Chapter 18

3023 Words
I know I've been here before. Familiar sa akin ang lugar, lalong lalo na ang statue ng anghel sa harap. "Sigurado ka?" tanong ni Andrei. Unti-unti akong tumango. Hindi ko na klaro ang ibang naaalala ko pero alam kong nakapunta na ako dito. "Baka bahay ito nila Sandlers noon," tugon niya. Maaaring tama siya. Hindi naman pupunta dito si Lorraine kung walang dahilan. Sa pagkakaalam ko wala na siyang magulang, ang Mama niya na si Martha Sandlers ay patay na. Kaya siguro siya umalis dito dahil bumabalik ang mga trauma niya, that made her like that. Tahimik lang kaming nakamasid sa mansiyon, pumasok na din si Lorraine. Nag-aalala ako sa posibleng mangyari sa kanya habang nasa loob siya ng mansiyon na iyan. Bigla namang tumunog ang phone ni Andrei, tumawag si Michael. "Bro, oo. Papunta na kami diyan," sagot niya sa tawag. "Mamaya na iyan, punta muna tayo kay Michael," sabi niya at nag-maneho ulit. Sana lang walang masamang mangyari kay Lorraine. Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay ni Michael. Wala na ang bakas ng pagkakaburol ni Cielo. Malinis na ang bahay niya, pero may malungkot na awra pa rin ito. Nag-door bell kami at lumabas si Michael na naka-sando at shorts lang. Pinagbuksan niya kami ng gate. "Pasok kayo," anyaya niya sa amin saka kami tuluyang pumasok. Kinuha niya pa ang dala namin mula sa kamay ni Andrei. Mukhang ayos na siya ngayon, maaliwalas ang mukha niya at hindi na rin mugto ang mga mata niya. "Upo kayo diyan, kunin ko lang iyong niluto kong Sisig," sabi niya at nilapag sa mesa ang dala namin. Sa sofa niya kami naupo, may dalawang maleta na nakalagay sa may hagdan. "Para saan iyang maleta? Saan ang punta mo?" tanong ko sa kanya nung makabalik siya dala ang sisig. Tiningnan niya ang maleta niya, maging si Andrei ay kinikwestiyon si Michael. "Babalik muna akong Cebu, bukas ang flight ko," sagot niya. Umupo siya sa sahig at inabutan kami isa-isa ng beer. "Mahihirapan ako dito, nakikita ko si Cielo sa bawat sulok ng bahay," sabi niya na may bahid ng lungkot. "Kung ano ang makakabuti sa'yo, susuportahan ka namin," tugon ni Andrei. Nag-cheers kami at sinimulan ang inom. Nag-kwentuhan kami ng mga pangyayari at mga kalokohan namin noong high school pa kami. "Tsaka, naalala niyo si Justin? Iyong kaklase nating pinapagalitan noon dati ng adviser natin dahil bobo daw? Ayun, may sarili ng advertising company," sabi ni Michael habang tumatawa. Hindi talaga natin masasabi kung ano ang mangyayari sa atin sa pagdaan ng panahon. Iyong kaklase namin noon na sinasabihang bobo, may sarili ng kompanya. Si Michael na basagulero at laging umiinom may sarili ng bar, kami ni Andrei nagtatrabaho para sa mga tao. Iyong dati, pinagtatawanan lang nila ang mga pangarap sa buhay, pero ngayon natutupad. Masamang kalabanin ang taong masipag. Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan pero nililimitahan ko ang galaw ko dahil kumikirot ang tagiliran ko. Lumalalim na ang gabi kaya nung maubos namin lahat ng beer, nakapag-desisyon kami ni Andrei na umuwi na. Maaga din ang flight ni Michael bukas. Buti nalang talaga, pinuntahan namin siya ngayon. "Sige, bro, uwi na kami," sabi ko sa kanya. "Sige, mag-ingat kayo," sabi niya sa amin at hinatid kami palabas. "Ikaw din, mag-ingat ka sa flight mo bukas at sa Cebu. Ma-mimiss ka namin," sabi ni Andrei at umaktong umiiyak. "Gago, ang arte mo. Babalik ako dito," natatawang tugon ni Michael. "Sige, alis na kami. Ihahatid ko pa sa bahay niya si senyorito Nathan," biro ni Andrei at pumasok sa loob ng kotse. Iniwan niya ang kanya headquarters. Tuluyan na kaming nagpaalam kay Michael at umuwi. Maayos pa namang nakakapag-maneho si Andrei. Ayusin niya lang talaga, baka siya pa balian ko ng kamay. Tahimik lang akong nakamasid sa labas. Tahimik na, may kaunting naglalakad nalang sa daan. Wala na rin masyadong lumalabas na kababaihan sa ganitong oras. Ang iba ay may kasamang lalaki kapag lumalabas ng ganitong oras. Nag-iingat sila syempre. Naka-uwi na kaya si Lorraine? Ayos lang kaya siya doon? May marami pa akong tanong sa kanya, nangangapa ako ng mga sagot mula sa kanya. Ano ang alam niya? O, may kinalaman ba siya sa serial murder na nangyayari ngayon. Marami akong tanong, at lahat ng mga tanong na iyon ay takot akong itanong sa kanya. Natatakot ako sa magiging sagot niya. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa kanya pagkatapos. "Nandito na tayo, senyorito," tugon ni Andrei. Hindi ko namalayan na naka-uwi na pala ako, sa dami ng bumabagabag sa isipan ko. "Salamat. Gamitin mo muna kotse ko pauwi, sunduin mo nalang ako bukas ng maaga," sabi ko. Aangal pa sana siya pero agad akong lumabas at pumasok ng bahay. Hindi ako lumingon hanggang sa narinig ko na umalis na siya. Pumasok agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Muntik ko ng makalimutan na may sugat ako nung tumagilid ako. Nahiga muna ako ng ilang minuto bago naligo at tuluyang natulog. Sinundo nga ako ng maaga ni Andrei kinabukasan. Kinukusot-kusot niya pa ang mga mata niya nung makasakay ako sa kotse. "Magkano sweldo ko dito?" tanong niya habang sinusuot ko ang seat belt ko. "Ngayon lang to, ang arte mo," sagot ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nagsimula ng mag-maneho papuntang headquarters. "Musta iyang sugat mo?" tanong niya habang tinutuon ang pansin sa daan. "Ayos lang, hindi na masyadong kumikirot," sagot ko sa kanya. Sinikap ko talagang huwag malikot sa pagtulog. "Hindi iyan nalaman ng Papa mo?" "Hindi," sagot ko. Pagdating namin sa loob, nakasalubong pa namin si Detective Dan na nagmamadaling lumabas. "Detective," bati namin sa kanya. Huminto siya sa paglalakad at ngumiti sa amin. Kitang-kita ang dark circles at malalaking eye bags ni Detective Dan. Ano ba ang iniimbestigahan niya? Natutulog pa ba siya? "Kayo na muna bahala sa team natin ha," tugon niya lang at tinapik ang balikat ko. Nagmadali siyang umalis pagkatapos. Kunot noo akong tumingin kay Andrei, he just shrugged. Hindi namin iyon pinansin at dumiretso sa opisina. "Nag-text si Michael, nakalapag na daw siya ng Cebu," sabi ni Andrei pagkaupo. "Ang aga ah, hindi ba sumakit ulo niya? Dami niyang nainom kagabi," tugon ko. Mukhang halos si Michael ang umubos ng dala naming canned beer at nagbukas pa siya ng sampu pa galing sa ref niya. "Ewan ko dun, hindi naman iyon tinatablan ng hangover," natatawang sagot niya. "Detective Mendoza, may naghahanap po sa inyo," sabi ng isang pulis habang naka-silip sa pintuan ng opisina namin. "Saan?" "Nasa lobby po," sagot niya at umalis. "Gagi, baka chicks 'yan," biro ni Andrei. Tumayo ako at inayos ang hitsura ko bago lumabas. Naabutan ko doon si Sandlers, nakatayo. Siya siguro iyong tinutukoy ng pulis na naghahanap sa' kin. "Hey," bati ko ng makalapit. Nakayuko lang siya, pag-angat ng muka niya ay nagulat ako dahil naluluha ang mga mata niya. "Bakit? Anong nangyari sa'yo?" alo ko sa kanya. "I'm sorry," naiiyak niyang sabi at biglang yumakap sa'kin. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ako nakagalaw agad. Yinakap ko siya pabalik at tinapik-tapik ang likod niya. Umiiyak na siya, binaon niya ang mukha niya sa dibdib ko. Buti nalang hindi niya nasagid ang tahi ko sa tagiliran. Pinag-titinginan na kami ng mga tao kaya sinubukan kong patahanin siya at hinawakan siya sa balikat. "Let's talk inside my car, hmm?" tugon ko sa kanya. Tumango naman siya habang pinupunasan ang luha niya. "Come," sabi ko at sabay kaming lumabas. Pumasok kami sa kotse ko, pinatahan ko muna siya sa pag-iyak bago ako nagsalita. "Tell me why you're crying," sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako. "I'm sorry about what happened yesterday. We were not able to control her," tugon niya. She must be talking about how Kate threatened me and wounded me with a swiss knife. She must have been so worried about me. "It's okay, Simone. I'm fine," I assured her and smiled. "No, she did something so horrible to you," giit niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya. Tumingin din siya sa mga mata ko. I can see that she really is worried about me. "I'm fine, it's just a threat," sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at sinuklian ang ngiti ko. Nagtitigan lang kami doon hanggang sa siya na ang bumitaw sa tinginan namin. "Okay ka na?" tanong ko sa kanya. "Yep, thanks. And, I'm sorry," sagot niya. "Let's go, labas na tayo," tugon ko at tumango siya. Sabay kaming lumabas ng kotse ko. "I'll go now," sabi niya at sumakay sa pulang SUV niya. Pinanood ko siyang umalis bago ako pumasok sa loob. Sinalubong naman ako ng nakakatuksong tingin ni Andrei. Alam ko na agad kung ano ang iniisip nito. "Si Sandlers 'no?" tanong niya pagkaupo ko, tinanguan ko lang siya. "Naks! Anong nangyari? Ang bilis mo atang nagpatawad," tukso niya sa' kin. "Hindi naman iyon mapipigilan," sagot ko lang sa kanya. "Hindi nga mapipigilan ang iyong pab-ibig," biro niya at agad na lumbayo sa'kin nung akma ko siyang susuntukin. Tumawa lang siya at binelatan ako. Agad nawala ang ngiti niya nang makatanggap kami ng tawag. "Quezon City Police, what's your emergency?" sagot ni Andrei sa tawag. "Yes, stay there. Pupunta kami agad," sabi niya at binaba ang tawag. "Montenegro Village, Lot 7. Posibleng biktima ng serial murder, let's go team!" sabi ni Andrei saka kami nagmamadaling lumabas. Ang aga pa ah, may biktima nanaman? May makukuha na ba kami dito? Sumakay kami sa van at pumunta sa crime scene na 20 minutes ang layo mula dito. Pamilyar sa akin ang village na iyon, dahil minsan na akong sinama ni Papa doon nung may naganap na gathering at ang restaurant ni Papa ang naghanda ng mga pagkain. Kaibigan niya kasi ang nag-organize ng gathering. "Sana naman may makuha na tayo dito, pang-walong biktima na 'to," tugon ni Andrei. Sumang-ayon kaming lahat sa kanya. Ayaw na naming madagdagan pa ang mga biktima. Nilapit ni Andrei ang mukha niya sa akin at bumulong. "Sa tingin mo may kinalaman dito si Sandlers?" Umiling ako. "Hindi ko din alam," sagot ko sa kanya. Hindi namin iyon malalaman hanggang sa hindi namin nalulutas ang kasong ito. Nakarating kami sa crime scene, sinalubong kami ng isang lalaki, hindi siya katandaan, siguro nasa mga mid 50s lang siya. Nanginginig siya habang hawak ang cellphone nung lumapit kami sa kanya. "Nasaan mo nakita ang bangkay?" tanong ni Andrei. "Sa bakanteng lote po sa likod ng bahay namin," sagot niya saka kami sinamahan sa sinasabi niyang bakanteng lote. "Dito po," turo niya. Nandoon nga ang isang bangkay ng babae, nakaharap ito sa lupa. Sinuot namin ang latex gloves namin at sinuri ang bangkay. Nandoon nga sa paa niya ang walong marka, bumuntong-hininga ako dahil hindi ko naman aakalain na aabot kami sa ika-walong biktima. Ganoon din ang nangyari sa kanya, sira ang pang-itaas na damit niya at may mga saksak siya sa likod. May mga buhok rin sa ibang bahagi ng katawan niya, mga gupit sa mahabang buhok niya na ngayon ay halos makalbo na siya. Mukhang sumobra sa gupit ang suspek. "Bro," tawag ni Andrei. Lumapit ako sa kanya at pinakita niya sa'kin ang isang ka-piraso ng pearl earring. Pamilyar sa akin ang earrings na iyon. "Ito iyong suot ni Helleigna noong gabing may fund-raising event sa hospital niya," nanlulumong sabi ko. Hindi, hindi ito totoo. Baka ka-pareho lang ito ng suot niya noong gabing iyon. Hindi, kinausap niya pa ako kanina. Umiiyak pa siya kanina dahil nasaktan ako ni Kate. Nag-sorry pa siya sa'kin. Hindi niya magagawa 'to. "Bro," alalang tawag sa' kin ni Andrei. Umiling lang ako, hindi ito totoo. Hindi siya ang pumatay. "May bahid pa ng dugo ang hook ng earrings," sabi niya. Hindi ko siya pinansin, lumayo ako mula sa kanya. Sumasakit ang ulo at ang dibdib ko. Akala ko tapos na ang mga rebelasyon niya. May mas lalala pa pala doon. Lumayo ako at may nakitang maliit na daan. Daan ito papasok sa gubat. Tinanong ko ang lalaking witness kanina. "Saan ang labas nitong daanan?" tanong ko sa kanya. "Lalabas po iyan doon sa gubat ng Sandlers Psychiatric Hospital, parang shortcut po iyan," sagot niya. Mas lalo akong dinurog sa narinig. Ngayon niya sabihin sa akin na hindi niya alam kung sino ang suspect sa serial murder. Nag-iwan siya ng bagay na pwedeng makapag-turo sa kanya. Habang tumatagal din, palapit kami ng palapit sa ospital niya. Hindi ko na sinunod ang daanan na iyon dahil alam ko naman na ang kahihinatnan. Ipinagpaliban ko ang nararamdaman ko sa kanta at inuna ang trabaho ko. Bumalik ako kay Andrei, hawak na niya ngayon ang dalawang zip lock bag. "Sa biktima?" turo ko doon sa isang zip lock bag na may wallet at cellphone. "Oo, tsaka sa suspek," sabi niya at binigay sa akin ang isa na may lamang earring, pulang gunting at dextrose tube na may dugo. Kaya ba laging ang pulang gunting ang nakikita namin? "Anong gagawin mo?" alalang tanong niya. "Ipapa-DNA test natin ang mga dugo sa gamit ng suspek, tsaka na rin 'yang sa biktima," sagot ko. "Ayos ka lang?" Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ako okay, naghahalo-halo ang nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Nasasaktan ako, naguguluhan, at gusto kong magalit sa kanya. Sa tingin ko all this time, pinaglalaruan niya ako. Ginagago niya ako pero hindi ko nakita dahil tanga akong nagmamahal sa kanya. Ayokong maniwala sa naiisip ko ngayon. Masyadong masakit para sa'kin. Tinapos na namin ang imbestigasyon. Tahimik lang ako, marami ang iniisip ko. Nag-aalala sa akin si Andrei pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Kailan ko lang siguro magpakatatag kung sakali. Bumalik kami sa headquarters, si Andrei na ang nag-asikaso para sa DNA test, bukas pa naman iyon malalaman ang resulta. Umupo ako upuan ko at hinimas ang ulo ko. Masyadong marami ang pumapasok kaya nahihirapan akong i-proseso ang lahat. Mabigat, masyadong mabigat para sa'kin. Bumalik sa akin ang mga sinabi niya sa akin noon na nagpagulo sa isip ko. Na tatagan ko ang sarili ko kapag nahanap ko na ang katotohanan. Na mas uunahin ko ang pagkamit ng hustisya para sa mga biktima kaysa sa sarili kong damdamin. Lahat bumalik, at ang mga tanong ko dati na hindi ko matanong sa kanya ay nasagot na. At dumating nga ang araw na kinatatakutan ko. Gusto ko siyang puntahan, pero hindi ko alam kung saan ko siya mahahanap. Gusto kong humingi ng paliwanag mula sa kanya, pero hindi ko alam kung matatanggap ko ba iyon. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya kung sakali. Hindi ko na alam. "Inom ka muna," sabi ni Andrei at inabot sa akin ang isang bote ng tubig. Tinanggap ko naman iyon at inubos ang laman. "Bukas pa daw iyong resulta. Sa ngayon, we will interrogate the witness," sabi niya. Muntik ko na din makalimutan ang witness. Pumasok kami sa interrogation room, hinayaan ko si Andrei na mag-tanong sa kanya dahil hindi ko pa kaya at wala din si Detective Dan. Pumasok na si Andrei sa loob, kung saan naghihintay ang kinakabahan na witness. Ako naman ay nanonood lang sa kanila mula sa labas. "So, what's your name?" panimulang tanong niya. "Roberto Montenegro po," sagot niya. "Anong oras mo natagpuan ang biktima?" "Bandang alas-nuebe po ng umaga. Maglilinis sana ako sa bakanteng lote na iyon dahil gagawan iyon ng bahay ng pinsan ko, eh, ayun po ang nakita ko. Sobrang kinabahan at natakot po ako," sagot niya. "Kilala mo ba ang biktima?" Umiling siya. "Hindi po." "Wala ka bang napansing kakaiba bago mo nakita ang bangkay? Like, last night or yesterday? Wala kang napansin o narinig?" tanong ni Andrei. Hindi agad sumagot si Roberto. Nag-isip pa siya kung may narinig o napansin nga ba siya. Siguro may narinig siya, may narinig na kakaiba iyong mga residente dalawang araw bago nila natagpuan ang biktima. "Wala naman, maingay kasi ang mga aso bandang alas-dose ng gabi. Hindi ka pinansin dahil madalas naman silang mag-ingay tuwing gabi," paliwanag niya. Tumango lang si Andrei at nag-sulat. "Paano nagkaroon ng shortcut sa bakanteng lote ninyo papunta sa Sandlers Psychiatric Hospital?" dagdag na tanong ni Andrei. Narinig niya siguro ang tanong ko kanina kay Roberto tungkol sa maliit na daanan papasok sa gubat. "Noon po kasi, iyong pinsan ko po nurse sa ospital na 'yon, kaya doon po siya dumadaan kasi malapit lang," sagot niya. I looked at Andrei, at kahit hindi niya ako kita mula dito ay nakatingin siya sa banda ko. "Wala bang CCTV sa likod ng bahay ninyo?" "Wala po," sagot niya. "Sige, that's it. Thank you for your cooperation Mister Montenegro," tugon ni Andrei at lumabas kasabay si Roberto. Pinauwi na namin siya para makapag-pahinga siya. Masyado siguro siyang nagulat sa nasaksihan niya. "Hintayin nalang muna natin ang resulta ng DNA test, saka na natin malalaman ang totoo. For now, kumain muna tayo dahil tanghali na," sabi niya at tinulak ako para maglakad. Hinayaan ko nalang siyang itulak ako dahil wala talaga ako sa mood maglakad. Wala akong lakas. Naubos sa pag-iisip lahat ng enerhiya ko. "Doon tayo sa Papa mo," sabi niya. Pumasok muna siya sa opisina para ilagay sa mesa niya ang folder na dala niya, habang ako naman ay naiwan sa labas. Pagkatapos ay tinulak niya ulit ako palabas. Nag-eenjoy siguro siyang itulak ako. Pinasok niya ako sa passenger seat ng kotse niya. Pinag-sarhan niya din ako ng pinto dahil wala talaga akong lakas na gumalaw ngayon. Pagkapasok niya, nagmaneho siya papunta sa restaurant ni Papa. "Ang bait mo yata ngayon," tugon ko sa kanya upang basagin ang katahimikan habang nasa biyahe kami. "Wala ka yata sa sarili mo ngayon, araw-araw yata akong mabait sa'yo," biro niya sa akin. Tinawanan ko lang siya habang nakatanaw sa labas. "Kung gusto mo, subuan pa kita mamaya eh," biro niya sa akin. Hindi ko siya pinansin at bahagyang tumawa. Hinayaan ko nalang siyang manahimik habang nag-mamaneho. Lulubusin ko na rin ang mga araw na mabait siya sa'kin. Mabait naman siya palagi pero minsan niya lang akong pagsilbihan. Maaasahan ko naman siya palagi sa araw na nahihirapan ako. Siya ang nandiyan para sa akin kaya laking pasalamat ko talaga sa kanya. Ang baduy mo, Nathan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD