi pumapalag sa kanya. Pinagpatuloy lang namin ang pag-kain namin nang bigla siyang nagsalita. "Haven't got any suspect yet?" tanong niya. Umiling ako at binaba ang tinidor ko. Tapos na akong kumain. "Not yet," sagot ko saka uminom ng tubig. Ininom niya rin ang tubig niya at nilinis ang labi gamit ang tissue. "You will find out who the suspect is, and when that time comes, I want you to be strong and let justice prevail," tugon niya at hinalikan ako sa pisngi bago umalis. Hindi ako nakagalaw agad. Tinanaw ko lang ang likod niyang naglalakad paalis hanggang sa mawala siya sa paningin ko sa dami ng tao. Lately, bumabagabag sa isipan ko ang mga sinasabi niya. Parang may pinaparating siya sa akin na hindi ko maintindihan kung hindi niya direktang sasabihin sa akin kung ano iyon. Tiningnan ko ang relo ko, malapit na palang mag-alas-onse ng gabi. Sa pagkakaalam ko matatapos ang event ng hating-gabi. Hinanap ko si Andrei pero hindi ko siya makita, masyado yata siyang nag-eenjoy ngayong gabi. Nag-text nalang ako sa kanya na mauuna akong uuwi at lumabas ng ospital. -- Kinabukasan, maaga akong pumasok sa opisina. Himala at nandoon na rin si Andrei, humihikab pa. "Aga natin ah," bati ko sa kanya pagkaupo ko. "Good morning din," sarkatisko niyang tugon at humikab na naman. "Hindi ka ba umuwi kagabi? Bakit antok na antok ka?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin, mga mata niya ay konti nalang pipikit na. "Iniwan mo ako kagabi," sabi niya lang sa akin. "Nag-text naman ako sa'yo," sabi ko. "Mag-kape muna tayo," aya ko sa kanya, agad naman siyang tumayo at naunang lumabas. "Naka-score ka ba kagabi? Hindi ka yata natulog," sabi ko sa kanya habang pumipili ng kape. Pinindot ko ang pure blend para sa kanya, para magising siya. "Hindi ah, gago," sagot niya tsaka kinuha ang kape na inabot ko sa kanya. "Ang pait gago," komento niya sa kape pagkainom nun. "Malamang pure blend, para magising ang diwa mo." "Hindi ako makatulog dahil sa sinabi ni Kate kagabi," tugon niya. Si Kate, iyong pinakilala niya sa aking neurosurgeon kagabi. "Ano nanamang tsimis iyang nasagap mo?" tanong ko tsaka ininom ang kape ko, pure blend. "Alam niya kasing my DID si Sandlers, nakita niya daw kasi iyong pag-iiba bigla ng ugali niya," sagot niya. Napahinto ako. Kung ganoon may ibang nakakaalam bukod sa mga tao sa mental hospital, Detective Dan at kami. "Nakita siya ni Sandlers kaya binantaan daw siya na huwag ipagkalat sa iba dahil kung ipagkakalat niya ay mawawalan siya ng trabaho," pagpapatuloy niya. "Tapos? Bakit hindi ka makatulog?" "Eh, kasi sabi niya, may 24 alter ego daw si Sandlers," sagot niya na ikinagulat ko. Hindi ako makasagot agad. Wala akong masabi. Sa pagkakaalam ko apat lang sila. Ang pinapakita niya lagi ay ang apat lang. Paano naman naging 24? "Saan niya nalaman iyan?" tanong ko. He shrugged. "Hindi ko alam, hindi niya sinabi eh. Nung tinanong ko siya iniba niya agad ang usapan," sagot niya at tinapon ang pinag-inuman ng kape. "Pasok na tayo," tugon niya at naunang pumasok. Hindi, naguguluhan na ako. 24? Bakit hindi sila lumalabas? Bakit ang dami nila? Ganoon nalang ba ang trauma na nararamdaman niya? Ang gulo, isa siyang misteryo na gusto kong malaman. Isa siyang mahirap na kaso na gusto kong lutasin. Ang pagkatao niya at ang mga sinasabi niya sa akin ay gumugulo sa sistema ko. I wonder kung nakauwi siya ng safe kagabi. Huminga akong malalim at inubos ang kape ko tsaka tinapon ang lalagyan. Pumasok na ako sa loob. Wala pa din ang sasakyan ni Detective Dan, dalawang araw na siyang hindi pumapasok. Nag-aalala