Sobrang hangin sa pwesto namin at naamoy ko iyong tubig alat sa hindi kalayuan. Totoo ngang may private beach sila sa likod ng mansion. Nakasilong kami ngayon sa puno ng mangga habang nakaupo kaming lahat.
Medyo nahihiya pa nga ako sumabay sa usapan nila. Lalo na si Maih madalas nagtatanong tungkol sa akin at sa amin ni Nik. May hinanda na banana cake sa lamesa at orange juice. Nagkwento sa akin ni Maih na mahilig siya magbake.
“It tastes good,” I commented.
Maih smiled. “Oh, thank you! Nagbabalak nga ako magtayo ng business sa Makati. I graduated culinary naman kaya may knowledge ako kahit papaano.”
“Wow. That’s really good. I want to be your first customer.”
“Thank you, Sianna! You are so sweet!”
Kami lang ata ni Maih ang umiinom ng juice dahil ang mga lalaki ay may hawak ng beer at sila naman nag-uusap. Halatang namiss nila si Nik at kahit papaano ay sinasali rin naman nila sa usapan si Johann.
“Dude, I remember Johann got slapped by a woman here in Calatagan. Akala niya ata katulad ng mga city girls ang mga babae rito. The worst part is… may dalang itak iyong tatay!” si Hansen na nagk-kwento sa kanilang apat. Narinig ko na nagtawanan ang lahat maliban kay Johann. “He is so stupid. And his charms don’t work here. He sucks at flirting!”
Johann gave him a dirty finger. “f**k you! She is giving me the looks that she wants me. So I grabbed her ass—”
“Yuck! Manwhore ka talaga!” Maih exclaimed.
“No, Maih. I’m a gentleman, okay?”
“You are not a gentleman, Johann.”
Johann looks so pissed at the moment. As if wala siyang kakampi sa usapan. Katabi niya si Valdus na nakangisi lang habang pinaglalaruan iyong bote ng beer sa kamay niya. Napailing na lang si Johann at tahimik na kumain ng banana cake.
I mean… he is so cute kapag palagi siyang tinutukso ng mga pinsan niya.
“Ano oras dadating sina Lolo at Lola?” Valdus inquired.
“Oo nga pala! Napasarap iyong kwentuhan natin. Syempre ngayon lang natin ulit nakita si Dam—” si Maih pero natigilan siya dahil iba ang tingin sa kaniya ni Nik. “Ah, si Damon kasi miss na natin sobra!”
Napanguso ako habang tinitingnan silang magpinsan. So ako lang pala ang iba ang tawag sa kaniya? They called him Damon kaysa sa Nik.
“I guess nandoon pa rin sila sa bahay ni Mayor para sa isang project,” si Hansen nang itungga niya na iyong beer. “Pwede pa mag ikot si Sianna sa mansion. You know… pwede tayo magswimming sa beach o sa swimming pool.”
Expected ko na swimming kami since may beach din sa Batangas. May dalawa naman akong two pieces at isang rash guard. May mga times na hindi ako confident sa katawan ko kaya nagbaon ako ng rash guard.
“Don’t worry, guys, I will tour around here by myself,” ani Nik. Naramdaman ko na inakbayan niya ako sa braso habang nakangisi. “Basta nasa inyo lang si Johann.”
“Are you sure you are gonna tour her? Or you are gonna tour her bod—”
Namula ang pisnge ko sa sinabi ni Johann kasi binibigyan niya ng panunuyang tingin si Nik habang nagw-wiggle iyong kilay niya.
“I’m not like you, shithead!” Nik barked.
Hinampas ni Maih iyong braso ni Johann para manahimik. Napainom ako ng orange juice ng wala sa oras. Tahimik lang naman si Valdus na nagmamasid sa amin habang si Hansen ay nakangisi. Halatang parehas sila ng iniisip ni Johann.
Inikot ko iyong paningin sa kabuuan na lugar. Malaki at malawak ang mansyon nila. Nabasa ko pa ang nasa harapan ng mansion.
Palacio de Montepalma.
Kulay puti ang mansion nila at iyong line ay gold. Style ng architecture ng mansion nila ay pang renaissance. Lalo na iyong mga lumang paintings, antiques at mga sculpture ng mga tao sa loob ng mansyon. Masyadong magarbo at sinisigaw nito kung gaano kayaman ang mga Montepalma.
Sino ba hindi yayaman kung ang dami nilang negosyo sa buong bansa. Lalo na lahat ng negosyo nila ay successful at sila ang pinaka una sa list ng mga mayayaman sa Pilipinas at pati na rin sa buong asya.
“I’m gonna bring some booze to the beach to party. Hindi naman tayo pagbabawalan ni Lolo,” Johann said. Nagsitanguan naman ang lahat. “Of course… I’m gonna bring some girls. Para naman hindi masyadong boring iyong party.”
Napailing si Nik. “Tss. Lolo will surely kick your ass out of the mansion.”
“I hope it happens in front of our guest!” Hansen snickered. “Let’s see kung ikaw nga ba talaga paborito ni Lolo.”
“I can smell the jealousy in your mouth, Hansen. Can’t you see? I’m the carbon copy of our grandfather!” giit ni Johann. Halatang naiinis na siya sa kaniyang kapatid. “What the f**k are you even doing here? Hinahanap ka ni Dad sa akin.”
“Well, I’m here to relax. Pero nandito ka na kaya paniguradong stress na naman ako.”
“f**k you!”
Their conversation went on and on. Hanggang sa nagpasya si Nik na magpahinga muna kami sa guestroom habang wala pa naman ang Lolo’t Lola nila. Medyo kinakabahan ako kasi baka hindi ako magustuhan ng Lolo at Lola nila.
Nasa guestroom na rin iyong duffel bag ko. Ang laki ng kwarto at lalo na may maganda akong view. Kita ko iyong dalampasingan at papalapit na paglubog ng araw. Umupo na ako sa malambot na kama. Si Nik naman nakasandal sa pader habang tinitingnan ako.
I arched my eyebrow. “Ano tinitingin mo?”
“Hmm. I could tell that you are enjoying my cousin’s company even though they are assholes.”
“Ang salbahe mo naman sa kanila. Maih is so sweet and kind.”
“Of course she is exceptional. Gusto ko palagi na siya ang kasama mo kapag wala ako sa tabi mo.”
Napanguso ako. “Do you think your grandparents are gonna like me?”
A ghost smile suddenly spread across his face. Dahan-dahan siya naglalakad sa gawi ko. Ako naman ay parang na tutuliro. His dark eyes are looking at me intently. Hanggang sa nakarating siya sa harapan ko.
Nakaupo ako sa kama at nasa harapan ko iyong katawan ni Nik. Napalunok ako sa nangyayari. Naririnig ko kung paano kumabog ang puso ko sa sobrang kaba. His index finger lifted up my chin until our eyes met.
“Baby…” he drawled. “I will guarantee you that they will like you. You are the first woman I brought here.”
“R-Really? Ako pa lang?”
“Yes. Ikaw pa lang. And you will be the first and last woman I will bring here.”
My heart raced. I felt my cheeks flustered in euphoric. Hindi ako makatingin sa mapupungay niyang tingin. Iniwas ko iyong tingin ko. He squatted in front of me so our eyes leveled.
“Damn. I really love complimenting you because you are always blushing,” he commented. Nilapit niya pa ang sarili sa akin. “I’m so lucky. A girl like you is one of a kind.”
Napalunok ako. “S-Stop it, Nik.”
“How can I stop if you are always this gorgeous in my eyes?”
He cupped my cheeks and his lips landed on my forehead. His kiss on my forehead is so sincere and sweet. May multong ngiti sa kaniyang labi habang nakatitig sa akin.
“Akin ka lang, ha?” he muttered.
“Oo…” Hindi ako makatingin ng diretsyo sa kaniya. Pero muli niya ako pinaharap sa kaniya. “Nahihiya ako Nik.”
“Please? I want to hear it from you. Akin ka lang,” he added. “Hindi ko hahayaan na makuha ka ng iba. I promise.”
Napapikit ako dahil sa naririnig sa kaniya. He is so good at this! Hindi ko alam kung nahuhulog ba siya sa akin o ako iyong nahuhulog sa kaniya. Hindi ko hahayaan ang sarili ko na matalo sa laro namin. He is doing his best to make me fall in love with him. This is only a bait.
I licked my lips. “Yes, I’m yours.”
Mayamaya’y ay nakaidlip na pala ako sa kama. Dahan-dahan ako bumangon at napansin ko na wala si Nik sa tabi ko. Napabangon ako at sumilip sa bintana. Kumikinang ang buwan sa takipsilim.
Fuck! Baka nandito na iyong Lolo at Lola niya.
Kaya nagpasya ako maligo para presentable naman ako sa harapan nila. Mabilis lang ako naligo para fresh lang ako. Pinili ko na lang ang dilaw na bestida na hanggang tuhod. Medyo kinakabahan ako kasi ang lawak ng mansyon.
Hays! Dapat nagtext na lang ako sa kaniya. Baka kasi maligaw pa ako.
I did all my best to walk in a corridor to find the living room. Napadpad ako sa grande na hagdan. Dalawa iyong hagdan ay nasa bawat gilid at may malaking chandelier sa tuktok. At may sculpture na nasa gitna.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nandito ako. Nakita ko si Maih na naglalakad at napatingin siya sa akin. Nakahinga ako ng maluwag at naglakad ako palapit sa kaniya. Excited pa siyang lumapit sa akin.
“Hello, Sianna!” she greeted, cheerfully. “Kanina pa kita hinahanap kaso sabi ni Nik ay nagpapahinga ka.”
I chewed my lips. “Sorry. Nandito na ba iyong grandparents mo?”
“Yup! Johann mentioned you to our grandparents. They are looking for you anyway.”
“Nakakahiya…” Napakamot ako sa ulo. Sabay kami naglalakad ni Maih. “I’m really sorry. Nakaidlip kasi ako.”
“Don’t be so silly! We understand, okay? Syempre galing ka sa Manila at byumahe kayo ni Damon papunta rito.”
Humagikhik lang siya at nagtungo kami sa living room. Nandoon na ang lahat kahit ang Lolo at Lola nila. Umangat ang tingin sa akin ni Nik at iminuwestra niya sa akin na lumapit ako sa kaniya. Tumindig ang kaba sa dibdib ko nang lingunin ako ng Lola niya.
I gave them a sheepish smile. Damn it! I really don’t know how to act in front of their grandparents. Tahimik kaming naglakad ni Maih papunta sa sofa. Umupo ako sa tabi ni Nik. Naramdaman ko na gumapang iyong kamay niya sa bewang ko.
“Siya na ba si Sianna, hijo?” Tinuro pa ako ng Lolo nila. Lahat ng pinsan ni Nik ay napalingon sa akin. “Ang ganda niya. Mabuti naman pinakilala mo siya sa amin.”
“Of course, she is my girlfriend and a future Montepalma too,” Nik responded.
Hindi ko magawang hampasin iyong braso ni Nik. Napangisi ng wala sa oras si Nik dahil sa sinabi niya. Nakita ko na napangiti ang Lola nila. Bumungisngis ang mga pinsan nila maliban kay Valdus na seryoso na nanonood sa amin.
“Ako rin soon,” ani Johann. Nakataas nuo pa siya habang sinabi iyon. “Magdadala ako ng future Montepalma rin dito.”
“Hijo…” Lolo called him. “You’ve brought many women here in our place. Are you really serious?”
“He’s bluffing, Lolo. Wala siyang panahon magseryoso sa mga babae!” Maih scoffed.
Johann rolled his eyes. “Nice. I have a f*****g haters in this place.”
Tinatawanan lang ni Nik at Hansen si Johann. Napanguso ako para pigilan ko hindi makisama sa tawa nila dahil nakakatawa talaga si Johann sa tuwing binabasag siya ng mga pinsan niya.
Hanggang sa napansin ko na nakatitig sa akin ang Lola niya. Binigyan ko naman siya ng isang ngiti kahit papano.
“Nagsabi sa akin si Johann na magp-party kayo rito. Wala naman kaso iyon sa akin at malalaki naman na kayo. But you have to do it tomorrow. Kailangan namin magpahinga ni Louise kasi pupunta kami ng Subic bukas,” Don Enrico continued. Tapos tiningnan niya ako. “I’m glad I met you, hija. I want you to feel at home.”
My lips curved. “Thank you so much.”
“So, let’s head to the dining table. We are really hungry.”
Dumikit naman si Johann sa kaniyang Lolo nung pagtayo namin lahat. Medyo nagpaiwan kami dahil hinatak ako ni Nik. Niyakap niya ako ng mahigpit at nakahinga na rin ako ng maluwag.
Sobrang kinakabahan ako kasi sila ang Don at Donya ng pamilya nila. Their aura is really intimidating. Medyo naiirita ako sa sarili ko na baka mukha akong constipated.
“Are you nervous?” he asked.
“Yes! They are your grandparents, Nik,” I replied. Bumuga ako ng hangin at pinapakalma ko ang sarili ko. “I thought they were not gonna like me.”
He smirked. “And when I bring a woman to our place, it only means that I’m serious.”
“Serious my ass…”
“Oh,” he laughed. “Hindi ka pa naniniwala ha? Look at Johann, hindi na naniniwala sa kaniya si Lolo kasi maraming dinala na babae rito at maraming nagwawala sa harapan dahil sa kaniya.”
Napangiwi ako dahil naiimagine ko kung gaano karami ang babae ni Johann. Kahit siya ay hindi alam bakit nangyayari iyon.