Hindi ko siya sinagot agad. I just looked at her, standing in front of me. Probably pissed off because I am not answering her. I am just a statue looking at her, to her eyes. I tried to find the look of her eyes that I saw earlier sa footage, pero wala. Her eyes are the usual eyes of Helleigna that I see every time I see her. The dull, bored and lifeless look in her eyes.
Lumapit siya sa sinandalan kong pader at sumandal din siya doon.
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa kawalan.
"What do you want to talk about?" ako na ang bumasag sa katahimikan namin.
"You might be wondering what I said to Henry that made him like the calm and kind Henry that everyone see," sagot niya.
Liningon ko siya pero ang tingin niya ay nasa malayo. She is surprisingly calm and not sarcastic right now.
"I told him that if he won't behave, he won't be able to see his girlfriend anymore and he won't be able to do the things that he wanted to do with her," dagdag pa niya.
Tahimik lang akong nakinig sa kanya. I looked at her, what does she mean anything that he wants to do with her girlfriend?
Kalaunan ay tumawa siya, naglakad siya palayo habang tumatawa. Bigla siyang humarap sa akin habang nakangiti ng nakakaloko.
"And he actually behaved, he made everyone believe that he is a good guy," tugon niya at pumalakpak ng mahina.
"What do you mean?" tanong ko.
I am getting a feeling na hindi ito maganda. Kung ano man ang sasabihin niya, hindi maganda. Alam kong hindi magiging maganda ang kahihinatnan nito. At ayokong mangyari iyon.
"I can't believe he actually killed his girlfriend," she said at mas lalong tumawa ng nakakaloko. Is this her last night?
"Who are you?" tanong ko dahilan para bigla siyang tumigil sa pagtawa niya.
Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng galit ang mukha niya. Dahan-dahan siyang naglakad sa akin habang naka-krus ang braso niya sa dibdib niya.
"How amusing. I know you saw the footage of last night, so, what do you think of me?" tanong niya.
Nakangiti siya, nanindig ang balahibo ko. Siya iyon. Iyong nakakatakot na tingin at ang nakakalokong ngiti niya. She's not Helleigna anymore, or was she pretending to be Helleigna when she came here.
"Answer me," tugon niya at mas nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko.
Nakaramdam ako ng matulis at malamig na bagay sa gilid ng tiyan ko. Pinilit kong maging kalmado. Kalaunan ay dahan-dahan niyang idiniin ang swiss knife sa gilid ng tiyan ko.
"Who are you?" tanong ko ulit.
Ngumiti siya at dinalaan ang pang-ibabang labi niya.
Naramdaman kong bumaon na ang kutsilyo sa balat ko. Humahapdi na kasi ito habang tumatagal.
"You know I can easily kill you right now, but I won't. They are holding me back," nangigil niyang tugon sa akin.
Maybe she's talking about the other alter ego when she said them.
"Are you that important?" tanong niya at inilapit ang katawan niya sa katawan ko, kasabay nun ay ang mas lalong pagbaon ng kutsilyo sa balat ko.
"Are you that special, huh?" tanong niya ulit.
Namimilipit ako sa sakit at hapdi, nararamdaman ko na din ang pagtulo ng dugo ko.
"I am Kate, by the way. The 25th and the last alter ego of Lorraine. I bet you already met her," pagpapakilala niya.
So she's the final alter ego.
Is she brutal? Did she did this to other girls too? Did she kill them? Bakit niya niluluntad ang sarili niya sa akin? What is she trying to do here? Kaya ba ganoon nalang ang mga sinasabi sa akin ni Helleigna noong nakaraan? Siya ba ang tinutukoy ni Henry na ginagaya niya nung pinatay niya ang sariling girlfriend? Siya ba?
"Are you the one who killed them?" tanong ko, pinipilit na maging kalmado ang boses ko.
"Them?" naguguluhan niyang tanong. Hindi niya alam ang tinutukoy ko o pinaglalaruan niya ako?
And then, amusement flashed her face.
"Oh! Them," sabi niya habang nakangiti.
"I don't know, it's for you to find out," sagot niya at lumayo sa akin.
She slid the knife through my skin kaya mas lalong sumakit ang sugat.
"Nice meeting you, Detective. You may find your suspect soon," tugon niya at tinapon ang swiss knife sa sahig. May mga dugo iyon galing sa gilid ng tiyan ko.
Pinanood ko lang siyang lumabas, hindi ako makapagsalita. Masyado akong nagulat sa mga rebelasyon niya at sa ginawa niya sa'kin.
Tiningnan ko ang gilid ng tiyan ko, may sugat nga, sa tingin ko malalim dahil diniin niya iyon sa balat ko. Hinawaka ko ang sugat at pinigilan ang paglabas pa ng dugo. Narinig kong umandar ang kotse sa baba, tinignan ko at nakitang paalis na siya gamit ang pula niyang SUV. Naglakad ako palabas habang namimilipit sa sakit para ipagamot ang sugat ko. Pinulot ko ang kutsilyong tinapon niya dito at nilagay iyon malapit sa box na gawa sa kahoy, kasama ang tambak ng mga sirang upuan at wheelchair.
I can't just arrest her because of this, and definitely not because she told me about Henry and about her alter ego. Hindi ko alam kung totoo ang mga sinasabi niya, wala akong ebidensya. Siya mismo, hindi niya sinabi kung siya ba ang suspek sa serial murder ng mga babae. Hindi ko din alam.
Bumaba ako at nag-punta agad sa nurse station habang hawak ang tagiliran ko. Nakita ako ni Andrei na namimilipit sa sakit kaya agad niya akong nilapitan.
"Anong nangyari sa'yo?" alalang tanong niya.
Hindi ko siya sinagot, pinakita ko lang sa kanya ang duguang kamay at damit ko. Nagulat naman siya at agad nagtawag ng nurse. Lumapit na din sa amin si Miko at Richard.
"Anong nangyari, Detective?" tanong ni Miko.
"Mamaya na ako magpapaliwanag, ipapagamot ko lang 'to," tugon ko.
Dinaluhan ako ng nurse at inutusan ang isa na tawagin si Doc Annie. Agad niya naman itong sinunod.
Nilinis ng nurse ang sugat ko, hinugasan niya ito.
"Sir, medyo malalim po ang sugat niyo. Maliit lang po ang sugat pero malalim po," tugon niya.
Hindi ako sumagot dahil humahapdi ang sugat. Maya-maya pa ay dumating si Doc Annie.
"What happened here?" tanong niya at nilapitan ang nurse.
Tiningnan niya ang sugat ko at napatakip sa bibig niya.
"Ang lalim naman ng sugat mo, Mr. Mendoza. Who did this to you?" tanong niya.
"Can we talk inside a room, Doc?" tanong ko.
Naguguluhan man ay dinala niya ako sa isang bakanteng kwarto, pinasama ko na din si Andrei.
"Who did this to you, Mr. Mendoza?" tanong ulit ng doktor ng makapasok kami.
Hinanda niya ang mga gamit niya pang-tahi ng sugat.
"Aware po ba kayo sa case ni Miss Sandlers?" tanong ko lang sa kanya.
Huminto siya sa ginagawa at tumingin sa akin. Nakatingin na din si Andrei sa akin na naguguluhan.
"Yes, she has a dissociative identity disorder, and she has 24 alter ego," sagot niya.
"Well, she has 25 now," tugon ko.
Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. Maging ako rin ay nagulat din kanina, sino ba namang hindi.
"Her 25th alter ego did this to me," tugon ko kay Doc Annie.
Hindi pa rin siya makapaniwala. Tinakpan niya ang bibig niya at hinilamos ang mukha.
"Pero ngumiti pa siya sa akin bago lumabas ng ospital," sabi ni Andrei.
I just shrugged.
"She told me she's the 25th and last alter ego of Lorraine, she told me her name is Kate," tugon ko sa kanya.
"Bakit niya ginawa sa'yo iyan?" turo niya sa sugat ko.
"I don't know," sagot ko lang. Hindi ko din alam kung bakit, sa pagkakaalam ko siguro brutal siya.
"I have to stitch your wound, Mr. Mendoza, stay calm, don't move and bite on this," sabi niya at binigay sa akin ang isang makapal na panyo.
Kinagat ko iyon at hinayaan si Doc na gawin ang trabaho niya. Namimilipit naman ako sa sakit at gusto kong sumigaw. I formed a fist dahil sa sakit, umaagos din ang luha at pawis ko. Pero si Andrei, mukhang naka - move on na sa rebelasyon ko tungkol kay Lorraine, dahil kinukuhanan niya ako ng video ngayon at tahimik na tumatawa.
Pinakitaan ko lang siya ng kamao ko.
"Done," sabi ni Doc Annie matapos ang ilang minuto kong pag-iyak at pagpupumigil na sumigaw habang pinagtatawanan ni Andrei.
Kinuha ni Doc Annie ang kagat-kagat kong tela na puno na ng laway ko. Naubos ang lakas ko dun ah.
"Give Miss Sandlers a time, Mr. Mendoza. And you may not know this but she needs you," tugon ni Doc at nagligpit ng gamit. Lumabas din siya pagkatapos habang kami ni Andrei ay naiwan doon. Nakatulala.
"Ano ang sinabi ni Sandlers sa'yo?" tanong niya.
Inayos ko ang damit ko at maingat na gumalaw para hindi sumakit lalo ang sugat ko.
"Sinabi niya sa akin ang sinabi niya kay Henry," panimula ko at kinuwento sa kanya ang nangyari sa rooftop kanina.
Nagpaiwan kami sa loob para i-kwento sa kanya ang lahat ng nangyari. Nakikinig naman siyang mabuti at minsan ay napapatakip pa ng bibig dahil sa gulat. Kahit kailan ang arte niya.
"Grabe, ang dami niyang rebelasyon, tapos paglabas niya dito kanina ang kalmado niya. Ngumiti pa siya sa'kin akala ko may magandang nangyari sa inyong dalawa sa rooftop," tugon niya at humingang malalim.
"Masakit pa ba?" tanong niya, tukoy niya sa sugat ko.
"Konti," sagot ko at dahan-dahang tumayo para lumabas.
Hindi ko nalang muna pupuntahan si Mama, baka mag-alala kapag nalaman niyang may sugat ako. Bumalik kami sa nurse station, nandoon pa rin sina Miko at Richard. Agad silang tumayo nang makita kaming papalapit sa kanila.
"Musta po, Detective?" tanong ni Miko.
"Ayos lang, natahi na ni Doc," sagot ko sa kanya.
"Ayos na ba lahat? Iyong footage kanina, nakunan niyo ng copy?" tanong ko.
"Nasa akin," sagot ni Andrei at pinakita sa akin ang USB na pinaglagyan niya ng video.
Naalala ko ang ginawa niya kagabi at kanina. Pinoproseso ko pa rin ang mga pangyayari. Biglaan kasi ang lahat.
"Can you come with me for a sec?" tanong ko kay Andrei.
"Saan?"
"Second floor," sagot ko. "May titignan lang ako," dagdag ko.
Iniwan muna namin sila Miko at Richard doon, bumalik kami ni Andrei sa second floor.
"Ano titignan mo?" tanong niya pagkalabas namin ng elevator.
Hindi ko siya sinagot, dumiretso lang ako sa kwarto ni Lorraine noon. Pinihit ko ang door knob pero ayaw bumukas, naka-lock na. Sinuri ko ang lock ng door knob, may forced entry na naganap dito. Ito siguro iyong pumapasok si Henry dito. Dala siguro ni Lorraine ang susi niya kagabi kaya nakapasok siya agad.
"Wala kang makukuha diyan. Hiningi ko ang susi diyan kanina pero walang susi ang mga nurse, nandoon daw kay Sandlers," tugon ni Andrei.
I sighed, mukhang wala talaga kaming makukuha as of now. Hindi din sapat iyong sinabi niya sa akin kanina. Bumalik nalang kami sa baba at napag-desisyunan na bumalik muna sa headquarters. Si Andrei ang pinagmaneho ko ng kotse.
"Hindi ba dapat magpahinga ka muna?" tanong ni Andrei habang nagmamaneho.
"Hindi na, ayos lang ako," sagot ko sa kanya.
"Magpalit ka ng damit, ang dungis mo," saway niya sa akin.
Natawa nalang ako maging sina Miko sa likod. Sinabihan ko nalang siya na i-drop muna ako sa bahay para makapagpalit ako ng damit. Hinintay nila ako sa labas, nagpalit ako ng dahan-dahan dahil natatamaan ang sugat ko. Mahapdi pa rin pero tinitiis ko lang.
Uminom muna ako ng tubig bago lumabas ulit. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa headquarters. Pagkarating namin doon ay napansin ko na ang kotse ni Detective Dan, nandito na siguro siya.
"Teka, mag-aalas-dose na pala, lunch muna tayo," tugon ni Andrei bago kami makababa.
"Sige, kay Papa tayo, pero itikom mo iyang bibig mo ah. Baka iyang bibig mo ang tatahiin ko," banta ko sa kanya.
Para siyang si Marites, kung ano-ano ang sinasabi hindi makapagpigil. Tinawanan niya lang ako at muling nagmaneho papunta sa restaurant ni Papa. Sinama namin si Miko at Richard.
Wala masyadong tao ang kumakain ng makarating kami. Masakit ang tagiliran ko pero inayos ko ang galaw ko para hindi mahalata ni Papa, baka mas lalong mag-alala iyon. Pumasok kami at pumwesto sa inuupuan namin lagi ni Andrei. As usual, agad kaming nakita ni Papa kaya nilapitan niya kami.
"Bakit ngayon niyo lang sila dinala dito?" tanong ni Papa na tinutukoy sina Richard at Miko.
"Ngayon lang po nila naisipan," biro ni Richard.
Tinawanan naman siya ni Papa. "Naku, dapat dumito kayo tuwing lunch, baka ma-libre ko pa kayo," tugon ni Papa habang nakangiti.
"Sige po, gusto ko po ang libre," tugon naman ni Miko.
Nagtawanan kami saka kinuha ni Papa ang order namin. Nag-order nalang ako ng bulalo, tsaka iyong sa kanila ay mga lasagna, buttered chicken at porkchop. Libre daw ni Papa dahil nagdala kami ng bagong mukha sa restaurant niya.
"Bait naman ng tatay mo Detective," sabi ni Miko sa'kin.
Ngumiti ako sa kanya. "Syempre, Papa ko iyan eh. Nagmana yata ako sa kanya," pabiro kong sagot.
Umakto namang nauubo si Andrei at uminom ng tubig.
"Ang arte mo talaga kahit kailan," tugon ko sa kanya.
"Iyang mga biro mo kasi, korni," tugon niya sa akin na tinawanan naman ng dalawa.
Hindi ko nalang sila pinansin at hinintay nalang na dumating ang order namin. Maya-maya pa ay bumalik na si Papa at ang waiter dala ang pagkain namin.
"Magpakabusog kayo ha, lalo na kayong dalawa," sabi niya at tinuro si Miko at Richard.
"Salamat po," sagot nila.
"Ano ang mga pangalan niyo?" tanong ni Papa pagkatapos maghain.
"Richard po."
"Miko po."
"Sige, tatandaan ko iyan. Para kapag pumunta ulit kayo dito, may libre kayo sa'kin," tugon ni Papa habang nakangiti.
Hinding-hindi talaga mawawala kay Papa ang ngiti niya. Kahit nahihirapan na siya nakangiti pa rin. Hindi niya sinasabi sa akin na nahihirapan na siya. Sinasarili niya lahat, kahit nung pina-confine namin si Mama. Maririnig ko siya noon na halos gabi-gabi na umiiyak. Kapag tinatanong ko naman siya kinabukasan kung ayos lang siya, ngiti lang ang sagot niya sa'kin kahit halata namang hindi siya okay, dahil mugto ang mga mata niya.
It's just that smiling used to be an expression when you are happy, but now, it's also used to conceal your pain.
"Kain na kayo," sabi niya at umalis.
Tahimik kaming apat na kumakain. Hindi naman siguro halatang masyado kaming nagutom dahil sa trabaho namin. Sa sunod-sunod na pangyayari, hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras.
Sabay naming naubos ang pagkain namin. Busog naman ang dalawa dahil himas-himas pa nila ang tiyan nila.
"Babalik kami dito, Detective ah," tugon ni Richard.
"Sige, pero huwag niyo lugiin ang negosyo ng Papa ko," sagot ko sa kanya na tinawanan niya lang.
Tumayo na kami at nagpunta ako sa kusina para magpaalam kay Papa. Busy siya masyado kaya hindi na niya ako napansin, hinayaan ko nalang at sinabi sa assistant niya na aalis na kami.
Pagkabalik namin sa headquarters, wala na doon ang kotse ni Detective Dan. Ano kaya ang ginagawa niya, bakit ang busy niya?
Lumabas kami ng kotse at dumiretso sa opisina. Busy din ang mga kasamahan namin sa mga minor cases na ipinasa ni Detective Dan sa kanila. Naalala ko naman bigla ang kaso ni Martha Sandlers, curious talaga ako sa kasong 'iyon. Pero wala naman akong makuha kay Detective Dan tungkol doon.
"Ano? Pupunta pa ba tayo kay Uncle Dan mamaya?" tanong ni Andrei.
"Ewan, hindi na siguro. Busy siya eh," sagot ko.
He shrugged. "Si Michael kaya bisitahin natin," tugon niya.
Napa-isip naman ako kay Michael. Kumusta kaya siya, nalibing na din si Cielo.
"Sige, puntahan natin mamaya," sabi ko nalang sa kanya.
Lumipas ang mag-hapon na wala kami masyadong ginagawa. Kulang iyong input namin mula sa mental hospital, iyong video footage naman ni Lorraine ay ipinagsantabi na muna namin. Hindi naman namin magagamit iyon sa ngayon. Iyong statement ni Henry ay hindi din credible, hanggang hindi niya sinasabi sa amin kung sino talaga ang killer.
"Ano dadalhin natin mamaya kay Michael?"
"Ewan. Wine siguro?"
"Ang arte mo naman, wine talaga?" tugon ni Andrei sa akin.
Bigla naman akong nahiya sa kaartehan niya.
"Magdala nalang tayo ng pizza at canned beer," sabi niya at iyon nga ang ginawa namin.
Nagpunta kaming dalawa sa isang pizza store at bumili ng apat na box ng pizza. Bumili na rin kami ng junkfoods at sampung canned beer. Bumalik iyong mga alaala namin noong highschool.
Sa bahay ni Uncle Dan namin dinadala ang mga binili namin dahil hindi kami pinapayagan ng mga magulang namin ni Andrei na uminom, kaya doon kami kay Uncle Dan dahil pinagtatakpan niya kami. Sumasali din siya sa inuman namin minsan. Minsan naman sa bahay niya din namin ginaganap ang mga sleep overs namin. Nakaka-miss lang iyong mga panahon na iyon.
"Bro, sasakyan ni Sandlers iyon ah," tugon ni Andrei habang nagmamaneho papunta kina Michael.
Tinuro niya ang pulang SUV sa unahan na pareho sa SUV at plate number ng sasakyan ni Lorraine. Lumiko siya sa isang eskinita, sa pagkaka-alam ko wala na masyadong nakatira sa lugar na iyon dahil nasunog ang mga bahay diyan noon, ano naman kaya ang gagawin niya diyan?
"Sundan kaya natin," suhestiyon niya.
Hindi pa man ako nakakasagot ay lumiko na siya sa daan na tinahak ni Lorraine kaya hinayaan ko nalang. Maaga pa naman, alas-cinco pa lang ng hapon.
Sinundan namina ng kotse ni Lorraine, may kaunting bahay na nakatayo dito, puro malalaki. Halatang mga mayayaman ang nakatira dito. May mga naiwan pang mga debris ng mga nasunog na bahay dito. Hindi alam ng mga bombero ang tunay na sanhi ng sunog, nagsimula ito sa isang bahay, hanggang sa umabot sa ika-lima. Hiwa-hiwalay at magkakalayo ang mga bahay na nasunog kaya nakapagtataka lang kung bakit sabay silang nasunog nung gabing iyon.
Lampas na kami sa mga bahay at lumiko pa sa isang eskinita. Wala nang mga bahay doon, pero may nakita akong malaking gate sa unahan at pumasok doon si Sandlers. Awtomatiko din iyong bumukas at sumara. Nang tuluyan siyang makapasok ay lumapit kami sa napakalaking mansiyon.
Malaki iyon at sa tingin ko ay matagal ng hindi tinitirhan. May malaking garden ito sa harap na puno na ng mga matataas na damo. Maging ang pintura ng bahay ay natatanggal na dahil sa luma. Creepy din ang bahay dahil madilim talaga sa loob.
Ano naman kaya ang ginagawa ni Lorraine dito?
"Akala ko ba nakatira siya sa Goldland Hills?" tanong ni Andrei.
Hindi ako sumagot, naagaw ng pansin ko ang isang statue sa pinakaharap ng bahay, sa may pintuan. Statue iyon ng isang anghel na parang nanghihingi dahil nakalahad ang kamay nito. Itim ang kulay nito dahil puno na ito ng alikabok.
Hindi namin nakitang pumasok si Lorraine sa loob, pero nakita namin ang kotse niya na huminto sa harap ng pintuan ng bahay.
And realisation struck me.
"I've been here before."