tuloy ako sa kanya. "Balik tayo sa mental hospital mamaya, iyong staff naman ang tatanongin natin," tugon ko kay Andrei. Tumango lang siya. Aalis kami ng alas-nuebe, that's 12 minutes from now. Tumalab na din ang kape kay Andrei kaya isasama ko siya. "Punta kaya tayo sa bahay ni Uncle Dan mamaya?" tugon ko sa kanya. "Bakit naman?" "Dalawang araw na siyang hindi pumapasok, baka nagkasakit. Hindi din siya nag-text sa atin," sagot ko. Huminto siya at napagtantong tama ang sinabi ko. "Oo nga ano? Sige punta tayo mamaya," tugon niya. Nagpalipas pa kami ng oras hanggang mag alas-nuebe. "Team, listen!" agaw ko sa atensyon nila. "Babalik kami sa psychiatric hospital para ipagpatuloy ang investigation, but I want only two of you to come with us," dagdag ko. "Officer Miko Santos and Officer Richard Ponce, I want you to come with us," sabi ko lang sa kanila. Agad namang tumayo ang dalawa. "Let's go," tugon ko at naunang lumabas. Pumasok kami sa kotse ko, iyon ang gagamitin namin papunta sa ospital. Tumabi sa akin si Andrei sa passenger seat, habang nasa likod naman ang dalawa. "Tatanongin natin ang mag staff nila ngayon, may labing-tatlo lang silang staff kay hindi na namin sila iisa-isahin. I checked their records yesterday at malinis naman," panimula ni Andrei habang nasa biyahe kami. "Andrei and Miko, you can ask the staffs, while Richard and I will check the CCTV again, and the surrounding area of the hospital," dagdag pa niya. "Got it, Detectives," tugon nilang dalawa. Nakarating na kami sa ospital at agad na bumaba pagka-park ko ng kotse. Pumasok agad kami sa loob at nagtungo sa nurse station. "Good morning, we are here to ask a few more questions to the staffs," tugon ko. "Titignan din namin iyong CCTV footage kagabi," dagdag ni Andrei. "Okay po, Sir," sagot ng nurse at tinawag ang isang janitor para samahan si Andrei at Richard sa CCTV room nila. "Can you possibly gather all the nurses here?" tanong ko sa nurse na naka-station ngayon. "Wait lang po," sabi niya. Hinayaan ko lang siyang gawin ang trabaho niya at tinawagan ang mga nurses. Maya-maya pa ay nagsi-datingan sila isa-isa hanggang sa makompleto sila. Pero may iisang wala. "Nasaan iyong head nurse niyong matanda?" tanong ko sa kanila. "Sinundo po ni Detective Dan kanina, hindi po namin alam kung saan sila pumunta, nagmamadali yata," sagot nung isa. So Detective Dan is not sick? What is he doing? Is he investigating something alone? Something confidential? Kaya ba siya wala nitong mga nakaraang araw? I shrugged it off. "May itatanong kami sa inyo tungkol kay Henry, kung sino lang ang makakasagot tungkol sa kanya ang sasagot, kung hindi ayos lang din. Basta ang makukuha namin impormasyon ay confidential," I assured them. Tumango naman sila. "Sino ang madalas na nagbabantay kay Henry noon?" panimulang tanong ko. Nagtaas ng kamay ang dalawang babaeng nurse. "Yes?" turo ko sa naka-bun ang buhok. "Nurse Sunny po," tugon niya. "Anything strange about Henry?" "Wala naman po. Mabait po si Henry, nakaka-usap ko po ng maayos. Sinusunod niya din po ang mga sinasabi namin," sagot niya. Hindi na siya nagsalita pa kaya bumaling ako sa maikli ang buhok na nurse na nagtaas din ng kamay. "Nurse Sheena po. Gaya po ng sinabi ni Nurse Sunny, mabait po si Henry, hindi po perwesiyo. Minsan lang po ay parang nalulutang siya at tumatawa mag-isa," tugon niya. "Kinakausap niya ba lahat ng pasyente?" tanong ni Miko. "Opo, maliban po kay Ate Marissa. Hindi ko pa po sila nakitang mag-usap, nagpipinta naman kasi lagi si Ate Marissa o hindi kaya ay nagbabasa ng libro kapag nasa labas ang lahat," sagot ni Nurse Sunny. Kaya pala sabi ni Mama ay hindi sila masyadong nag-uusap nung Henry. Baka hindi malapitan ni Henry si Mama, hindi naman kasi pala-kausap si Mama. Kinakausap niya lang ang taong unang lalapit sa kanya. "Bukod doon, wala na kayong ibang napansin?" tanong ko. Umiling silang lahat. Wala akong magawa kaya pinabalik ko sila sa kanya-kanyang trabaho nila. Hindi ko nalang tatanungin si Doc Annie dahil nasagot na niya iyon kahapon. Busy ang ibang mga doktor, kaya lumabas kami ni Miko at nagpunta sa garden nila. May isang doktor doon na naka-upo sa bench kaya lumapit kami sa kanya. "Hello po, Doc," bati ko. "Kung tungkol kay Henry iyan, we all have the same answer. He was a hard case at first when he was admitted here, but after Miss Sandlers talked to him, he became calm until he was discharged," sagot niya at umalis. Pumalit kami ng upo doon at tumingin sa kabuohan ng hospital. "Mukhang mahihirapan tayo, Detective," tugon ni Miko sa tabi ko. "Mukha nga," sagot ko at bumuntong-hininga. Tumunog ako cellphone ko. Tinignan ko at tumatawag si Andrei. "Bakit?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag. "Punta ka sa CCTV room," tugon niya at binaba ang tawag. "Pinapapunta tayo sa CCTV room," tugon ko kay Miko. Tumayo na kami at bumalik sa loob. Tinanong namin ang nurse kung saan ang CCTV room nila, sinamahan niya kami doon. Pumasok kami at naabutan si Andrei na nasa harap ng monitor. "Bakit?" tanong ko pagkapasok. Agad siyang tumayo at pinalapit ako sa monitor. Pinlay niya ang video. Kagabi ito, time stamp 11:23 pm. Pinanood ko ang video na kuha mula sa second floor, nung 11:18 pm ang simula ng video. Wala itong katao-tao dahil magha-hating gabi na. Pinanood ko lang iyon hanggang sa may biglang lumitaw na ulo ng tao. Pamilyar sa akin ang suot niya, gold na dress. Iyan ang suot ni Lorraine kagabi. At siya rin ang nakunan sa CCTV. Naglalakad siya sa hallway, hanggang sa makarating siya sa pang-huling room. Binuksan niya iyon at pumasok. Diyan ang kwarto niya dati. Bumukas ang ilaw ng kwarto. Walang ibang anggulo na makikita dahil iisa lang ang CCTV bawat floor, at nakatutok lang iyon sa hallway. Maya-maya ay lumabas mula sa kwarto si Lorraine. Balisa siya at sinasabunutan ang ulo, magulo na rin ang buhok niya maging ang suot niyang damit. Naka-paa nalang siya ngayon. Lumuhod siya bigla habang hawak ang ulo, bigla niyang hinahampas at pinagsusuntok ang ulo niya. Naguguluhan at nag-aalala ako sa kinikilos niya. Maya-maya ay huminto siya. Tumayo siya at sinuri ang kabuohan niya. Tsaka siya nagsimulang maglakad paalis. Tumatawa siya habang naglalakad dahil kitang-kita sa footage ang pagtaas-baba ng balikat niya. Humawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. Napansin niya ang CCTV kaya huminto siya sa anggulo na kitang-kita ang mukha niya. Nakatingin lang siya doon habang nakangiti. Iba ang tingin niya. Nakakatakot, nakakakilabot. Hindi iyon ang tingin ni Helleigna, walang gana ang mga mata kung tumingin si Helleigna. Itong taong ito na nasa harap ng CCTV ngayon, iba. Tumayo bigla ang balahibo ko. She mouthed something. I. am. coming. Pagkatapos nun ay tuluyan siyang nawala sa camera. Nakakakilabot. "Sino iyon?" tanong ni Andrei. Hindi ako sumagot agad. Tumayo ako at lumayo sa monitor. Hindi, wala sa kanilang apat iyon, sigurado ako. "Nathan, ano?" tanong ni Andrei. Maging sina Miko at Richard ay nakatingin lang. Naguguluhan sa aming dalawa ni Andrei. Kilala nila si Sandlers pero hindi kung sino talaga siya, kung ano ang meron sa kanya. Ngayon lang nila ito nakita. "Wala. Hindi," tanging sagot ko. "Anong wala? Ha?" tanong niya. Nararamdaman ko na ang frustration sa boses niya. "Wala sa kanilang apat iyon. Alam ko, sigurado ako dahil alam ko kung paano sila tumingin. Iba siya," sagot ko at tinuro ang monitor, tukoy ko sa nakita namin kanina. "Eh, sino iyon?" "Hindi ko alam," sagot ko. Lumabas ako sa CCTV room at dumiretso sa elevator, pinindot ko ang fifth floor, sa rooftop. Mabibigat ang binibitawan kong hininga. Sumisikip ang dibdib ko habang paakyat. Agad akong lumabas at nagpunta sa rooftop. Huminga ako ng malalim at hinabol ang hininga ko. Umupo ako sa gilid. Sumasakit ang ulo ko, naguguluhan na ako. Mas lalong gumulo nang makita ko iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I'm confused, I'm lost and I want answers from her, from everyone. Parang hindi ko siya kilala bigla. Natakot ako. Natakot ako sa taong gusto ko. Hindi ko siya kilala. Hindi ko nga siya kilala. Yumuko ako. Gusto kong pumikit, umaasa na sana paggising ko, hindi iyon nangyari. Na sana hindi ko iyon nakita. Narinig kong bumukas ang pinto ng rooftop, hindi ko na tinignan kung sino. Tumabi siya sa akin at bumuntong-hininga. Hindi siya nagsalita. Tahimik lang kami, ang tanging naririnig namin ay ang huni ng ibon. "Ayos ka lang?" basag niya sa katahimikan. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Para akong bading na nag-eemote dito ngayon pero nasasaktan talaga ako. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya pero ngayon pinagdududahan ko siya. At hindi ko kayang gawin iyan. Ang paghinalaan siya ng masama. "Maging ako ay naguguluhan na din, hindi ko siya kilala, nalilito pa rin ako kung sino sa kanila ang nakaka-usap natin. Ngayon mas lalong naging magulo ang lahat," dagdag niya. "Alam kong masakit para sa'yo ito ngayon, mahal mo iyong tao eh," tugon pa niya. Tumingala ako, tinignan ko siya at tumawa. "Halata ba?" tanong ko. "Tinamaan kang tunay, bro," sagot niya at tumawa. "Hindi ko alam, bro. Parang hindi ko na siya kilala eh, natakot ako kanina," sabi ko sa kanya at bahagyang tumawa. Ito ba iyong sinasabi nilang, idaan mo sa tawa ang sakit na nararamdaman? Pinipilit ang sarili na magpakatatag kahit hindi naman kaya? Ang O.A ko. "Ako din naman, natakot grabe. Iba talaga iyong tingin at iyong nakakalokong ngiti niya eh," tugon niya. Hindi ako sumagot. "Pero bro, kilala mo naman iyong tao. May DID, baka isa iyon sa alter ego niya, 'di ba sabi ni Kate na may 24 alter ego siya, baka iyong kagabi isa sa 24 na iyon," sabi niya. Tama siya, baka isa iyon sa 24 alter ego niya. Siguro kaya nagkakaganon si Lorraine kagabi dahil namimilit na lumabas ang alter ego na iyon. "Bro," tawag ni Andrei. Hindi ko na kailangang tanongin bakit niya ako tinawag, dahil nakita ko naman kung sino ang tinitignan niya sa may pintoan. Tinapik ako ni Andrei at tumayo. Tumayo rin ako pagkaalis niya. Tinangoan niya lang si Lorraine nang madaanan niya, tumingin siya sa akin at tinangoan ko siya bago niya sinara ang pinto ng rooftop. Nakatayo lang si Lorraine doon, hindi siya nagsasalita. Nakatayo lang din ako sa pwesto ko at hinihintay siyang gumalaw o magsalita. Nakiramdam lang ako. Bumuntong-hininga siya at inis na naglakad palapit sa akin. Helleigna. She is pissed, padabog siyang naglakad papalapit sa akin. Huminto siya sa harap ko at tinitigan ako, ganoon din ang ginawa ko sa kanya. At ngayon ko nasiguro na hindi siya iyong nakita namin sa CCTV kanina. "I need to talk to you about something," malamig niyang tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD